This is the final chapter. Thank you so much for making it here! I hope you had fun!
-
"Dad! What was that?!" Galit kong tanong kay papa habang sinusundan siya paakyat sa hagdan.
Nalingon niya ako.
"Why?" Mahinahong tanong ni papa. Bigla akong kinabahan.
"Why are insisting us to get married?!" Malakas parin ang boses ko hindi makalma dahil sa pinag-usapan kanina sa hapag kainan.
"Why? Alam mo naman dati pa na you're bound to marry her so I don't understand why you're acting this way."
Mahina akong umiling kay papa. Hindi masabi ang tunay na dahilan kong bakit ayaw ko sa matagal na namang napag usapan.
"Gabriel hijo, do you like someone else?" Napalingon ako sa likuran ko at nakitang nakatayo na si mama at nakikinig sa amin.
Nagtama ang paningin namin ni mama pero saglit lang 'yon dahil binalik ko ang tingin kay papa.
"Yes."
Walang pag alinlangan kong sinabi. Narinig ko ang malakas na singhap ni mama sa likuran pero hindi ko siya nilingon. Tiningnan ko ang gulat na reaction ni papa na unti-unting napalitan ng galit.
Tumango siya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Hindi ma intindihan kung para saan ang pag tango.
"You will learn to love Jane Monterde," He said that with finality bago ako tinalikuran.
Dahil sa pag amin ko kay papa ay mas lalo pa yata niyang minadali ang engagement ko kay Jane Monterde.
"Gabriel, let's eat some lunch," bulong sa akin ni Jane habang hinahaplos ang balikat ko.
Saglit ko siyang nilingon bago binalik ang tingin sa kanina pa tumatawag sa aking cellphone.
Hindi ko siya kayang kausapin dahil guilty ako. Ang alam niya ay dito ako nag On-The-Job training sa tito ko dahil ayaw ko sa company namin. Pero ang totoo ay pinilit lang ako ni papa para daw magkasama kami palagi ni Jane Monterde at magka mabutihan.
"Gabriel," malambing na tawag sa akin ni Jane sa likod hindi ko siya sinagot at tiim bagang lang na nakatingin parin sa cellphone.
Bigla akong napakislot ng maramdaman ang marahang pagdila niya sa batok ko. Madali akong tumayo at tiningnan siya ng masama.
"Hindi ko gusto ang ginagawa mo." May diin sa boses ko.
Narinig ko ang marahang tawag niya sa akin pero iniwan ko siya 'don at hindi na nilingon
Namatay ang tawag ni Sky pinulot ko ang cellphone at tinawagan si Daddy.
"Dad please!" Pakiusap ko ng maabotan ko siya sa opisina niya.
Kahit anong pilit ko sa kanya na ayaw kong magpakasal sa iba ay hindi siya nakikinig.
Graduation ni Shane ngayon at gustohin ko man na pumunta ay kailangan kong kausapin muna ang daddy dahil three days from now ay announcement na nang engagement namin ni Monterde.
"You will eventually learn to love her Gabriel, trust me," sa boses ni papa alam kong wala na talagang makapagpigil sa disesyon niya.
Umiling ako at pumikit ng mariin bago marahas na lumapit sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero bago pa siya makapagsalita ay hinawakan ko ang kamay niya at nanghihinang lumuhod sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romans(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...