CHAPTER 9: AN AID IN NEED
~~~+~~~
"Three Forgotten Items and One Lost Item from the well known fashion houses. Iyon ang mga kailangan upang makita ulit ang hidden room dito."
Kumunot kaagad ang noo ko at napahinto nang maalala ko ang sinabi ni Eleana kagani. Alam ko kung ano ang mga item pero may forgotten at lost pa kasi. Seriously, paano ko mai-identify ang mga iyon? Nakalimutan na nga at nawawala. Nakakaloka! Paano ko sila hahanapin? Sa lawak ng s'yudad! Ngunit may binigay naman siyang clue. I don't know if it is just mere coincidence or not but Goth City has four well known fashion houses and I have to find four item.
Naudlot ako sa pag-iisip matapos kong marinig ang malakas na halakhak ni Kleoness. Natigil ako sa pinatuktok ng hagdan habang nakahawak ang kamay ko sa hawakan. Doon ko lang din napansing nakarating na ako sa palapag na sadya ko. Ulit, narinig ko na naman ang tawa ni Kleoness at sigurado akong nanggagaling iyon sa k'warto ng dalawa. Lumakad ako sa hallway at dinaanan ang tatlong pinto bago nakarating kina Kleoness. Sumilip ako tutal nakabukas naman na at inilibot ang paningin sa paligid. Nakita ko sa may paanan ng kama, naka-upo lang si Kleon habang nakahiga naman sa Kleoness sa lapag. Tuluyan ko nang tinulak ang pinto habang medyo nakanganga pa kay Kleon na kasalukuyang nakabusangot.
Malalaki ang mga mata at alam kong halata sa mukha ko ang pagtataka habang lumalapit kay Kleoness na tumatawa pa rin. Umupo ako sa upuang malapit nila at hindi pa rin sinisira ang eye contact ko rito. Kleoness is wearing a goth lolita dress. Nakawig pa with matching make up. Ah! Mas maganda pa siya kay Kleoness! Indeed they don't look exactly like Kleoness but after his transformation he looks like his twin sister.
"I-Is that you, Kleon?" Tanong ko.
"Oh shut up ka na lang, Blythe."
"Seryoso?"
"Yeah. Yeah. I know I look hideous so would you just stop staring at me? Nakakataas ng balahibo e! Nakakapangilabot!" Bulyaw ni Kleon. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Lumabas na ang ngising kanina ko pa lang talaga pinipigilan.
"Wag na wag--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya sa akin kasi nakisabay na rin ako sa pagtawa ni Kleoness. "Ugh! Sa panahong ito ako humihiling na kagaya ka noong unang punta mo rito. Shy and timid."
"Napakagaling ba naman ng nga memtors ko," sabi ko kay Kleoness saka nag-high five.
"Why, thank you!" Sagot naman ni Kleoness at tumatawa na naman.
Walang nagawa si Kleon kung hindi timping umupo sa harapan namin. Kita ko kung paano siya ngumuso tandang naiinis na siya. Napakacute tingnan kasi para talagang si Kleoness. Grabe! Sa make up lang ba ito?
Ilang minuto ang lumipas ay humina na ang tawa namin hanggang sa naging kalmado na ulit kami. Nakakamiss talaga ang mga eksenang ito. Noong iniwan ako ni daddy halos makalimutan ko nang tumawa at ngumiti na bukal talaga sa kalooban dahil sa mga nangyayari sa buhay ko pero ngayon nagagawa ko na. Achievement ito!
"Okay! Ano... Bakit ka nakasuot ng dress Kleon na may wig at make up pa?" Intriga kong tanong sa kanya. Nakita ko namang pumadyak si Kleon at kitang-kita sa mukha niya na hindi niya ito gusto.
"Si Kleoness kasi! Napakang kakambal. Laking pang-asar to the max!" Halatang-halata naman ang inis ni Kleon sa sinabi niyang ito. Natatawang napatingin ako sa katabi ko.
"Ano na namang napasok sa ulo mo?"
Napatawa si Kleoness pagkatapos kong magtanong. Makahulugang napatingin siya kay Kleon kaya tiningnan ko rin ang huli hanggang sa salit-salitang tiningnan ko silang dalawa.

BINABASA MO ANG
Goth City
FantasiIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...