Kabanata 34

92 11 17
                                    

"Are you okay?" Mahinang tanong sa akin ni Gabriel. Naka upo na kami ngayon sa sofa at medyo kumakalma na.


"Aren't you cold? Take a bath first and change." Sabi nito ng hindi ako sumagot.


Tumango lang ako sa tanong niya. Alam kong nakatitig siya sa akin ngayon at naninimbang. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya sa mga sinabi niya sa akin.


Sa totoo lang pagod na ako. Pagod na akong tumakbo at umatras sa laban naming dalawa. Pagod na akong hindi makinig sa paliwanag niya. Pagod na akong hindi ipag laban kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya.


"I'm sorry," Mahinang ulit niya.


Bumuntong hininga ako at sinandal ang sarili sa sofa at pagod na ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko ang pag galaw ni Gabriel at hindi na nagulat nang hinawakan niya ang kamay ko.


Dumilat ako at tiningnan ang ginagawa niya. Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa magkahaway naming mga kamay.


"I'm really sorry for causing so much pain to you."


Umiling ako at nagbabadya na ang mga luha sa mga mata.


"No," Mahina kong sabi. "It's my fault. Sana nakinig ako sa mga paliwanag mo."


"No Shane, kasalan ko ang lahat sana una palang sinabi ko na sayo ang tungkol kay Jane Monterde. Sana nagpaliwanag ako agad. Sana sa akin mo narinig at hindi sa ibang tao."


Tumulo ang mga luha ko. Suminghap ako para pigilan ang pag hikbi.


"It's all in the past Gabriel. What's important is we all knew we had our share of faults."

Tumango siya at binitawan ang kamay ko. Pumikit ako ng umangat ang kamay niya sa mukha ko at mahinang pinahiran ang mga luha dito.


"Do you believe me now?" Bumalik na ang kamay sa kamay ko at hinaplos ang mga daliri nito.

Hindi ako nagsalita. Nagulat ako ng lumapit pa siya sa akin as if there's no enough space for the both of us.


Napakurap ako nang hinawakan niya ang panga ko at pinaharap sa kanya.

"Please," Napakagat labi ako sa hina ng boses niya.

Tumango ako at humikbi.


"Thank you," napapaos niyang bulong.


"Please don't run away again kung may problema tayo. Please take time to listen to me," Sabi niya pagkatapos ng napakahabang katahimikan.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya, alam ang pagkakamali sa pagkakataong ito.


"Do you love me?" Mahina niyang tanong kasunod ang mahihinang mura.

Hindi ko napigilan ang mabilisang paglingon dahil sa tanong niya.


"Fuck! I can't believed I am asking that damn question right now."


Tumaas ang kilay ko sa kanya. Agad naman siyang huminahon at umayos sa pag upo.

"Yes," Walang pag alinlangan kong sagot.


Nagulat pa ako dahil kitang kita ang pagkagulat sa mukha niya.


"Don't tell you don't know?!" Medyo inis ko pang tanong. Nag mura siya ulit at humawak sa baywang ko. Niyakap niya ako ng pagilid.


"You can't blame me. Naniwala akong kayo ni Ramon sa limang taon na nakalipas. That bastard!"


REDAMANCY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon