CONFESSION
~~~~+~~~~
"Kleon," tawag ko kay Kleon matapos kong pumasok sa kwarto niya. Abala ito sa pag-iimpake. Excited naman nito. Hindi pa nga ako nagsisimula e. Nilapitan ko siya matapos nitong lumingon at ngumiti sa akin. Pagkalapit ko naman sa kanya ay bumalik siya sa ginagawa niya.
"Nasaan si Kleoness?" tanong ko rito. Sa katunayan pinuntahan ko si Kleon dahil magtatanong ako. Wala kasi si Kleoness sa kwarto niya. Gusto ko lang malaman kung alam ni Kleon kung nasaan ang kapatid niya para masabi ko na rin kay Shiyo. Plano kasi naming papuntahin ang dalawa sa isang kwarto o lugar kung saan sila lang upang makapag-usap ulit. Hinahangad naming maging maayos pa ang lahat.
"Don't know pero anong problema no'n? Dinaanan lang ako kanina sa hallway e. Nagtanong ako sa kanya kung anong saktong oras tayo aalis pero hindi ako pinansin bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalakad." Wala pala siyang alam?
"May nangyari lang kanina. Nagkasagutan sina Bix at Kleoness kaya gano'n. Hinahanap ko siya kasi gusto kong kausapin. Galit na galit kasi siya kanina nag-aalala ako sa kanya."
"Kaya pala." Natatawa niyang sabi. "Heto," sabi niya. May inilahad si Kleon sa akin. Kinuha ko naman sa kanya iyon.
"Ano 'to?" tanong ko. Isa 'tong makapal na plastic.
"Buksan mo at kunin mo ang laman, dummy."
"Ah." Sinunod ko naman ang kanyang sinabi. Kinuha ko ang laman at doon ko nalamang mga litrato pala iyon. Inangat ko ang isang litrato ni Kleoness. Nakasalubong ang dalawang kilay niya no'ng una pero nabigla ako kasi gumalaw ito. May nilabas na kung anong matalim na bagay sa bewang niya at inihagis niya iyon sa harap. Nagulat nga ako akala ko tatamaan ako pero bumalik lamang ito sa una kung saan ang mukha ni Kleoness ang makikita at gumalaw ulit ito. Paulit-ulit lang.
Narinig kong tumawa ni Kleon. Naguguluhan habang may pangamba naman akong tumingin nito. "Damn! Akala ko matatamaan ako!"
"You're reaction was priceless!"
"Will you stop making fun of me?! What was that!"
"That's a moving picture, Blythe. Saan ka ba talaga planeta nanggaling a?"
"Tse!"
"Anyways nakikita mo riyan kung paano nagagalit si Kleoness na kailangan na ang pag-aalala mo. Ang nakita mo kanina ay hindi pa galit kung hindi pagtatampo pa lang. Blythe, may dahilan kung bakit kami pinangalanang Kleoness... Kleon. Kung magalit kasi kami ay daig pa namin ang isang leon. 'Yan kunin mo ang litratong iyan," sabi niya sabay turo. Kinuha ko naman ang litratong tinutukoy niya. Nakita ko ang batang bersyon ni Kleoness na naka-angat ang kamay at nasa harap niya ang batang bersyon ding si Kleon na halatang takot na takot sa huli. Paside view ito nakunan. Gumalaw ito at nakitang nahawakan ni Kleoness ang likurang kwelyo ni
Kleon pagkatapos ay tumalon at dinaganan ang huli. Walang awang sinabunotan ni Kleoness si Kleom. Bumalik naman ito sa unang imahe at gumalaw ulit ito. Natatawang napatingin ako kay Kleon."Ano naman ang ginawa mo rito?"
"Bata pa kami riyan. Bata pa ako e gusto kong asarin si Kleoness. Kinalbo ko ang favorite niyang manika at sinuotan ng panlalaking damit."
"'Yon lang?"
"Oo. Iyong lahat niyang mga paboritong manika. Isang daan yata iyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/33789123-288-k173131.jpg)
BINABASA MO ANG
Goth City
FantasyIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...