Kabanata 24

105 29 40
                                    

Umalis ako agad pagkatapos ng meeting. Hindi ko na kayang tagalan ang mga masasamang titig ni Gab samin ni Ramon. Iniwan ko na rin si Ramon 'don dahil alam kong makikipag usap pa siya sa ibang shareholders.



Hindi ko namalayan na hindi pala ako halos humihinga kanina. Tsaka pa lang kasi ako guminhawa ng maayos pagdating sa parking lot.



Pumikit ako ng mariin at tumigil saglit sa paglalakad. Kinalma ko mo ang sarili at baka hindi pa ako makapag concentrate sa pag d-drive.



Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng magulat dahil may biglang nagsalita sa likod.



"So you and Ramon huh?" Agad niyang salubong sa akin pag lingon ko.



Napa kurap kurap ako sa tanong niya. Hindi agad maintindihan kung bakit siya nandito.



Sinundan niya ba ako? Hindi pa halos na tapos ang usapan kanina pag alis ko ah? Bakit siya agad nandito? At teka asan kaya ang fiancee niya?



Tumingin pa ako sa likod at tiningnan kung hindi ba bumuntot sa kanya ang magiging asawa.




"What are you doing here?" Medyo nagulat pa ako sa sarili dahil diretso ko iyong nasabi.



He ignored me though.




"That mother fucker cheated in my sister. I'm surprise you're still in a relationship after all this years" Nakangiti niyang sinabi pero may bahid na galit ang bawal salita.



"I-i don't know what are you talking about"



Madilim siyang ngumisi sa akin.



"Really? Ilang taon na kayo? Is he faithful though? Baka naman niloloko karin ng isang 'yon tulad ng ginawa niya sa kapatid ko?" Sunod sunod niyang tanong sa akin.



What the fuck is he saying? Me and Ramon? Hahaha. At teka nga lang, bakit parang siya pa ang galit dito? Bakit ako itong pinapaulanan niya ng tanong?




Can't take his nonsense tumalikod ako at nagpasyang iwanan siya 'don. Pero bago ko pa mabuksan ang kotse ay hinaklot niya bigla ang braso ko at sapilitang pinaharap sa kanya.




"A-ray ano ba nasasaktan ako!" Hinawakan ko ang kamay niya at pilit binawi ang braso.



"And where are you going?" Napatigil ako ng makita ang dilim sa mukha niya.



Ang kapal talaga ng isang to. Bakit siya pa talaga ang galit.



Binalibag ko ang kamay niya ng sa wakas ay nakawala ako sa hawak niya. Tiningnan ko siya ng masama bago binigyan ng matamis na ngiti.



"Clearly, I don't have any business here. And I don't think you have the right to bombard me questions when between you and me you're the one who's at fault" tumigil ako at nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.



"And one thing, if Ramon will cheat to me oneday then it's none of your business. You're worst than him" Pinitik ko ang buhok ko sa kanyang mukha "you ghosted me, Did you forget?" At kumindat ako sa kanya.



Pinagsamantalahan ang gulat niya sa mga sinabi ko. Dali dali akong umalis 'don.



Hindi ko namalayan na nanginginig pala ang kamay ko sa kakapigil ng emosyon. What a jerk! At talagang sa parking lot na naman kami nag ka harap.



Napakunot ang noo ko ng binalikan ang usapan namin kanina. Me and Ramon? Still together after all this years? Anong ibig niyang sabihin?



Nalilito akong umiling at pinaharurot na ang sasakyan...



Kung kailan mo talaga gustong makita ang isang tao tsaka naman hindi nagpapakita. At 'yung ayaw mo naman makita palagi mo naman nakikita.




Isang linggo narin ang nakalipas simula 'nong nagkaharap kaming dalawa ni Gab sa parking lot.



Gusto kong makausap si Ramon dahil meron akong konklusyon sa mga pinagsasabi sa akin ni Gab. Pero hindi ko naman mahagilap ang isang 'yon.



"Hello?" Sagot ko agad sa tawag ng makitang si Ramon iyon. Nandito ako sa office niya at wala parin siya.



"First day of work?" Hindi man nakikita ay alam kong nakangisi siya.



Nilibot ko ang paningin ko sa opisina niya. Napakunot ang noo ko ng mahagip ang medyo maliit at simpleng lamisa.




"Is that table for me?" Napasinghap ako ng marinig ang halakhak niya.




"Of course! You're my secretary! At halos isang buwan kanang absent kaya mag trabaho ka na"




"I know! At hindi naman iyan ang ibig kong sabihin! Bakit ang liit naman yata ng lamisa ko? Did you forget who I am?"




"Of course! Shane Kathrice Ybañez! My secretary!"



Tumahimik ako at pinakalma ang sarili.



"Saan ka ngayon? At bakit hindi ka pa nagpapakita? I have something important to ask you"


Narinig ko siyang tumahimik sa kabilang linya.



"Is this about Gabriel?"



Kinabahan ako bigla sa tono niya. Masyado iyong seryoso.



"Y-yeah. Why did you know?" Napalunok ako.



Did Gabriel goes to Singapore to see me? Did Ramon had something to do with it? Kaya hindi kami nagkita?



Kumunot lalo ang noo ko ng humahalakhak na naman siya.




"What? Alam ko naman na si Gabriel lang ang something important para sayo" he stopped. I heard woman voice in the background "sige na. I'll call you later"



Walang hiyang to! Pinatayan ba naman ako!




Galit kong tiningnan ang lamisa na para yata sa akin at nagpasyang lumabas 'don. Bibili ako ng mas malaki pa sa lamisa mo Ramon! Pesteng to.



Nagulat pa si Stacey ng makasalubong ako.



"Where are you going ma'am?" Nilagpasan ko siya at hindi na pinansin.



Nagpupuyos ang loob ko habang nakasakay sa elevator.



Kinuha ko ang I-pad at tiningnan ko ang mga emails at ni replyan ang iba ng mapa angat ang tingin ko dahil bumukas ang elevator sa isang floor.


Halos maputol ang hininga ko ng makita kung sino ang sasakay. Dali dali akong yumuko kahit alam ko naman na nakita niya na ako.

REDAMANCY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon