"Good night" Pumikit ako ng yumuko si Ramon para mahalikan ang aking noo. Ngumiti ako sa kanya.
"See you tomorrow" I said and waved my hands. Tumango siya at tumalikod na.
Pagod kong sinalampak ang sarili sa kama. After 5 years hindi ako makapaniwala na I'm finally home. Akala ko hindi na talaga ako uuwi. At kung makaka-uwi man ay siguro bakasyon lang ng ilang araw. Hindi ko inakala na sa unang uwi ko ay tuluyan na akong manirahan dito.
Pumasok sa isipan ko ang dahilan kung bakit hindi ko na gustong umuwi.
I heard Gab didn't get married. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero ang narinig ko lang ay hindi siya ikinisal pagka graduate niya. Even though I don't want to heard any news from him. Ramon is so full of it. Lahat ng naririnig niya ay sinasabi niya agad sa akin.
He failed to know one news though. The reason why the marriage is still not done until now. But the news said it will be a long engagement so...
Ipinagkibit balikat ko nalang iyon. Married or not I don't care. Ang kailangan kong paghandaan ay ang aming pagkikita. He's here in Manila and with our family business hindi talaga malayo na magkikita kami. Stock holders meeting, some hotel, restuarant and name it.
"So you and Ramon?" Tanong sa akin ni Claire. She's here in my condo early in the morning. Maydala siyang pagkain at nagpapasalamat na rin ako dahil hindi pa ako nakapag grocery.
"No" uminom ako sa lemon tea.
"W-what I thought... you look good together and he's sweet"
Ngumiti ako sa kanya. I can't also explain it. Naintindihan ko si Claire sa akala niya kasi iba naman talaga ang turingan namin ni Ramon. He's my Family for 5years. He knows everything about me.
"Alam mo Claire there is something I can't explain about our relationship. More to say he's my bestfriend just like you" tumigil ako at huminga ng malalim "I trust him just like how I trust you. And I love him just like how I love you. We're friends and klaro sa aming dalawa iyon"
Kumunot ang noo niya sa akin.
"Talaga? Binasted mo siya?"
Tinawanan ko ang tanong niya. Clearly Ramon don't like me as a woman. Alam kong meron siyang ibang mahal. Ilang beses ko na siyang biniro na kami nalang ang magpakasal pero sinasagot niya lang ako ng 'mahiya ka sa sarili mo Shane'.
Nag cli-cling lang talaga kami sa isa't isa. Siguro dahil kami rin naman ang palaging nagkakasama. Lalo na at Sekretarya niya ako. Ilang beses ko na nga siyang narinig na mag lekramo na parang ako pa daw itong boss kaysa sa kanya.
"Anyway paano si Gab?" Pag iiba niya sa usapan.
"Hah? Anong paano?" Nalilitong tanong ko sa kanya.
"Alam mo na. Baka magkita kayo hindi naman malabo iyon" tumango ako sa sinabi niya.
"I don't know. I'll just ignore him. Hindi rin naman ako ang mag ha-handle ng company and I won't attend meetings. Si Daddy na ang bahala 'don. Mag a-assist lang ako sa kanya"
Well, pag uwi ko dito tsaka ko lang nalaman na na scam ako kay daddy. Hindi naman pala ga'non ka grabi ang sakit niya. It's just a simple hypertension. Tinakot lang ako para umuwi. Dahil kahit anong pilit nila noon na umuwi hindi talaga ako nagpatinag.
"Nakapag move-on ka naman siguro. Ang tagal na 'non tapos hindi naman naging kayo" napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"B-bakit ikaw ba nakapag move-on ka na ba kay Adam?" Tanong ko sa crush niya noon na naging boyfriend niya. Tumagal lang sila ng tatlong taon.
Ngumisi siya sa akin at tumango.
"Oo naman! Ano ka ba! It's just young love"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Young love? 'Yan rin ang palaging sinasabi sa akin ni Ramon. Palagi akong nanahimik kapag ganyang ang naririnig ko.
Hindi ko kasi maintindihan. Ayaw ko ring ipa alam kasi nahihiya ako. Bakit parang ako lang itong hindi makalimot? Bakit sa akin lang ito big deal? Bakit parang wala akong karapatang masaktan ng matagal dahil hindi naman naging kami?
Dahil hindi rin naman nagtagal. Dahil ang bata ko pa daw. Dahil makakahanap pa ako ng iba.
Pero bakit hindi ako halos maka pag move forward? I am still stock in the past. I love him for 3years. I love him more when he courted me. I love him even if he choose to hurt me.
Kaya walang karapatan ang sino mang maliitin ang nararamdaman ko. Walang karapatan ang sino man na sabihin sa akin na hindi dapat ako masaktan ng matagal dahil wala lang 'yon. That's why I keep it for myself. Ramon knows but he always denied it and tell me that it's nothing. But no... I know.
Naramdaman kong namumuo na ang luha sa mga mata ko kaya tumayo ako.
"Bathroom lang" Sabi ko kay Claire at tumango naman siya.
Pinaypayan ko ang mga mata ko habang nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin. Hindi ko alam pero na aapektohan talaga ako kapag ganon ang usapan. Siguro dahil sa kailaliman ng damdamin ko. Alam kong tama sila. Walang kwenta itong nararamdaman ko.
Palabas na ako ng may makabanggang babae. Nahulog pa ang lipstick niya kaya pinulot ko iyon.
"I'm sorry" sabi ko at tiningnan ang babae.
Kumunot ang noo ko. She looked familiar. Pinakita ko sa kanya ang lipstick niya. Kinuha niya iyon at ngumiti.
"It's okay. Thank you for this"
Tumango ako at lumabas na.
Dahil iniisip parin kung saan nakita ang babae at bakit siya pamilyar sa akin ay nabangga na naman ako ng isang tao.
Halos mapasigaw ako dahil muntik ng matumba. Buti nalang at na alalayan ako ng nakabangga sa akin at nahawakan agad ang beywang ko.
Pinagpag ko ang damit ko at humarap sa taong naka bangga sa akin. Kung hindi ko pa napigilan ang sarili ko baka lumuwa na ang mga mata ko sa nakita sa harapan.
"Sky" mahina niyang sambit sa akin.
"Gab" akala ko sa akin nang galing iyon pero naunahan akong sabihin 'yon sa taong na sa likuran ko.
Sabay pa kaming napabaling ni Gab at nakitang ang kabangga kong babae sa CR ang tumawag sa kanya. Lumapit ang babae kay Gab at hinawakan ang braso nito.
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romance(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...