"Hmmm" Mapang uyam ang tingin na binigay sa akin ni Ramon. Inikotan ko lang siya ng mga mata at ibinalik ang tingin sa laptop sa harap.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang nakapag usap kami ni Gabriel. At aaminin ko masyado akong naging masaya sa bawat araw na nakalipas.
"What are my schedule for today?" Tanong sa akin ni Ramon. Ramdam parin ang paglalaro sa boses niya kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.
Nginisihan niya lang ako at pinaharap sa kanya ang laptop.
Sa loob ng dalawang linggo gabi-gabi kaming magkasamang matulog ni Gabriel. Minsan sa condo niya at minsan din sa akin. Ilang beses naring na ulit 'yon.
Uminit ang pisngi ko ng ma alala ang posisyon namin nakaraang gabi. Hindi ako makapaniwala na kaya kong makipag sabayan sa kanya sa ganoong gawain.
Gusto kong mahiya pero sa tuwing hinahawakan niya ako ay agad nag iinit ang katawan ko at sa huli wala ng magawa kundi magpa ubaya sa kanya.
"Here" Sabi ni Ramon ng matapos ang pagtingin sa kanyang schedule. Tinalikuran niya ako at umalis ng walang paalam.
Madami narin kaming napag usapan ni Gabriel at kasama na 'don ang pag ayaw niya sa pag t-trabaho ko kay Ramon. Pero napaliwanag ko naman sa kanya ang tunay na estado namin at pina intindi na magkaibigan lang talaga ang turingan namin sa isa't isa.
At aaminin ko sa ilang beses naming pag uusap ni Gabriel hindi ko parin magawang itanong sa kanya ang tungkol kay Jane Monterde. Hindi ko alam pero natatakot ako. Natatakot ako na baka tama si Jane isa lang ako sa mga babae ni Gabriel.
Alam ko naman na dapat talagang pag'usapan ang mga ganito. Ayaw kong maging big deal sa akin ang trust issue ko pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil meron parin parte sa akin na hindi naniniwala kay Gabriel.
They're engaged for God sick!
Napatingin ako sa laptop at nag search tungkol sa dalawa. Napakunot ang noo ko ng wala man lang news kung bakit hindi sila kinasal hanggang ngayon.
Nag type ako 'Jane Monterde engagement' parang naramdam ko bigla ang pananakit ng dibdib dahil sa nakita ang sobrang dami na pictures nila na magkasama.
They look sweet and in love with other. Kung tingnan mo ay hindi mo akalain na may problema sa kanilang dalawa pero meron ngaba? Siguro. Baka ako. Ako ang problema sa kanila.
I c-click ko na sana ang isang picture na nag'uusap habang naka upo at mukhang naghahalikan ang porma pero napa angat ang tingin ko sa biglang pa bagsak na pumasok sa pintoan sa office ni Gab.
Napasinghap ako at tumayo ng makita kung sino ang bisita.
"W-what are you doi" Itatanong ko na sana kay Jane Monterde pero naputol ang sasabihin ko dahil agresibo siyang lumapit sa akin.
"What the fuck!" Malutong na mura niya "didn't I tell you to know your place?!" Pasigaw na dugtong nito sa naunang sinabi.
Napa atras ako at nanginginig bigla ang kalamnan. I am not war freak. Hindi ako sanay makipag away kaya hindi ko talaga alam paano pakikitongohan ang mga ganito.
"Hindi ka pa talaga na kontento sa One night stand ano?! At talagang gabi gabi pa kayong magkasama at umuuwi ka pa sa Condo nang fiancee ko!" Narinig ko ang pag diin nito sa katagang fiancee.
Hindi ko alam kung paano siya sasagutin at hindi ko rin alam ang isasagot ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na tumulo ang luha nito. Mabilis man din pinahiran ay hindi parin nakatakas sa pandinig ko ang bahagyan pag hikbi nito.
Umamba akong lumapit pero umatras ito at sinigawan ko.
"You're a fucking whore!"
Ramdam ko ang biglaang pag taas ng galit ko sa sinabi niya.
"I don't know what you're talking about" mahina kong sinabi sa kanya kahit nanginginig na rin ako sa galit.
"You don't know? Hindi mo alam na ng aagaw ka na?!" Patili nitong sigaw.
Napatingin pa ako sa pinto at saglit na naisip na baka narinig ni Stacey sa labas dahil sa taas ng boses nito.
"Wala akong inagaw" may diin na sa boses ko.
Halos mabali ang leeg ko sa lakas ng sampal nito. Nagulat ako sa ginawa niya, tumaas rin ang kamay ko at umambang sasampal pero sa huli ay hindi ko ginawa.
Clearly I am the one who's at fault here. I am the one who don't have any right to used physical because I am just the other wowan.
Hilaw akong napangiti sa naisip.
"Why are you smiling ha? Are you happy? Masaya ka ba dahil you're ruining a relationship?"
"Kung wala akong inagaw mas lalong wala akong sinisirang relasyon" malamig na sabi ko. Unti unti ng nanghihina sa sakit na naramdaman.
Tumawa ito ng pagak sa sinabo ko.
"May gana ka pa talagang mag sabi niyan when cleary you're just mistress" halos manlaki ang mata ko sa sinabi nito.
"I am not a"
Pinutol niya ako.
"Not a mistress? Alam mong engaged na ang tao Sky at nagpunta pa ako rito para warningan ka. Pero anong ginawa mo? Pumatol ka pa'rin at bakit masarap ba? Malaki ba?" Hindi ako nakasagot.
"Hindi man lang ba pumasok sa utak mo na paano ako? Gabriel is mine to begin with Shane Kathrice. Isa ka lang linta na patuloy kumakapit kahit alam mong maysabit"
Wow that's an insult!
"Iyan lang ba ang sadya mo dito?" Aniya
Nagulat siya sa out of the blue na tanong ko.
"I am here to tell again to know your place"
"Ang fiancee mo ang lapit ng lapit sa akin hindi ako. Siya ang pagsabihan mo" malamig na tugon ko.
Ngumisi siya sa akin.
"Uulitin ko Gabriel is mine. I don't care if you literally fuck each other every second" umiling ito "you're just a mistress, his private girl, his secret and his fuck body"
Lunapit ito sa akin at inilipat ang mukha niya sa akin.
"And me? I am the future wife"
Tiningnan siya nito pa taas at umalis ng walang paalam.
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romance(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...