Special Chapter 1

86 11 20
                                    

This is Gabriel's Point Of View. In case you didn't read my Author's note.

-

"Oh. Nandyan na naman ang Fan mo," napalingon ako sa biglang nagsalita sa likuran ko. Umiling ako kay Jethro ang Captain Ball sa team namin.


Nandito ako ngayon sa school gym at nag p-practice. Ka ka-shot ko lang sa bola ng may maingay na dumating tiningnan ko iyon at nakitang siya na naman.


Shane Kathrice Yuzon, isang junior highschool. Mag iisang taon ko narin siyang nakikitang tumatambay dito sa gym kasama ang isang kaibigang babae.


Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nandidito siya ay natitigilan talaga ako sa paglalaro. Hindi ko alam kung bakit ko siya palaging napapansin gayong wala naman ka pansin-pansin sa kanya.


Maganda naman ang palagi niyang kasama na babae pero siya talaga ang palagi kong tinitigan. Hindi naman siya pangit pero hindi rin naman siya sobrang maganda. Iyong tipo na simple lang siguro ay dahil sa simple rin ang kanyang pananamit.


Sabi ng mga ka team mate ko. Ako ang crush 'non kaya palaging pumupunta dito. Noong una ay ayaw kong maniwala pero habang tumatagal ay napagtanto ko na totoo.


Pero hindi dahil crush niya ako kaya ko siya napapansin. Sadyang meron talagang na sa kanya kaya ko siya nakikita. Hindi naman sa pag ha-hambog pero andami rin na nagpapahiwatig na gusto nila ako. Pero kahit kailan walang naka kuha ng atensyon ko kundi  siya lang.


Napatingin ako sa bleachers ng makitang tumayo na ang dalawa. Sinundan ko ng tingin hanggang sa makalabas na sa entrance ng gym.


Napabuntong hininga ako.


I don't know but maybe it's her simplicity and innocents who get me.


"Ligawan mo na kasi. Halata naman na crush ka 'non," binalik ko ang tingin kay Jethro.


"Masyadong bata," simple kong sagot.


Humahalakhak siya habang umiiling.


"Anong bata eh tatlong taon lang ang agwat mo 'don. Masyado ka namang conservative."


Ngumisi ako sa kanya.


"Tsaka na kapag na palitan na kita sa pagiging captain ball."


Natigilan siya sa sinabi ko kaya humahalakhak ako ng malakas. Pinalo ko ang bola na hawak niya at inagaw.


"Manong nandito na po ako sa parking lot."


Napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Sky iyon. Kakabukas ko lang sa pintuan ng sasakyan at papasok na sana nang marinig ko siya.


Hindi niya ako nakita. Kanina ko pa siya hinihintay dito sa parking lot. Second year highschool na siya at ako naman ay first year college na. Iba na kami ng building kaya hindi ko na siya palaging nakikita.


Kaya ang ginagawa ko hinihintay ko siya sa parking lot. At tsaka lang umaalis kapag nakapasok na siya sa kanilang kotse.


Ngayon ay medyo na tagalan siya siguro dahil periodical exam nila. Aalis na sana ako ng dumating siya. Napangiti ako ng makita ang pagkagat labi niya habang may kinakausap sa cellphone.


Sarap halikan.


Pinilig ko ang ulo ko sa masamang naiisip. Sumakay na ako sa sasakyan at sinulyapan mo na nang huling beses bago umalis.


It became my habit for years. No one knows except myself what I've been doing. Masilayan lang ng kaunti okay na ako.


"Alam mo habang tumatagal parang gumaganda yang fan mo."


REDAMANCY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon