|GC 8|

154 57 49
                                    

BETWEEN CONSCIENCE

~~~+~~~

Napalingon ako matapos may tumawag sa akin. Nakita kong tumatakbo papalapit sa akin sina Kleon at Kleoness at halata sa mga mata at mukha nila ang pag-aalala. Sasalubungin ko sana sila ng tanong kung bakit ganoon ang kanilang mga mukha  pero bumalik sa akin ang nangyari kanina. Napakatanga ko na lang kung hindi ko alam. Bigla ba naman akong nawala sa kanilang tabi.

Veronica...

Nahulog ulit ako sa pag-iisip ng malalim. Kahit tinanong ko sa kanya kung sino siya ay misteryo pa rin siya kung ituring para sa akin. That lady is way beyond ordinary. She has this aura that I can't figure out. She's like a needle drop to a mountain of hay. The only thing that I really know with Veronica is her name and if my memory's serves me right, a future teller. Iyan ba ang dahilan kung bakit niya nasabing ako iyong nakatakda? Kung bakit alam niyang nasa Thaliance ang Old Courturier? Dahil nakikita niya ang kapalaran ko sa hinaharap?

Kung hindi naman ako maniniwala sa kanya, may posibilidad kayang may nakakita sa nangyari sa akin noon? Pero bakit wala akong natatanggap na kumpronta mula sa taong iyon? Alam kong magtatanong iyon sa nangyari sa akin pero bakit? Bakit kaya wala? O talagang wala talaga. 'Di kaya may alam talaga siya? Sino ba talaga ang babaeng iyon?

Sa bawat katanungan ay may panibago na namang mabubuo na para bang hindi matapos-tapos. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Napakagulo!

"Dang it! Goth to Blythe. Goth to Blythe!"

Narinig kong sigaw kung saan at ilang minuto ay malakas na sapak sa likod ang naramdaman ko. Bumalik naman ako sa wisyo nang mangyari iyon. Napahakbang pa ako sa harap dahil sa lakas nito at napatili sa sakit. Ang sakit lang kasi talaga!

"Oh my goth! Kleon! Masyado mong nilakasan!" Saway naman ni Kleoness at may naramdaman akong may humawak sa braso ko. Mahinang tumingin ako sa aking katabi. Si Kleoness na nakatingin ng matalim sa likuran.

"Sorry! Nataranta lang at saka nakakatakot siya. Blangko ang ekspresyon niya kanina at wala akong makitang kahit na anong bahid ng emosyon sa mga mata niya." Kandautal na sagot naman ni Kleon. Tuluyan na akong tumingin sa likod para harapin ito. Sumasakit pa rin ang likod ko. Ugh! Grabe! Ang bigat pala ng kamay nitong isa! Mas mabigat pa sa kamay ni Kleoness. Nakakaloka rin ang rason niya ha! Hindi makatarungan iyon dahil pwede naman niya akong yugyugin o sigawan pero ang sapakin? Aba! Hinablot ko ang buhok niya kaya napasigaw na naman ito. Buti nga sa 'yo. Binitawan ko naman kaagad siya pagkatapos. Narinig ko na pinagalitan ni Kleoness si Kleon ngunit hindi na ako nag-abala pang intindihin ang sinasabi nila kasi nasa sumasakit na likuran pa rin ang atensyon ko.

"Blythe, bakit ka pumunta rito?" Nag-aalalang tanong ni Kleoness sa akin matapos yatang pagalitan ang kakambal niya. Hinahaplos niya ang likod ko para maibsan ang sakit na ginawa ni Kleon kanina. Umiling lang ako at pinakalma pa talaga lalo ang loob ko. Pati kalamnan ko kasi nanginginig. Una, dahil sa pagsulpot ni Veronica at sa mga bagay na kanyang sinabi at pangalawa, ang ginawang paghampas ni Kleon.

"Blythe." This time, tawag naman ni Kleon ang narinig ko. Napabaling tuloy ang paningin ko sa kanyan. "Anong nangyari sa 'yo?" Tiningnan ko ng mabuti ang mga mukha nila at nakonsensya ako dahil pinag-aalala ko sila. Sumilay ang matipid na ngiti sa labi ko at marahang umiling.

"N-Nacurious lang ako sa lugar at pakiramdam ko may humahatak sa akin na pupunta rito."

"Kaya pumunta ka rito?" Nakataas ang isang kilay ni Kleoness nang sabihin niya iyon. Tumango ako. Kasinungalingan. Nagsisinungaling sa mga taong nag-aalala lang sa akin pero hindi naman p'wedeng sabihin ko sa kanila. Pagsasabihin ko naman baka mabanggit ko rin ang Old Courturier. Nakakakonsensya man ang ginagawa ko ngayon pero natatakot akong itapat sa kanila ang totoong dahilan. Na hindi parang humahatak kung hindi ay literal na may humatak talaga sa akin dito papasok.

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon