Napabuga ako ng hangin nang makita si Gab sa parking lot. Isang linggo na rin ang lumipas 'nong pinuntahan niya ako sa classroom at nag text na magkita kami dito.
"Ano?" Tanong ko agad sa pagkakita ko sa kanya.
Na abotan ko siyang nakasandal sa hood ng sasakyan ko at dito pa talaga naghintay!
'Yan na naman ang nakakasilaw niyang ngipin.
"Nothing, I just want to ask if you want a sorry?"
Iniripan ko siya.
"Yan lang ba ang sadya mo sa akin at kailangan mo pa akong e text at kitain dito?"
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Woman. You don't know how many girls out there who want to receive my messages"
Hambog!
"Edi 'don ka sa kanila mag text!" Galit kong sabi.
Kumunot ang noo niya at may maliit na ngiti sa labi.
"Are you jelous?"
Ha? Pinagsasabi nito!
"At bakit naman ako mag seselos? Gusto ba kita? Tsaka kana mag assume kapag g-gusto na k-kita!" Halos mabilaokan ako sa sarili kong laway sa kasinungalingang pinagsasabi ko.
Ngumiti siya sa akin.
"Hmmm" may pag dududang sagot niya.
Tatanongin ko na sana siya kung anong ibig sabihin sa sagot niya ng biglang may maalala.
"T-teka? Ano palang ginagawa mo sa classroom ko kanina? At bakit alam mo 'kong saan ang klase ko?"
Nagkibit balikat siya.
"I have my ways"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Stalker ka no?!" Panghuhusga ko.
Mapang uyam niya lang akong tinawanan na parang nakapa imposible ng pinaratang ko sa kanya.
"Asa" at tumalikod na.
Abay bastos to!
At 'yon na nga. Isang linggo mahigit ko na rin siyang natatagpuan sa parking lot at puro pang aasar at pang iinis lamang ang ibinibigay niya sa akin.
Hindi ko mo na masyadong binibigyan ng pansin ang mga ginagawa niya dahil kritikal ang linggong ito sa amin.
Exam week na kasi at minamadali ito ng mga teacher dahil foundation day na nextweek. Tatlong araw rin iyon. At sa pang huling araw ay valentines day at Js prom namin. Siguradong puro practice na naman ang gagawin namin sa susunod na araw pagkatapos ng exam.
"Oh ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong ko agad sa kanya ng makarating sa sasakyan. As usual naka sandal na naman siya sa hood ng sasakyan ko.
Umiinom siya ng Gulp at nakita kong meron rin sa kabilang kamay niya.
Napa atras ako ng bigla niyang iharap sa mukha ko ang isang inumin na dala niya.
"A-no to?"
Madilim niya akong tiningnan.
"Juice! Ganyan kaba talaga kabobo?"
Nagpapasenya ko siyang tiningan.
"Ang ibig kong sabihin kong para saan yan?"
Ngumiti siya bigla.
"Ahhh. Naalala ko kasing exam mo ngayon kaya dinalhan na kita at alam kong sumasakit ang ulo mo kakatingin sa kisame kakahanap sa sagot"
Nabigla sa kabaitan niya nanginginig ang kamay na kinuha ang juice at pinalampas na muna ang pang iinis niya.
"T-thank you" pilit kilig kong sabi.
Tumango siya at sinenyasan akong inumin na ang juice.
Nalilito man kong bakit kailangan kong inumin sa harapan niya ay ginawa ko parin.
Napangiti ako nang malasahan ang milktea flavor.
Mas lalong lumaki ang ngisi niya ng nakita ang ngiti ko.
"Masarap ba?" Tanong niya halata parin ang pagkatuwa sa boses.
Tumango ako.
"Buti naman, akala ko kasi hindi 'yan masarap. Nakita ko kasi 'yang iniwan sa katabing lamisa pagkatapos inuman ng isang beses sa customer"
Hindi masyadong nag si-sink in sa akin ang sinabi niya.
"Kaya ayon pinulot ko at nagpasyang ibigay sayo. Sayang kasi"
Nanlalaking mata ko siyang tiningnan at agad na iniluwa ang nasa bibig ko.
Pero huli na ang lahat! Andami ko ng nainom.
"Huwag kang mag alala at binaliktad ko naman ang straw 'nyan. Oh diba ang bait ko?"
Humahalakhak siya.
Galit kong binato sa kanya ang Gulp pero nakailag siya. Dali dali ko iyong pinulot at ibabato na sana ulit pero nakatakbo na siya.
"GABRIEL YUZOOOONN!!!" galit kong sigaw.
Rinig na rinig ko ang lakas ng tawa niya.
Pesteeeeee!
Nandidiri kong tiningnan ang hawak na milktea at tinapon sa malapit na basurahan.
May araw karin sa akin! Humanda ka Gab!
"Anong nangyari ma'am?!" Nag alalang tanong sa akin ni manong.
Galit ko siyang binalingan. Napa atras siya sa nakitang dilim sa mukha ko.
"Wala! At saan kaba nagpupunta manong at palagi ka nalang wala sa oras na ganito?!"
Hindi siya nakasagot kaya pumasok nalang ako sa sasakyan at malakas na sinarado ang pinto.
"Naka usap mo naba si Kyle?" Tanong ni Claire sa akin pagkatapos ng exam namin sa isang Math subject.
"Hindi pa"
Hinilot ko ang sintindo ko at nahahapong tiningnan siya. Ang hirap ng exam. Bakit ba hindi ako pinanganak na sobrang talino?!
Hindi kasi ako naka pag review kagabi dahil sa inis ko kay Gab sa nangyari sa parking lot.
Not that i can answer huh if I reviewed. Kahit ano namang basa ko. Hindi parin talaga pumapasok lahat sa utak ko.
Ang hirap kayang sumabak sa isang exam na walang sagot na dala.
Lingon dito, lingon don. Tingin sa baba, tingin sa taas. Ang sakit sa leeg!
"Kausapin mo na baka maunahan ka ng iba"
"Bakit ikaw ba may partner na"
Nahihiya niya akong tiningnan. Kunot noo ko siyang tinaasan ng kilay.
Tatanongin ko na sana siya kong sino ng makita na lumabas si Kyle.
Tumayo ako at nagpasyang sundan.
"K-kyle" nag alinlangang tawag ko sa kanya ng maabotan.
Nakakunot noo siyang lumingin sa akin at gumaan bigla ang mukha ng makitang ako ang tumawag.
"Sky? Bakit?" Medyo gulat na tanong niya.
Huminga ako ng malalim at lumapit ng kaunti sa kanya.
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romance(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...