Tulala ako habang naglalakad sa parking lot. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Tatlong taon akong halos baliw na nakatingin sa kanya sa malayo. Nag hahangad.
I can't seem to understand why I felt this way. Kung bakit sa pangalawang interaction ko sa kanya sa araw na ito ay kaba, inis at galit lamang ang naramdaman ko.
Tatlong taon ko itong hinintay, bakit hindi man lang ako makaramdam ng kaonting kilig? Halos mayakap niya na ako kanina.
Hindi ko alam, pero isa lang ang naiisip ko sa nararamdaman kong ito. Dahil ito sa nangyari kanina sa gym. Hindi ko maintindihan ang lahat ng ito pero isa lang ang alam ko I am dissapointed.
Tulala parin ako sa kaiisip habang naglalakad patungo sa sasakyan ng napasigaw ako sa gulat
"Ayyy" hinawakan ko ang aking dibdib. Naramdaman ko ang grabing gulat dahil sa isang malakas na busina ng sasakyan.
Inis kong hinarap ang sasakyan at kinatok ang bintana nito.
Mas lalo lang akong nainis ng makita ang driver. Hilaw itong ngumisi sa akin.
"Ano ba?! Bulag ka ba?!" Pinatiran ko ang gulong sabay hampas sa salamin ng sasakyan.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Didn't I said to you that watch your way?"
Mas lalo lang akong nagalit.
"Anong watch your way?! Ikaw itong bigla nalang bumusina jan!"
He laughed.
"Of course. What do you want me to do? Nakaharang ka sa daan. Natural b- businahan kita"
Mas lalong lumaki ang mga natural ko ng malalaking mata.
"Anong nakaharang sa daan? Ikaw itong hindi tumitingin sa tamang daan! Tingnan m-" sabay lingon at natigilan ng nakitang tama siya.
Mas lalo siyang ngumisi.
"See?"
Humingi ako ng malalim.
"I don't care. Ikaw itong nakatingin sana naman hindi mo ako ginulat ng ganun at umiwas ka nalang"
He laughed sarcastically.
"Alam mo, I don't get what you're talking about" tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa salamin niya at tinampal ito.
Bigla ko itong nabitawan at gulat siyang tiningnan.
"Ano ba?!"
"Tss. Baka madumihan" at pina andar na ang sasakyan.
Dali-dali kong hinawakan ulit ang salamin niya bago pa niya ito masara. Gulat niya akong nilingon.
"Mag sorry ka sa akin" inis kong sabi.
Busangot ang mukha niya akong tiningnan.
"Why the hell I would do that?"
Hindi ko siya pinakinggan.
"Mag sorry ka sa akin" ulit ko.
Tumawa siya.
"Kanina kapa sa sorry na iyan. Sa pag kaalala ko ay wala naman akong kasalanan"
Mas lalo lang akong nainis.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka mag so sorry sa akin"
Nagulat ako sa sarili ko. Hindi man lang ako kinabahan habang kaharap siya ng ganito. Akala ko ba mahal ko ang lalaking ito?!
Posible bang makalimotan ang pag mamahal kapag galit ka sa isang tao?
"You know what miss" tiningnan niya ako sa mukha pababa sa aking dibdib. "You're wasting my time here. Kanina ka pa"
Napaatras ako ng bigla niyang ilapit ang mukha sa akin.
"Do you like me?" He smiled.
Ang puti ng ngipin!
Nanginginig ang kamay ko habang paulit ulit kong ginalaw ang ulo saying no.
"H-hindi anong akala mo sa akin" pinalakihan ko siya ng mata.
"Hmmm. So I won't say sorry"
Kinakabahan pero naiinis I decided to take one step closer. Halos ipasok ko na ang ulo ko sa salamin ng kanyang sasakyan.
"Alam mo, hindi ko alam na ganyan pala ka pangit ang ugali mo" plastik ko siyang nginitian. "Pangatlong beses mo ng dapat mag sorry sa akin sa araw na ito pero kahit isang beses wala akong narinig galing sayo"
Kinunotan niya ako ng noo. Sinenyasan niya akong ipasok ang ulo ko sa salamin niya. Hindi ko ginawa kaya nagulat ako ng binuksan niya ang pintoan sa banda ko kaya bigla akong napaatras.
Sinenyasan niya akong lumapit kaya lumapit naman ako kahit kinakabahan. Ngumiti siya sa akin.
"Alam mo miss, kung ito ang paraan mo para mapansin kita. Then, it's a good way ha? Hindi ako nakikipag usap ng lampas limang minuto sa isang babae" tumingin siya sa relo niya. "Where talking about 15 minutes now"
"Hindi ako nagpapansin sayo"
"Okay. Then explain to me why do I need to say sorry to you? Do it faster and stop wasting my time!" He gritted his teeth.
"Wala ka ba talagang na alala? Parang kanina pa iyon nangyari ha?"
Hindi ko alam pero nagagalit talaga ako sa kabastosan na pinapakita niya.
"Bingi ka ba? Sabi ko explain it to me so I can understand" naramdaman ko rin ang inis niya.
Huminga ako ng malalim at umiling.
Tiningnan ko siya ng may dissapointment sa mga mata.
"Alam mo, kung nasayang ang 15 minuto mo sa akin. Walang wala yan sa oras na nasayang ko para sayo. Sana pala hindi ako nagsayang ng oras at ganyan pa pala kasahol ang ugali mo"
Tears are slowly forming my eyes.
Alam kong hindi niya na ako naintindihan.
Bigla siyang lumipat sa upoan na nasa harapan ko.
"Look, I don't really know what you're talking about. You're really wasting my time here" mas lalo lang siyang lumapit. "But if you really want to hear my sorry, then ok"
He cignal me to go near him so I did. Nagulat ako ng bigla niyang nilapit ang mukha sa akin. Bago pa ako nakapikit nakita ko ang ngisi niya. Naramdaman ko ang kanyang halik sa aking labi. Marahan lamang iyon at napaka sandali lang pero nagdulot sa akin 'yon ng hindi pagkagalaw.
"Then we're quits!" He laughed "it's my way of saying sorry"
Dahan dahan kong binuka ang mga mata. Naluluhang tiningnan siya.
"You said i have to say sorry three times right? Tsaka na ang dalawa at nagmamadali ako" bumalik na siya sa driver seat at sinara ang pinto.
Bumisina siya ng dalawang beses at iniwan akong naka tulala sa parking lot.
Shit! First kiss ko yon!
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romans(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...