~~~~~¤~~~~~
An exerpt from GOTH CITY: Old Courturier
"S-Sino iyan?!" Nanginginig na tanong ko. Sa tabi ng mga mata ko ay may anino akong namataan at ang bilis ng paggalaw ng bagay na iyon. Marahas na napatingin ako sa direksyong pinaghihinalaan kong huminto at nagtago.
"M-May tao ba riyan? I'm begging you please 'wag mo kong takotin at magpakita ka sa akin," sabi ko. Ilang senaryo na ang naiimagine ko tapos ang lahat ng iyon ay hindi maganda at nakakatakot. Gano'n na lang ang gulat ko matapos may nahulog mismo sa aking harapan. Napatili pa ako at napaatras kahit hindi naman talaga ako napalayo sa bagay na bumagsak kasi agad kong naramdaman ang dingding na nasa likod ko. Kahit kinakabahan at natatakot ay napatingin ako sa bagay na 'yon. Nakayuko siya sa akin at iyong isang paa rin niya ay nakacross sa isa niya pang paa na as if this creature is bowing me. Magsasalita na sana ako kaso agad siyang tumayo ng direkta at may matalim at mahabang bagay na tumutok sa leeg ko.
"Qui êtes-vous?!" Madiin ang pagkakasabi niyang iyon. Hindi ko na alam kung ilang beats per minute na ang ginawa ng puso ko dahil sa sobrang takot at kabang nararamdaman ko ngayon. Kahit mautal-utal ay nagawa ko namang magsalita.
"A-Ano?"
Nagsalubong ang dalawang kilay niya at saglit nawalan ng emosyon ang kanyang mga mata pero dumaan ang ilang segundo ay bumalik ang kaninang nagbabagang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Sino ka? How did you get here?!" Bulyaw niya sa akin.
"I-I mean no harm. Please, don't kill me."
Nakita kong madiin niya akong tiningnan na siyang nagbigay lang naman sa akin ng dobleng kaba. Unti-unti niyang dinidiin sa leeg ko ang patalim na ngayon ko lang napansing iyon iyong mismong kamay niya. What the freak! Is this thing a robot? But some emotions can be clearly seen on this thing!
"Sagutin mo ako! Don't lie for I can read your mind," madiin pa ring sabi niya. Napalunok ako. Mind reader? May built in sword at mind reader system? Pero this is not the right time to get amused by this creature. This thing is actually pointing a very dangerous thing that could kill me in just a second.
"I-I don't know how I came here, honestly. After reading the writings on the wall the floor where I was standing suddenly opened then I fell. Natagpuan ko na lang ang sarili ko rito sa lugar na ito," sabi ko. Explaining my part and I swear I'm not lying. Tiningnan ko siya ng mabuti. Mata sa mata. Kahit kinakabahan ako gaya kanina ay tinatagan ko ang sarili kong wag bumagsak dahil sa panginginig ng mga tuhod ko at nagdadagang dibdib.
Nabigyan naman ako ng pag-asa matapos lumambot ang ekspresyon niya sa mukha. Dahan-dahang binaba ang kamay niyang patalim pero half way ay lumiwanag ito ng kaunti at nasa ere ngayon ang kamay niyang nakalahad. A gesture para makipagkamay.
"I'm sorry for pointing a sword to you. I'm just protecting the place from people who comes here with dark deeds. By the way, I'm Eleana, the guardian of this courturier," sabi niya. Nagdadalawang isip man ay kinuha ko 'yon at nakipagkamay.
"It's alright kahit natakot talaga ako sa iyo ng sobra and please just call me Blythe," sabi ko. Matapos naming makipagkamay ay binitawan kaagad namin ang isa't isa.
"They finally choose another person who they think that can protect this place after years the last protector died. Thank you!"
Kunot noong tiningnan ko siya. I don't get her. What is she talking about protecting to what? I am a protector? Imposibleng mangyari iyon.
-.-.-.-.-.-
Will update this kasabay ng pag-rerepost ko sa update din ng Love Struck. Hopefully every weekend. So here you go, the prologue.

BINABASA MO ANG
Goth City
FantasíaIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...