Kabanata 12

116 38 32
                                    

"What course do you want to take in college?" Tanong niya bigla.


Kanina pa kami tahimik na kumakain sa 7/11. Nakita ko pa ang ngisi niya ng pumasok kami kanina. Napatingin kasi ako sa despenser ng gulp.


Halos hindi ako mapakali pagka upo palang. Andami na kasing nakatingin sa amin. Madami kasing estudyante galing school namin ang pumupunta dito. Karamihan ay ang mga nasa college department.


Iba naman kasi ang schedule namin sa kanila. Hindi naman kami pwedeng lumabas tuwing may break. Hanggang canteen lang kami pwede. Kaya nga palaging sa parking lot ako hinihintay ni Gab.


Nagkibit balikat ako sa tanong niya.


"Ewan ko, baka business ad." Nag iisang anak kasi ako. Meron kaming sariling business na for sure ako rin naman ag mag mamana.


Napangiti siya sa sinabi ko. Ang alam ko business ad rin ang kurso nito.


"Mabuti naman. Do you plan to manage your business after?"


"Siguro. Wala rin naman akong choice kasi mag isa lang ako. Pero hindi naman ako pine- pressure ni Dad" napatingin ako sa kanya. "Ikaw ba?"


Malungkot siyang ngumiti sa akin. Nagulat ako 'don. Hindi niya ba gusto ang kurso niya?


"No pressure 'din naman sakin. Dalawa lang kami, ayaw ko rin na si Sigrid ang e pressure ko" Sigrid? Baka kapatid niyang babae.


Biglang dumaan sa aking isipan ang dahilan kong bakit siya nanuntok 'non. Kasi niluko ng lalaking iyon ang kapatid niya.


Magaan akong ngumiti sa kanya.


"Ang bait mo palang kapatid"


Tumawa siya.


"Hindi rin, kasi siya babae. Gusto kong gawin niya ang gusto niyang gawin sa buhay"


Gusto ko sana siyang tanongin kung siya ba anong gusto niyang gawin sa buhay kaso parang masyado ng personal iyon. Ayaw kong isipin niya na kuryoso ako sa kanya.


"Sino na ang ka partner mo sa prom?"


Nalito ako sa tanong niya. Bakit? Ayaw niya ba talagang si Kyle ang ka partner ko?


"Si Kyle"


Kumunot ang noo niya.


"Sinong Kyle?"


"Iyong kausap ko 'nong isang araw"


Biglang dumilim ang kaninang nakakunot na noo niya.


"Bakit?" Nalito na naman ako. Hindi na ako sumagot at baka magalit na naman siya.


"Bakit siya ang gusto mong ka partner?" Tanong niya ulit ng hindi ako sumagot sa tanong niya.


Nagkibit balikat ako.


"Wala lang, siya rin kasi ang ka partner ko 'nong 3rd year. Kaya na isip ko na siya parin ngayon. Para hindi na masyadong awkward"


Tumango siya at hindi na sumagot.


Kumagat nalang ako sa sandwich at ininuman ang slurpee.


"I'll see if I can go"


Halos mabilaokan ako. Sinabi niya rin yan kanina hah? Totoo pala talaga!


Bakit pa? Gusto kong itanong.



Pero ayaw ko. Ayaw kong bigyan ng malisya. Ayaw kong bigyan ng kahulugan. Ayaw ko siyang tanongin kong ano ang ginagawa niya. Ayaw ko dahil takot ako. Takot ako na baka wala lang pala talaga lahat ng ito.


Gusto ko monang namnamin ang mga bagay na'to. Kasi alam ko, kapag binigyan ko to ng label. Matatapos lahat 'to.



"Ok"


"May lakad ka ba this coming saturday?" Nabigla ako sa tanong niya.


"W-wala pero baka pupunta ako sa school. Baka may practice"


Foundation day na kasi sa lunes. Sa merkules naman ang Prom at valentines day.


Hindi ko alam kong bakit kinakabahan ako tuwing naiisip ang valentines day. Kahit kailan hindi naman ako na excite sa mga ganyan.



"Manang nandyan na po ba si mommy?" Tanong ko sa katulong namin pagkauwi.


Pagkatapos naming kumain ni Gab. Hinatid niya lang ako sa parking lot. Nakita ko na naghihintay na si Manong 'don. Pero hindi rin naman nag tanong. Tinangoan lang siya ni Gab at walang emosyon akong tiningnan bago umalis.


"Oo akyatin mo nalang sa kwarto"


Palagi kasing wala si mommy. Hindi siya nag ma manage ng business namin pero sumasama siya kay daddy kapag may business trip ito sa ibang bansa. At napadalas ang 'ganon kaya palagi siyang wala sa bahay.


"Mom!!" Na abotan ko siyang may tinitingnan na magazine sa kwarto.


"Shane!" Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap.


Ngumiti ako pagkabitiw niya.


"Mom, Prom na po namin this coming wednesday" ngumuso ako. "Wala pa po kasi akong susuotin"


"Talaga? Tamang tama at" lumingon siya sa mazagine na binabasa niya kanina "I was watching some magazines, I'm invited to some friend daughter wedding"



Tumango ako.


"I am finding some gown to wear" Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya sa study table at binigyan ng magazine.


Sabay kaming tumingin tingin ng gowns at masyado akong nalibang na hindi ko na namalayan ang oras.


Meron na akong dalawang napili. Sabi ni mommy orderin ko nalang ang dalawa tapos sa personal nalang ako mag desesyon kong ano 'don ang susuotin. Ako rin ang nagpili sa susuotin niya sa wedding.


Pagod na agad ako pagkatapos mag shower. Pumipikit pikit pa ako habang nag b-blower ng buhok ng biglang tumunog ang cellphone ko.


"A-rayy!" Nawala lahat ng antok ko ng mabitawan ko ang blower at tumama yon sa aking tiyan.


Inis ko iyong pinatay at tiningnan uli ang nag text.


Gabriel: Are you sleeping? Good night :)


Nanghihina akong humiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko at nilagay sa mukha ang cellphone.


Gusto kong mag reply. Pero hindi ko ginawa.


God! Hindi na ako makapaghintay bukas.

REDAMANCY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon