OLD COURTURIER
~~~+~~~
Malakas na kalabog ang dumagundong matapos kong marating ang dulo ng banging hinulugan ko. Napahawak kaagad ako sa pwetan ko't madiing napakagat sa ibabang labi. Sobrang sakit ng pagkakabagsak ko. Grabe! Ang lahat din ng bigat sa katawan ko ang sumalo ay ang kawawa kong pang-upo. Ang sakit lang talaga, e!
Napatingin ako sa taas matapos humupa ang sakit na nararamdaman ko pero kisame lang ang nauulinigan ko kaysa mataas na butas kung saan ako nanggaling. Paanong... Paanong nangyari iyon?
Napatingin ako sa harap at may mga mumunting light bulb lang ang nakailaw. Nagsisimula akong kabahan kaso tinatagan ko na lang ang loob ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at unti-unting lumakad upang libutin at siyasatin kung saan ako ngayon. Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay biglang lumiwanag ang sahig na tinapakan ko at gumawa ng linawag mula sa sahig na narito ako ngayon hanggang sa dingding at kisame. Kahit naguguluhan at natatakot ay sinundan ko iyon ng isa pang hakbang hanggang sa nasundan iyon at nasundan. Ang buong kwarto naman ay lumiwanag hanggang sa naging visible na talaga ang mga bagay na nandidito ngayon sa paningin ko.
Puro puting kagamitan ang nandidito. Mula sa kisame, dingding mga makina at mga bagay hanggang sa sahig. Parang white laboratory na nakalimutan pero hindi ang lab. ng mga scientist kung hindi lab. kung saan gumagawa ng mga damit. May mga makinang ngayon ko lang nakita kasi kahit may mga makina sa studio nila auntie ay klarong-klarong wala itong mga 'to doon tsaka halatang high tech ang lahat. Mula sa paggawa pa ng tela hanggang sa paggawa ng mga palamuti palibot sa dresses. Nakakamangha at super dami pa talaga. May mataas na mesa at may mga stool na maayos na nakaarrange sa tabi nito. May sobrang laking aparador din at couch na mahabang-mahaba saka may glass table pero may table mat na puti. Nagawa kong haplusin ang isang makinang nasa tabi ko lang na kung hindi ako nagkakamali ay gumagawa yata ng mga sinulid pa lang. A-Ang ganda! Kahit may mga alikabok pero nakakamangha pa rin. Lumibot ako nang lumibot. Napunta pa ako sa kasulok-sulokang bahagi ng k'wartong ito pero puting mga kagamitan lang ang naroroon. May hinahanap kasi akong kakaiba sa k'warto. Nag-aalala na rin ako. Paano ako makakalabas nito? Paano ako babalik sa Thaliance? Nako po! Ayaw ko namang mabulok dito and much worst is die here.
May naisip akong ideya. Kahit malawak ang k'wartong ito ay gagawin ko pa rin iyon. Mas magandang mag-risk kaysa hindi ako kikilos. Sinimulan ko nang kapain ang dingding. Lumalakad ako habang kinakapa ang dingding hoping na mangyari ang kanina. Kahit nakakamangha naman kasi talaga ang mga nakikita ko rito ay natatakot naman akong makulong dito habang buhay. Nasa kalagitnaan na ako ng k'warto matapos kong maramdamang may kung anong bagay na tumakbo sa likod ko kaya agad akong napalingon.
"S-Sino iyan?!" Nanginginig na tanong ko. Sa tabi ng mga mata ko ay may anino akong namataan at ang bilis ng paggalaw ng bagay na iyon. Marahas na napatingin ako sa direksyong pinaghihinalaan kong pinaghihintuan niya at nagtago.
"M-May tao ba riyan? I'm begging you please 'wag mo kong takutin at magpakita ka sa akin," sabi ko. Ilang senaryo na ang naiimagine ko tapos ang lahat ng iyon ay hindi maganda at nakakatakot. Gano'n na lang ang gulat ko matapos may nahulog mismo sa tapat ko. Napatili pa ako at napaatras kahit hindi naman talaga ako napalayo sa bagay na bumagsak kasi agad kong naramdaman ang dingding na nasa likod ko. Kahit kinakabahan at natatakot ay napatingin ako sa bagay na 'yon. Nakayuko siya sa akin at iyong isang paa rin niya ay nakacross sa isa pang paa niya na as if this creature is bowing me. Magsasalita na sana ako kaso agad siyang tumayo ng direkta at may matalim at mahabang bagay na tumutok sa leeg ko.
"Qui êtes-vous?!" Madiin ang pagkakasabi niyang iyon. Hindi ko na alam kung ilang beats per minute na ang ginawa ng puso ko dahil sa sobrang takot at kabang nararamdaman ko ngayon. Kahit utal-utal ay nagawa ko namang magsalita.

BINABASA MO ANG
Goth City
FantasyIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...