|GC 7|

178 57 39
                                    

UNEXPECTED CLIENT

~~~+~~~

Days already passed and things gets more creepier and what came from bad became worse. Nalulugi na talaga ang Thaliance dahil sa pagbaba ng ratings nito sa fashion industry. Laking impact iyon kasi nawawala ang interes ng mga mamimili at pumupunta sa ibang fashion house o store. In short din, bumaba ang pagka-demand ng Thaliance FH even though gawa 'yon ni Auntie Thal at mostly sa kanila Uncle Shide saka iyong iba pa ang iba.

Well, I'll state my opinion though. Hindi sa hindi na ako sa side ng Thaliance pero totoo rin naman ang sinasabi ng karamihan. Ang mga dresses kasi na gawa nila pagkalipas ng ilang minuto magiging dull at walang kabuhay-buhay na pati ikaw na nagsusuot hindi mo mawari kung ano ba talaga ang dapat na maramdaman.

Nakakapanlumo lang. All of this guys are very talented and will be wasted in a matter of days. If only I could do anything. Anything just to help them.

I can do something but I won't. Hindi ko kayang gawin ang gusto ni Eleana. T-That would be suicide! I can't do it. I can't do it!

Napapitlag ako matapos may mabigat na kamay ang biglang lumanding sa likod ko. Napaubo pa ako dahil sa lakas.

"I'm so sorry! I'm so sorry!" sabi ni Kleoness at nakita ko sa mukha niyang sincere naman siya. Ugh! Siya pala ang gumawa no'n.  Ang sakit! Ba't ang bigat ng kamay niya? Nakakarami na rin itong si Kleoness pero in fairness kulang naman ang araw ko kapag walang sapak o hambalos akong matatanggap mula sa kanya. Nakakatawa sa totoo lang.

"Okay lang iyan Kleoness. Kita mo. Wala lang kay Blythe. Sige pa. Nakukulangan iyan, e!" natatawang pang-asar naman ni Kleon. Tiningnan ko siya ng masama. Aba! Siya kaya hampasin ko. Gamitin ko itong mannequin na nakatayo sa tabi ko para mas feel niya.

"Heh! Sinasabi mo lang iyan kasi hindi na lang ikaw ang pinagbibigatan ko ng kamay kaya heto sa 'yo..." Sabay binatukan ang hindi inaasahang kakambal nito. Ganoon na lang napaupo si Kleon habang hawak hawak niya ang ulo nito't umuungol pa sa sakit.

"Ouch! Tha hurts you know! You don't do that to me. Aw!"

" 'Di bale. Wag na nating pansinin iyan," natatawang saad ni Kleoness at hinatak ako papalayo sana kaso bigla siyang tumili. Automatic na lumingon ako kay Kleon at doon nakahawak pala siya sa laylayan ng sinusuot ni Kleoness na bestida. Parang nirarape si Kleoness na nakipaghatakan pa kay Kleon. Natatawa na lang ako sa tabi dahil sa inaasta nila.

"What's all this ruckus?" May biglang nagtanong out of nowhere.

Natigilan ang dalawa at sa tingin ko sabay kaming napalingon sa taong nasa pinto. Si Aeren. Napatingin ako sa suot niya at bumalik sa mukha niyang hindi halatang naiirita. Hanggang ngayon talaga envious ako sa kanya. Kasi naman bakit kahit anong suotin niya napakaganda niyang tingnan? Napangiti ako. Sa cuteness kasi si Kleoness pero sa kagandahan si Aeren na iyon. Pwede nga siyang maging model sa taglay niyang ganda. Mataas din ito at ang best asset niya ay iyong lips niya. Perfect heart at red talaga. Napailing ako. Sa iniisip ko ngayon para akong lalaki na manyakis kaso hindi naman siguro masama ito. I'm just admiring this beauty in front of me. Beauty that I don't have. Char!

Nakakunot noo siyang nakatingin sa amin habang ang isang kamay ay nakahawak sa door knob at ang isa ay nakahawak sa bewang niya. Naramdaman kong tumayo si Kleoness mula sa pagkakaupo.

"Wala Aeren hindi naman importante." Lumapit siya sa nagdududang Aeren. Tumingin naman ang huli sa akin, kinakabahang napangiti naman ako. Hindi ko alam pero nakakakaba ang presence niya pati na ang way ng pagtitig ngayon. Naka naman oh. Maganda nga ito pero kung makatingin parang may masamang balak. Binabawi ko na ang sinasabi ko kanina. Nakakatakot siya, period.

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon