Ilang araw nalang at foundation day na. Sobrang busy namin lately. Late narin kaming nakakauwi dahil sa practice.
Hindi ko masyadong nakikita si Gab. Tatlong araw na ang lumipas 'nong kumain kami sa 7/11.
Hinihintay niya pa rin ako sa parking lot. Kaso hindi kami masyadong nakakapag usap. Nagpapalam na siya agad pagkarating ko. Siguro dahil late na at nakikita niya rin siguro ang pagod ko.
Hindi ko rin mo na siya binibigyan masyado ng pansin. Huling taon ko nato sa highschool. Gusto kong mag enjoy.
"Anong booth ang una nating pupuntahan?" Tanong ni Claire sa akin.
Nandito kami sa Gym ng school dahil opening ng foundation day. Pinaypayan ko pa ang sarili ko sa sobrang init.
Hindi ako nakasagot at tumayo dahil biglang tinawag ang section namin. Winagayway ko ang dalang balloon at sumisigaw na kinakanta ang cheer.
Tumawa pa ako ng malakas ng makitang tumalon talon pa si Claire. Tinulak ko siya at nanlaki ang mga mata ko ng halos matumba siya at tinamaan ang ibang ka klase namin. Tinawanan niya lang ito at nag sorry.
"Sa wedding booth tayo! Ipakasal mo ako sa crush ko!" Niyogyog niya ako. "Sige na sige na. Ako pa magbabayad" sabay halakhak niya.
Crush niya kasi ang 1st honor ng kabilang section. Type niya kasi ang mga matatalino at medyo weird.
Hinawakan niya ang kamay ko at sapilitang dinala sa wedding booth.
Ang lakas ng tawa ko ng makitang sobrang laki ng dismaya niya dahil ang crush lang naman niya ang pari sa wedding booth.
Humahalakhak ako sa itsura ni Claire. Hindi ako maka get over.
"A-ano yon? Bakit siya ang pari? Hahahahaha" natatawa ko siyang sinusundot sa tagiliran niya.
Matalim niya akong tiningnan at sa huli ay natawa na rin.
Napatigil ako sa pagtawa ng mahagip sa mata ko si Gab. Nakita kong nakatingin siya sa akin habang may kumakausap sa kanya.
Tipid ko siyang nginitian. Hindi niya ako sinuklian ng ngiti. Walang emosyon niya lang ako na tinitigan.
"Oy si Gab oh" tumango ako kay Claire.
"Hindi mo lalapitan? Nakatingin sa'yo" binagsak ko ang mga kamay ko at nag wave sa kanya para hindi makita ng iba.
Tinangoan niya lang ako. At ibinalik ang tingin sa kausap. Kaya tumalikod na ako.
"Hindi na" sabi ko kay claire.
Nag text siya sa akin kagabi. Sabi niya lang 'enjoy your day tomorrow' ni replyan ko ng 'I will. Thank you'
Pinuntahan niya rin ako 'nong saturday. Last day ng practice namin sa prom. Nag usap kami sandali sa parking lot at binigyan niya lang ako ng inumin at umalis na rin agad.
Nagulat kami pareho ni Claire ng makitang may tumatakbong groupo ng studyante papunta sa banda namin.
"Huhulihin raw ang mga naka rubber shoes na puti!" Sigaw 'nong isa.
Sabay pa kaming napatingin ni Claire sa mga sapatos namin bago tumingin sa isat isa at natatawang tumakbo dahil pareho kaming nakasapatos na puti.
Dahil sa dami ng humahabol sa amin nag kahiwalay rin kami ni Claire. Kanya kanya na kasi kami sa pagtakbo.
Hinihingal pa ako ng may lumapit sa akin na ka klase.
"Sky hanap ka ni ma'am" Sabi niya agad pagkalapit niya.
"H-hah? Sinong ma'am?" Medyo hinihingal ko pang tanong.
"Si ma'am Atabelo. Pinapahanap ka niya sa akin at may sadya raw"
Tumango ako kahit nalilito at hindi malaman ang dahilan kong bakit ako pinapatawag ng guro.
"Asan ba siya?"
Ngumiti siya sa akin
"Andon sa section daisy"
Pumunta mona ako canteen at bumili ng tubig bago tumungo sa classroom na tinutokoy ng kaklase.
Nakita ko si Claire na naka upo 'don at naka ngising tumingin sa akin.
Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang may sumigaw sa likuran ko at nakitang kaklase ko 'yon
"Huli ka!" Nagulat ako ng bigla niyang hinarap sa akin ang palad niya "isang libo"
"H-hah?! Anong isang libo?!" Gulat kong tanong. Tinuro niya sa akin ang sapatos ko at nalilito pa akong tumingin 'don.
Napa atras ako ng makita kong naka tamak ako sa isang bond paper. Binasa ko ang nakasulat don at nakitang may nakasulat na 1,000.
Nasampal ko ang noo ko ng ma gets rin sa wakas ang nangyayari. Nanghihina kong binulot ang wallet ko at kumuha ng isang libo at binigay iyon ng pagalit sa ka klase ko.
Narinig kong humahalakhak si Claire.
Inis ko siyang tiningnan.
"Oh! Huwag mo akong tingnan na ganyan dahil isa rin ako sa nabiktma!" Medyo defensive na sabi niya. "Buti at sa 100 ako naka hakbang.
Aakusahan ko na sana siya na siya ang nagsabi na ipahanap ako ng may biglang humawak sa braso. Napalingon ako at nagulat ng makita kong sino yon.
Ramdam ko rin ang gulat sa mga tao sa paligid.
"B-bakit?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya mo na ang paligid bago ako hinarap.
"Parking lot" maikling sabi niya bago ako tinalikuran.
Nalilito ko siyang sinundan ng tingin.
"Sky ano 'yon? Anong ginagawa ni Gab dito?" Tanong ng ka klase ko.
Hindi ko siya sinagot at iniwanan na sila don.
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romance(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...