Pinikit ko ulit bigla ang aking mga mata. Hindi ko alam kong anong pumasok na tapang sa akin at pinili ko siyang huwag pansinin.
Nakakarindi.
Mas lalo niya kasing nilakasan ang pagkatok niya. Binuka ko ang mga mata ko at hinanap ang airpod sa bag ko.
Bumuga ako ng hangin at inis na nilingon siya ng hindi makapa ang hinahanap.
Binuksan ko ng napakaliit ang bintana. Sakto lang para ma rinig kong anong sasabihin niya.
"What? Anong kailangan mo?" Inis kong sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay ng hindi siya tumigil sa pagkatok sa salamin ng bintana.
Nagpipigil galit kong binuksan ng malaki ang bintana.
Nagitla ako ng pinasok niya ang kanyang kamay at may bagay na hinarap sa mukha ko. Kailangan ko pang umatras ng kaunti para makita kong ano 'yon.
Nalilito ko siyang tinangnan ng makita na cellphone niya iyon.
Andyan nanaman ang kanyang nakakasilaw na mga ngipin.
"Put your number" nagulat man ay tinaasan ko parin siya ng kilay.
"At bakit ko naman gagawin iyon?"
Teka, asan na ngaba iyong si manong? Ang tagal!
Lumingon lingon ako.
Nanigas ako bigla ng hinawakan ni Gab ang panga ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya.
Nagtaka ako ng makitang dumilim ang mukha niya.
"Diba sabi ko naman sayo na huwag mong sanayin ang sarili mong tumingin sa iba habang kaharap ako"
Magaan man ang pagkakasabi niya ay ramdam mo parin ang diin sa boses niya.
"I didn't, i was j-" huminto ako ng hindi ma realize na hindi ko naman obligasyon ang mag paliwanag sa kanya.
"Tssss" winagayway niya ang cellphone niya sa aking mukha.
"Save your number here so I can go now"
At bakit ko nga gagawin iyon?
"Ayaw ko nga, wala namang dahilan para kailangan mo pang kunin ang numero ko"
Tumingin ako sa kisame ng kotse, takot na baka ibalik niya na naman ang usapan sa utang niyang sorry kuno.
He chuckled.
"Talaga ba? Hindi ba meron nga akong otang sa iyo at babayaran ko 'yon"
Tiningnan ko siya ng masama.
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"D-diba sabi ko naman sayo na wala ka talagang kasalanan" tumango tango pa ako "totoo promise" sabay ngiti ko saya.
Rinig ko ang tunog ng ngisi niya.
"Huwag mo akong itulad sa mga taong pino-post sa socmed dahil hindi nagbabayad ng otang. Baka mamaya pag gising ko sobrang sikat na pala ako dahil pinost mo na ako" huminto siya "not that I'm not famous huh"
Feelingiro!
Mabait akong ngumiti sa kanya. Tinatago ang mga nakakuyom na mga kamay sa ilalim ng bag.
"Don't worry, hindi ko 'yan gagawin Gab. Hindi ako masyadong mahilig sa Socmed eh so why should I waste my time on that" tumawa pa ako.
Galit niya akong tiningnan.
"Ibibigay mo ba ang number mo o babayaran kita sa otang ko sayo, kung saan maraming tao?" Pananakot niya bigla.
Dali dali kong kinuha ang cellphone niya at nag type ng mabilisan.
Ngumiti siya sa akin.
Ang bipolar naman nito!
Masaya niyang kinuha ang cellphone niya at napatingin naman ako sa akin ng marinig na nag riring ito.
Tiningnan ko iyon at nakitang unknown caller lang.
Sasagotin ko na sana ng biglang may na alala.
Inis ko siyang binalingan.
Pasinghal niya akong tinawanan.
"Just checking, alam mo naman uso scam ngayon" tinaas niya pa ang kamay niya na may bitbit na cellphone.
Nagulat ako ng bigla niyang hinablot ang patuloy na nag r'ring kong cellphone. Pinatay niya iyon at may kinulikot sa cp ko.
Pinakita niya naman sa akin pagkatapos ng ginawa niya.
Ramdam ko ang biglang pamumula ng pisngi ko sa nakita sa contact name niya na inilagay sa cp ko.
"A-ano yan?!" Sabay hablot ko sa cellphone ko.
'Mahal ko' ba naman ang nilagay niya! Ano yan, totoo namang mahal ko siya. Pero hinding hindi ako papayag no na malaman niya.
Mabilis ko itong tinanggal at pinalitan ng Gabriel.
Narinig ko ang halakhak niya kaya hinarap ko siya.
"Alis ka na" bugaw ko sa kanya.
Imbis na mainis nginisihan niya lang ako.
"Ok. I'm done here, see you tomorrow miss plain white shirt"
Inis ko siyang sinaradohan ng bintana.
Kinatok niya pa ito at winagayway ang kamay bago umalis.
Napa buntong hininga ako. Kailan man hindi ko naisip na parang natural lang sa akin na pakikitunguhan siya ng ganito.
Ramdam na ramdam ko palagi ang kaba ko kapag kaharap ko siya.
Palagi ring parang nahuhulog ang puso ko kapag ngitian niya ako.
Pero alam ko sa sarili kong mas malaki ang pag aalinlangan ko dahil alam kong paglalaro lang ang ginagawa niya.
Alam kong madami kaming nagkakagusto sa kanya.
May ibang tulad ko na nakitingin at nag hahangad lamang sa malayo.
Pero mas marami rin ang sumubok na mapansin niya.
Pero kahit kailan hindi ko siya nakitang may kinausap na babae kahit kaswal lang.
Marami rin akong narinig na babae na-issue sa kanya. Alam kong totoo lahat ng iyon at alam ko rin na walang label ang mga binibigay niya sa mga babaeng iyon.
Dahil kailan man wala akong nakitang binigyan niya ng atensyon kagaya ng ibinigay niya sa akin. Kaya alam ko rin na paglalaro lang ang ginagawa niya.
"Hala ma'am kanina pa po kayo? Sorry po ma'am biglang sumakit ang tiyan ko eh"
Bumuntong hininga ako at lalong pinikit ang mga mata.
"Okay lang po manong. Alis na po tayo at inaantok na ako"
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romansa(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...