Kinabahan ako agad sa sinabi niya. Hindi iyon tanong at may tunog na paguutos.
Kumawala ako sa yakap at ramdam ko ang panginginig ng katawan habang mahina na umaatras. Nakita ko ang pagtataka niya. Kumunot ang noo at nalilitong tumingin sa aking mga paa.
Bago pa ako makatakbo ay nahawakan niya ang kamay ko. Tumilapon pa ang heels na kanina ko pa dala dahil sa lakas ng hawak niya.
"And where are you going?" I can sense the control anger of his voice.
Nalilito ko siyang tiningnan.
"I-i don't know. I was just" I bit my lower lip. I honestly don't know what to say.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at ang unang naisip ay ang tumakbo. Kung hindi niya ako nahawakan ay malamang nagawa ko na.
Binitawan niya ang kamay ko at at nakita kong pinasok niya ang kanya sa suot na slack pants.
Yumuko ako at pinisil ang mga daliri. Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.
"If you're planning to reject me you can actually say it on my face" halos mapaangat ako ng tingin sa diin ng boses niya.
Hindi ako sumagot. Hindi dahil takot ako kundi wala naman talaga akong maisagot.
"Not that you'll run away" dugtong niya pa.
Mahina akong umiling.
"I-i'm not running away"
Narinig ko ang mapakla niyang tawa.
"Really? You can't even face me. Maybe because you're guilty"
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Madilim pa rin ang kanyang mukha pero may nakita akong paglalaro 'don.
"I'm not guilty"
Gusto ko sanang umatras ng humakbang siya palapit sa akin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"You're not guilty of what? Running away? Or rejecting me? Hmmm" mapang uyam niya pa itong sinabi.
Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang siya.
"Answer me" he demanded.
"Both"
Humalakhak siya sa sagot ko.
"You're funny" kaya napangiti na rin ako.
It's been almost a month since then. Sabi ko sa kanya na pag iisipan ko pa at tumango naman siya at sinabing kaya niyang maghintay.
Can you really believe that? My crush for more than 3 years just courted me! And I asked him to wait.
To wait, kung ang nararamdaman ko ang pagbabasihan ay baka hindi pa siya nakapagtanong ay sinagot ko na.
But I want to take the right process. Gusto kong maranasan ang tamang proseso ng ligawan. Kahit ang totoo wala naman talaga dapat pag'isipan.
Sabi ni Claire sa akin 'non. Kapag daw nililigawan ka ng crush mo ay nawawala bigla ang feelings mo. Nawawala ang kilig. Kaya ang ending walang magiging kayo dahil hindi mo na maramdaman ang naramdaman mo 'nong crush mo palang siya.
Mawawala ang excitement.
Napangiti ako ng makita si Gab na nakasandal na naman sa hood ng kotse namin. Naramdaman ko agad ang paglakas ng tibok sa puso ng makita siyang seryosong nakatitig sa akin habang palapit ako.
No Claire, I really think you're wrong! Kasi kong tama ka, bakit halos lumabas na ang puso ko sa lakas ng tibok nito dahil sa excitement?!
"How's your exam?" Tanong niya habang nag d-drive. We're planing to watch a movie today. Maaga kasi ang uwian namin dahil finals.
"Okay lang" maikli kong sagot.
Nakita ko ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi kaya inirapan ko siya.
Ikaw na matalino!
Napag'usapan namin na gumala dahil magiging busy na ako nextweek. Start na kasi ng graduation practice. Siya rin naman ay mag a-apply for On the job training.
Natanong ko nga kung bakit hindi siya sa kanilang kompanya nag apply ng OJT. Ayaw niya raw ng masyadong special treatment kanyang tito siya nag apply, kaibigan ng daddy niya.
"What do you want to watch?" Tanong niya sa akin habang nakatingala sa poster ng sinehan.
"Hmm. 'Yong wala masyadong tao"
Napataas ako ng kilay ng tinaponan niya ako ng nagdududang tingin.
Napasimangot ako ng makitang halos puno na ang mga upuan at sa may unahan pa kami.
Ang laki ng screen! Ang sakit sa mata.
At dahil Avengers end game ang napili niyang movie at 4D pa kaya halos mapailag ako lalo na at na sa harapan kami naupo.
Ramdam ko ang pananakit ng ulo pagkalabas namin sa sinehan. Wala yata akong maintindihan.
Bakit kasi hindi horror or indi films ang pinili? Hindi tuloy ako naka tsansing. Hehehe
Nagpasyahan mo na naming kumain bago umuwi dahil ang lakas ng ulan sa labas. Pero pagkatapos namin ay hindi man lang humina kahit kaunti ang ulan.
At dahil na sa labas naka parking ang kanyang sasakyan at hindi sa parking lot ng sinehan mababasa talaga kami. Pero hindi naman masyadong malayo.
"Takbo tayo" sabi ko. Nakakunot ang kanyang noo ng umiling.
"No. Mababasa tayo, stay here and I'll buy umbrel-" hindi ko na siya pinatapos dahil dali dali akong tumakbo.
Napahinto pa ako dahil hindi ko mabuksan ang pinto kaya nilingon ko siya ulit at nakitang nakatakip ang kamay sa kanyang ulo habang tumatakbo.
Sinimangutan niya ako habang binibigyan ng tissue at face towel.
"Tigas talaga ng ulo"
Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romance(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...