"San ka galing kahapon?" Nagtatakang tanong ni Claire sa akin.
"I had a stomach ache"
Nagdududa niya akong tinaponan ng tingin.
"Parang narinig ko na 'yan ah" hindi ko siya pinansin.
Pagkatapos ng nangyari kahapon hindi na ako bumalik ulit sa loob. Pinigilan ako ni Gab actualy. We just stayed in his car. Silent, talking, holding, staring.
We kissed. Yet, I still don't know what our relationship. I'm afraid but I am happy.
Tomorrow is our prom. Dumating na rin ang gowns ko. I am still undecided what to wear. Sana maka pili na ako mamaya. Para makapag sabi ako kay Kyle at nang mabagay niya ang susuotin sa gown ko.
Gab also texted me this morning. He only said to enjoy my day and he will be busy so he can't met me.
Food bazaar na sa second day ng foundation. Pero meron parin namang mga games booth pero hindi na talaga katulad kahapon.
Nagpasyahan naming 'don tumambay sa booth ng section namin.
"Oh kayo naman dalawa ang mag tinda dito" sabi ng isang ka klase ko. Masaya naman akong tumango.
"Miss pabili ng milktea" napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Kyle ito.
"Anong flavor?" Pabiro kong tanong.
"Taro" nagulat ako ng magbayad siya. Akala ko kasi biruan lang.
Sabay kaming napatalon sa gulat ng biglang sumigaw si Claire. Nakita ko siyang hinihila ng dalawang lalaki. Sinubukan pa niyang magpumiglas pero hindi rin siya nakawala.
Natatawa ko silang sinundan ng tingin.
"Anong susuotin mo bukas?" Tanong sa akin ni Kyle.
"Hindi pa ako nakapili eh. E text ko sayo mamaya"
Tumango siya.
"Send mo narin ang picture para mabagay ko sa suot mo ang akin"
Ngumiti ako sa kanya.
Nalibang ako sa pag titinda. Bukod sa nakakatuwa ang mag serve. Andami ring pagkain. Gusto pa ngang makigpalit ng isang kaklase ko pero hindi ako pumayag.
"You look stunning" ngumiti ako kay Kyle. Napatingin ako sa suot niya at nakitang kaparehang kulay sa gown ko ang inner niya.
I was wearing a fit and flare midnight blue gown. I choose this one because it seems to flatter the slimmest parts of my body and camouflaging the worst. I also look fiminine without being too girly, sexy without being overt.
And compared 'don sa isa. I am more comfortable with this. I paired it with peep-toe stilletto. My hair is also in semi braided.
Napahanga ako sa design ng gymnasium. Halatang pinaghandaan at pinag gastoan. Last year ay sa isang 4 star hotel ang prom. But the faculty decide to celebrate it in the school this year.
Nakita kong nakaupo na si Claire sa aming designated table. Lumapit ako sa kanya and give her compliment.
"Wow best, parang ngayon lang kita nakita na ganito ka ganda ha? Parang nasanay kasi akong nakikita kang naka tshirt"
Tumawa ako. Lately, nagiging mapili na ako sa susuotin. I was wondering if it is because of Gab.
Natahimik kaming dalawa ng mag start na ang ceremony. After ng kainan ay ang cotillion.
Nakangiti ako habang sumasayaw kami ni Kyle. Nakahawak siya sa bewang ko. Umikot ako at sinalo ng ka klaseng lalaki.
Paulit ulit lang hanggang sa bumalik sa totoong partner.
Pagkatapos ng cotillion ay ang free style dance. Umupo ako kasi masakit na ang mga paa.
Nilingon ko si Claire ng pasalampak siyang umupo sa tabi ko. Kumunot ang noo ko ng biglang may naalala.
"Teka, ano palang nangyari sayo kahapon?" Hindi na kasi siya nakabalik simula 'nong hinila siya ng dalawang lalaki.
Ngumisi naman siya sa akin at kwenento ang nangyari.
Nagulat ako sa kwento niya at pinalo siya sa mukha. Akalain mo?! Kinasal siya sa crush niya at ang crush niya pa ang nag request na mag kasal kasalan sila.
"Buti hindi na siya ang pare?" Natatawa kong tanong.
"E proxy lang pala siya 'non kasi na late yong totoong gaganap ng pare"
Sabay kaming napalingon sa dance floor ng marinig na rock na ang pinapatunog ng DJ. Napangiti kami at tuwang tuwa na pumunta sa dance floor.
Sayaw dito, sayaw 'don. Giling dito, giling 'don.
Natawa pa ako ng nag twerk si Claire sa harapan ko. Tinulak ko siya kaya muntik pa siyang matumba.
Sinasayaw rin ako ng mga ka klase ko. Meron pa isang nag lead ng zumba kaya tuwang tuwa kaming kinopya ang moves niya.
Tumigil ako sa pagsayaw at yumuko para tanggalin ang sandal ko. Muntik pa akong masubsob dahil tinamaan ng kaklase na nagsasayaw.
Tumayo ako bitbit ang magkapares na sandal sa kaliwang kamay ng biglang matigilan dahil pinatay ang dancing lights at pinalitan ng dim lights. Naging sweet na rin ang kanta.
"Ang KJ naman" rinig kong sabi 'nang isa.
Babalik na sana ako sa lamisa namin ni Claire ng halos mapasigaw ako sa gulat dahil may biglang humawak sa aking baywang.
Napa pitlag ako ng maramdaman ko ang dibdib nito sa likod ko at ang hininga sa tenga ko. Pipiglas na sana ako ng bigla itong bumulong.
"Can I have this dance?"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pamilyar na boses sa nagsalita.
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romance(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...