|GC 4|

242 61 47
                                    

NIGHT TO REMEMBER

~~~+~~~

Nakaupo ako ngayon sa kasulok-sulokang bahagi ng k'warto ko. Matapos kong bumalik sa storage room mula sa nakakabighaning lugar na iyon-- ang Old Courturier ay agad akong umakyat sa kwarto ko para magkulong. Sinag ng araw na papalubog mula sa nakabukas na bintana ko ang tumatanglaw sa blangkong k'warto ko ngayon. Ang sakit. Ang sakit pa rin kahit pa alam kong patay na nga si mom pero ito talaga ako. Sa tuwing maalala ko siya maski na banggitin man lang ang pangalan niya o kung ano ang mga kaya niyang gawin noon ay agad humahaplos sa puso ko. Super sensitive ko pagdating na kay mom at dad.

I love her kahit pa sa k'wento lang ni dad ko siya nakilala. Mga kwento ni dad kay mom na unti-unting napapamahal sa akin. Naging daan iyon para makilala ko ang namayapa kong mommy. Alam kong hindi rason iyon kasi wala kaming mga memories na magkasama kami ng matagal. Na tipong matatandaan ko talaga siya. Na nararamdaman ko at pinaparamdaman niya na mahal at pinahahalagahan niya ako sa akto.

May iniwan siyang sulat para sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa isang stationary enveloped paper. Nawawala na ang bangong taglay nito at ang makinis na lavender color nito ay gano'n din.

To my sweetest thing, Jay Bleith.

That was written on the envelope. Hindi ko pa siya binuksan though nakita ko ito sa drawer ni dad 6 years ago and obviously kinuha ko.

Mommy.

K'wento ni dad sa akin sobrang excited daw siyang maging dalaga ako. Na makitang nasa legal age na ako. Makikita niya kasi ang younger version niya raw noong dise-otso rin siya pero pag naalala ko ang aksidenteng kinasasangkutan niya ay naiisip kong alam niyang maaaksidente siya.

Mahinang pagkatok ang pumukaw sa nahuhulog kong pag-iisip sa bangin. Inangat ko ang ulo ko at ulit may kumatok na naman. Mahina akong tumayo at lumakad. Nadaanan ko ang vanity desk ko ay tiningnan ko muna saglit ang mukha ko. Pinunasan ko ang tear marks na nasa pisngi ko dahil sa mga luhang dumaloy doon kanina kakaiyak. Pati na rin ang mga mata kong namamasa. Nilapag ko muna ang letter ni mom sa mesa pagkatapos ay hinilamos ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay at inayos ng kaunti ang buhok. Bago ko binuksan ay tumikhim ako baka kasi napaos o ano ang boses ko. Mapapaghalataan pang umiiyak ako. Ayaw ko naman. Kaawaan. Ayaw ko. Tama nang kaawaan ko ang sarili ko 'wag lang sa ibang tao.

"Okay lang ako," mahinang sabi ko sa sarili ko. Hoping na magiging okay nga ako.

"Blythe." Tawag ni Kleoness sa pangalan ko. Halata ang pag-aalala sa mukha niya. "Ang tagal mo namang buksan ang pinto. May ginagawa ka ba sa loob?" Tanong niya. Ngumiti naman ako at umiling.

"Wala naman. Nakatulog lang." Tinernohan ko na lang din ng hikab at pakusot-kusot sa mata para mabenta ang rason ko.

"Kaya ba hindi ka na bumalik sa dining o sa baba man lang kasi nakatulog ka? Akala ko pa naman inutusan ka ni Thal na lumabas," natatawang sabi niya. Matipid na ngumiti na lang ako. "Nga pala. Tara na. May sasabihin daw si Thal importante daw." Pagpatuloy niya pa at hinawakan ang braso ko't mahinang hinatak. Tumango kaagad ako at pagkatapos naming makalabas ay kaagad sumara ang pinto. Nakaangkla ngayon si Kleoness sa braso ko habang bumababa kami.

"Nga pala iyong inutos ni uncle Shide sa akin. Nakalimotan ko. Napagdesisyunan ko kasing pumunta saglit sa k'warto ko kanina kasi may tiningnan ako. Hindi ko alam na nakatulog ako sa upuan." Paliwanag ko.

"Ay wala na iyon. Naibigay na ni Aeren ang box kay Thal."

Napahinga naman ako ng maluwag kasi kumagat siya sa palusot ko. Sana nga lang. Hay.

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon