Pa ngiti ngiti si Claire sa akin sa klase. Alam kong gusto niya ng maki tsismis pero hindi niya magawa dahil strikta ang nagtuturo sa harap.
Bago niya pa ma yugyog ang buong pagkatao ko kanina sa canteen ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang break at magsisimula na ang klase.
Kaya ngayon ay kating kati siyang malaman ang dahilan kung bakit ako parang nandidiri at takot na takot makaharap ang taong pinagpantasyahan ko ng tatlong taon.
I sighed. Ako rin naman ay hindi maintindihan ang nangyayari sa sarili.
Did I fell out of love?
Pinakaramdaman ko ang sarili ko ng mabuti at inalala ang mga interaction naming dalawa.
Totoo at natatakot ako sa mga pinapakita niya sa akin. Dahil siguro alam ko naman na parang naglalaro lang siya. Alam kong hindi naman talaga siya interesado.
Siguro na bwesit lang dahil naging makulit ako sa kanya.
Pero tuwing kausap ko siya ay gwapong gwapo parin naman ako sa kanya. Kaya alam ko parin na gustong gusto ko parin siya.
Naalala ko pa noon, 'nong may sinuntok siya at sakto sa akin na bangga yong lalaking sinuntok niya.
Naging malaking issue yun sa school. Isa pa siya sa pinagpilian na magiging captain ball ng basketball team.
Iyak ng iyak ako noon kahit isang beses ko lamang siyang nakita dahil napag usap usapan na napag disisyonan ng school principal na hindi siya papasohin pag graduate at hindi na rin tatanggapin dito sa college.
Naalala ko rin kong gaano kasaya ng makita ko siya sa school gym na nag p-practice at hindi natuloy ang hatol sa kanya.
Simula noon, kapag gusto ko siyang makita. Sa school gym ko siya palaging nahahanap.
Ngayon naman, kahit anong ilag ko sa kanya kusa naman siyang sumusolpot.
Napapikit ako ng maalala ko ang kanyang halik. Sobrang sandali ng 'non, hindi naman ako kinikilig pero bakit parang hindi ko makalimotan?
Kaya ako takot na takot sa kanya kasi baka gawin niya sa akin ulit iyon.
Pero teka? Sabi lang naman niya na may utang siya sa akin na dalawang sorry. Wala naman siyang sinabi sa akin na may utang siya sa akin na dalawang halik ah?
Baka ang feeler ko lang talaga?
Pero diba sabi niya ang paraan ng pag so-sorry niya ang ay ang paghalik?
Hay nako! Ma siyado ko ng pinag bibigyan ng pansin ang lahat ng ito.
"Baka naman assumera ka lang?" Tanong sa akin ni Claire ng sa wakas ay natapos narin ang aming klase.
"Assumera saan?" Nalilito kong tanong.
"Sa halik at sa sorry!" Nilingon niya ako "baka naman hindi halik ang tinutokoy niya sa sorry na sinasabi niya?"
Teka bakit parang pamilyar.
Hinarap ko siya
"Naisip ko rin naman yan eh. Hindi ko alam kong bakit bumabaliktad parin ang sikmura ko sa takot"
"Best, hindi mo ba naisip? Chance mo na to! Grab the opportunity! Huwag nang magpa tumpik tumpik pa at laplapan mo na" sabay tawa ng malakas.
Hinampas ko siya sa braso.
"Anong laplap?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod.
Bigla akong napalingon at nanlaki ang mga mata ng ang nakangising mukha ni Gab ang nakita ko.
"H-hah? Anong laplap?" Balik tanong ko.
Mas lalo siyang ngumisi.
"Ako ba lalaplapin mo?" Napasinghap ako.
Narinig ko ang tawa ni Claire sa likod ko.
Sinulyapan lamang niya ito ng nakakunot ang noo. Bumalik ang tingin niya sa akin at ngumisi ulit.
"H-hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo" sabay hawak kay Claire at tumalikod na.
Uminit ang mga pisngi ko ng narinig ko ang tunog ng tawa niya.
Nilingon ko si Claire
"Oyy ano yon?"
"Manahimik ka Claire, halata naman na pinaglalaruan ako nung tao"
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at nag text kay manong na papunta na ako sa parking lot.
Mas lalong namula ang pisngi ko ng ma alala ang nangyari kahapon sa parking lot.
"Talaga ba? Edi bakit hindi mo patulan?" Napahinto ako bigla sa sinabi niya.
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
"If he wants to play with you, then be his playmate!"
"What?" Gulo ko paring tanong.
Umiling uling siya sa akin at bumuntong hininga.
"Alam mo Sky, si Gab yun eh. Crush mo 'yon ng tatlong taon. Diba nga nangangarap ka na mapansin ka niya? Ito na oh! Ito na to! Ang matagal mong hinihintay"
"Claire, hindi mo ba ako narinig? Pinaglalaruan ako nung tao. Tapos gusto mo patulan ko yon? Anong makukuha ko don?"
"Anong makukuha? Edi ang attention niya na matagal mo ng pinangarap. Wala namang mawawala sayo dahil gusto mo naman siya. Ano pabang mangyayari kung magkalapit kayong dalawa?"
Kumunot ang noo ko at hindi makasagot.
"Shane kathrice, you can gamble because you already have a feelings. Siya iyong talo dito kasi siya, wala siyang nararamdaman sayo. Pag dating ang panahon kapag may naramdaman na siya, yung nararamdaman mo naman ang mawawala"
Umiling ako sa kanya. Takot sa pinagawa niya.
"Iwan ko sayo, mas lalo mong pinasakit ang ulo ko sa pinagsasabi mo" tinapik ko ang balikat niya at iniwan na siya don.
Tulala na naman ako habang naglalakad papuntang parking lot. Pero hindi tulad kahapun tiningnan ko muna ang dinaraanan ko bago pumunta sa kotse.
Mahirap na at baka mahalik- ay este baka magulat na naman ako.
Kumunot ang noo ko ng wala si manong sa sasakyan pero nakitang naka andar ito.
Baka pinalamig pa ang aircon. Binuksan ko at ng naramdamang malamig na ay pumasok na ako.
Pasalampak akong umupo at mahinang pinikit ang mga mata.
Ang tagal naman ni manong, medyo inaantok na ako ng may kumatok si bintana sa gilid ko. Hindi ko iyon ininda dahil sa pag aakalang si manong lang at pinaalam ang presensya niya.
Pero hindi parin tumitigil sa pag katok kaya inis kong nilingon ito.
At naramdaman kong nahulog yata ang puso ko sa gulat ng pinalaking mga mata at nakangising mukha ni Gab ang nalingunan ko.
BINABASA MO ANG
REDAMANCY (Completed)
Romance(n.) The act of loving the one who loves you; a love returned in full. Shane Kathrice Ybanez known as SKY a fourth year highschool student who have a crush on Ymez Gabriel Yuzon a famous college student and a captain ball in basketball team. Isa na...