COMPLETE DISARRAY
~~~+~~~
A bird suddenly landed on Nhero's empty seat beside me. Nagulat pa ako. Akala ko kasi kung ano. Napatingin naman ito sa akin. Purong itim ang mga pakpak nito pati na ang kulay ng kanyang mga mata. 'Di kalauna'y may babaeng lumalakad palapit sa p'westo ko. Dahan-dahang lumalapit sa akin. Matikas ang panindig niya kahit pa may saklay na hawak-hawak. Ramdam na ramdam ko ang presensya nito kahit ilang dipa pa ang layo niya mula sa akin. Nang huminto ito sa aking harapan ay lumipad ang ibon at tumuntong ito sa itaas ng kanyang saklay. Maingat namang hinaplos ito ng babae.
"Ravens are my favorite bird." Pagkatapos ay napangisi siya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Ikaw." Sabay baling ng kanyang paningin sa akin. "Anong paborito mo? Anong bagay na gustong-gusto mo?"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit nandito si Veronica? Halos tunog lang ng pagkabog ng aking dibdib ang tangi kong naririnig sa buong paligid.
"Anong kahinaan mo?"
"A-Ano?"
Matalim niya akong tinitigan. "You really have the nerve to steal my weapons in my own territory. What a shame that I've found you, right?
Napakabog ng malakas ang puso ko. Kung hindi ako nagkakamali. Is she the leader of the Phantom Clan? Mas lalong lumawak ang ngisi niya dahilan para mag-illuminate ang kulay silver nitong pangil sa sinag na nanggagaling sa buwan. Ang malamig na hangin dagdagan pa ang napamisteryosong usok na nagmula kung saan ay nakaka-intimidate lang lalo sa kanga.
"Hindi ako makapaniwalang ikaw ang pinili ng lugar na iyon. Nakakahiya ka sa mga naunang tagapagtanggol kuno ng Old Courteriur." Nanliit ako sa sinabi niya. Totoong wala akong ikabubuga. Alam ko iyon. "Live well protector cause your life's ticking fast. I can kill you right now but I will not do it."
Natitigilan ako sa kanyang sinabi. Maari niya akong patayin ngayon din. H-Hindi p'wede! Nakita kong may kinuha siya mula sa kanyang coat at winagayway iyon sa ere. "Kaso may konting regalo ako sa 'yo," sabi niya sa akin.
Napalaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano iyon at matukoy kung sino ang may-ari. Iyon ang pen na binigay ko kay dad noon! Bakit nasa kanya?!
"K-Kay dad iyan!" Naiiyak kong sabi. Oh please! Sana hindi tama ang iniisip ko. Nangingilid na ang aking mga luha. Gusto ko mang tumakbo pero parang nanlalambot ang mga paa ko sa presensya niya pa lang.
"Yes dear. It's from your dad. He will be held captive as long as your not done with your treasure hunting."
Bigla niyang itinapon at mabuti na lang naging mabilis ang pagkilos ko. Binitawan ko mag dalang cup at agad na sinalo ang pen. "May buton sa panulat na iyan 'pag nagtagumpay ka sa pagpapalabas ng Old Courteriur ay pindutin mo iyon. Sa pamamagitan niyan ay pakakawalan ko ang dad mo. Kung hindi mo gagawin ay magpaalam ka na hindi lang sa kanya pati na rin ang mga malalapit sa 'yo."
Ang tangi ko lang nagawa ay tumungo. Takot na takot na talaga ako. Hindi ako makapaniwalang all this time si Veronica lang pala ang taong nasa likod ng Phantom Clan. Nanginginig ako at pinapagpapawisan ng malamig.
"We will see each other soon. Though I hope you will not sneak again just like what you did to Sous-terre," she said. "I should leave now, Vhon."
"Wait." Sabay angat ko upang patigilin siya. Napahinto ito't tinapunan ako ng malakutsilyong paningin. Napalunok ako ng laway. "Paano ko makakasiguradong pakakawalan niyo nga si daddy?" Lakas loob kong tanong sa kanya.
Umangat ang isang bahagi ng labi niya kahit hindi siya tumitingin sa akin. Tuluyan siyang tumalikod at humakbang. Tatawagin ko sana ulit siya kaso narinig kong may umungol sa bandang likuran ko. Sandali lang ay nakita ko sa Nhero na nahihirapan man sa paglalakad ay lumapit ito sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. May gasgas sa bandang kaliwang pisngi niya at nakita kong nasira ang kanyang damit sa may tiyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/33789123-288-k173131.jpg)
BINABASA MO ANG
Goth City
FantezieIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...