Nagtaka ako ng hindi ko siya nakita sa sasakyan namin. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko siyang naka sandal sa hood ng sasakyan niya.
Nalilito akong lumapit sa kanya.
"B-bakit?" Tanong ko.
Tiningnan niya ako bago bumuntong hininga.
"You've been running for a while now. Take a rest and make sure to drink water" nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya.
Halos mapangiti ako ng nakitang hindi siya makatingin.
"B-bumili naman ako ng tubig sa canteen"
Tumango siya at mukhang iiwan na ako. Sinundan ko siya ng tingin at hinawakan ang kamay niya ng malampasan ako.
Bakas ang gulat sa mukha niya na nilingon ako. Bumagsak ang tingin niya sa kamay kong nakahawak parin sa kanya.
Nahihiya ko itong binitawan at tipid siyang nginitian.
"Aalis kana?" Mahina kong tanong.
Ano ka ba sky! Ang kapal talaga ng mukha mo! Bakit mo siya pinigilan? At nag karoon ka pa talaga ng lakas na hawakan ang kamay niya.
Nahihiya kong tiningnan ang sapatos niya. Napa angat ako ng tingin ng marinig siyang bumuntong hininga at nagulat ng makitang binuksan niya ang frontseat ng sasakyan.
Nilingon niya ako.
"Lets talk inside"
At pumasok na siya sa driverseat. Napakurap kurap ako. Hindi alam kong papasok ba o aalis na.
Akala ko lalabas na ang puso ko sa aking ribcage sa lakas ng tibok nito.
Tuwid na tuwid ang katawan ko habang naka upo.
"Bakit ka tumatakbo kanina?" Tanong niya pagkatapos na matagal na katahimikan.
"Hinuhuli kasi ang mga naka white rubber shoes"
Awkward akong tumawa.
Tumingin siya sa sapatos ko bago tumango.
"Naabotan kitang nag abot ng isang libo. Na trap kaba?" Nakangiting tanong niya.
Naramdaman ko na pinagaan niya tensyon kaya ngumiti rin ako.
"Oo nga eh"
"Ano pa bang ibang booth meron kayo?"
Nag isip ako. Ano nga ba?
"Ahm. Jail, movie, marriage booth lang ang alam ko eh"
Nakita ko siyang natigilan sa huli kong binanggit.
"Buti hindi ka sumali sa marriage booth?"
Hindi ko alam, nakangiti naman siya ng tinanong iyon pero bakit parang may naramdaman akong kakaiba?
"Ah hindi no!" Tanggi ko.
Sino ba papakasalan ko 'don? Eh ikaw lang naman ang gusto kong pakasalan. Pwede naman, kung gusto mo. Hehe
Lihim akong napangiti.
Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ang katahimikan niya. Nakita ko siyang seryosong naka tingin sa akin. Natigilan ako ng bigla siyang lumapit.
Halos mapa atras ako ng maramdaman ang haplos niya sa aking mukha.
"Pinagpawisan ka" mahina niyang sabi.
Napakurap kurap ako at dali daling kinuha ang panyo at nag trapo sa sarili. Hindi man lang siya lumayo ng kahit kaunti kaya nanginginig ang kamay ko habang ginagawa 'yon.
Halos maputol ang hininga ko ng hinawakan niya ang aking kamay at kinuha ang panyo at siya na ang nag napatuloy.
Mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napakagat labi ako ng hindi sinadya niyang nasayad ang aking leeg.
Napatingin siya sa labi ko. Biglang bumagal ang hininga ko ng makita lumapit ang mukha niya. Pumikit ako ng maramdaman ang labi niya.
Maybe time stopped when he met my lips, but the flutter only intensified. His kisses are very soft and gentle. Naramdaman ko ang sobrang lakas na tibok ng puso ko at ang panghihina ng aking mga tuhod.
But I could only focus on how soft he felt against my mouth, how addictively he invaded all my senses.
Just like the last time, I tried to copy his movements. One flick of my tounge and I know it triggired him.
He pulled me closer to him, as if I am not close enough. Heat rose from my stomach to my chest when I felt his hand stroking my neck.
Wala sa sarili akong napaungol.
Hinawakan ko ang buhok niya at pinantayan ang mapangrahas niyang halik.
Halos hindi na ako makahinga.
Naramdaman ko ang unti unti niyang pag tigil. Tiningnan niya ako sa mga mata at naka ngangang inilipat ang tingin sa aking mga labi.
Alam kong namumula iyon. Dahil nakita ko na namumula rin ang sa kanya.
Pumikit ako ulit ng pinatakan niya ng mahinang halik ang aking labi. Hinaplos niya ang buhok ko at lumayo sa akin ng kaunti.
Nahihiya akong tumingin sa kanya kaya itinuwid ko ang tingin ko sa mga sasakyan na na sa harap.
Nakakahiya!
At tumugon pa talaga ako! Tama ba 'yong ginawa ko?
Hindi naman ako marunong humalik.
Nangigigil kong pinikit ang mga mata.
I heard him chuckle.
Kaya tumingin ako sa kanya. Nakita kong naka taas ang kilay niya sa akin at napakagat labi ng napatingin ulit sa aking bibig.
Kinunotan ko siya ng noo.
Nagitla ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
"Are you ashamed?" Nabigla ako sa tanong niya.
"H-hindi no!" Gulat kong tanggi.
Tumango siya sa akin at ngumiti.
"Don't be" hindi ako sa sumagot.
Matagal kaming nanahimik at ang mga hininga namin ang tanging naririnig.
Napalingon ako ng marinig ang mga sigaw ng studyante sa loob. Siguro ang sasaya na nila 'don. Pero wala yatang makakapantay sa saya na naramdaman ko ngayon.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak ng haplosin niya ito.
"Am i really your first kiss?" Mahina niyang tanong
Tumango ako tiningnan siya sa mga mata. Seryoso niya akong tiningnan pabalik at walang bakas na paglalaro ang mukha.
"Good. And I'll be your only"
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romance(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...