THE OTHER SIDE
~~~+~~~
Para akong bata na ngayon pa lang nakapasyal. Naaaliw sa mga tindahang nararaanan namin. Kasalukuyang nasa Black Market kami ngayon. Sa wakas, nakabalik ulit ako rito. Ilang linggo na rin mula no'ng huli kong pagbisita sa pinakapaborito kong lugar sa Goth City. Ito ang shopping capital ng syudad. Bagsakan ng mga produkto kum baga may parte rito para sa flea market. May mga stall sa gilid ng daan at pwede pang makipagtawaran. May parte naman na parang mall talaga.
"Okay. Una nating pupuntahan ay para sa kusina." Narinig kong sabi ni Yally. Tumango lang ako pero patuloy ko pa ring tinitingnan ang mga gusali.
"Nakakatawa ka Blythe."
"Ha?" Lumingon ako at tumingin kay Kleoness. Siya kasi ang nagsabing nakakatawa raw ako. "Bakit naman?"
"You acted like a kid." Sagot ni Yallie. Tinuro naman ni Kleoness si Yallie na may ngisi sa mukha.
"Sinabi na niya."
Napangisi ako. "Guilty as charged," sabi ko naman sa kanila. I just can't suppress my happiness. This is my comfort zone and it really makes me happy being here.
"Hey Blythe! Tumingin ka sa--"
Malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid at agad akong nabuwal sa lupa. Napahawak naman ako sa pang-upo ko dahil sa gumagapang na sakit mula rito. Oh! Naramdaman ko namang may tumabi sa akin.
"Sabi ko sa iyo tumingin ka sa nilalakaran mo."
Hindi ko alam pero parang nagpipigil ng tawa si Kleoness. Hindi ko na lang siya pinansin. Aba! Ang sakit pa kaya ng p'wet ko.
"Oo na. Maya mo na ako sermonan." Reklamo ko rito. Ano ba kasi iyong nabangga ko? Inangat ko ang aking ulo at ang nakakaloka lang glass door pala na nakabukas iyon. Ibig sabihin ang laki kong tanga! Narinig kong tumatawa na nga si Kleoness. Napansin ko namang may mga taong nakakita sa akin na pinipigilan ang kanilang pagngiti at pagbungisngis. Nakayukong tumayo ako ng maayos at pinagpag ang dumikit na alikabok sa may puwetan ko.
"That was cool!" Asar na pasaring ni Kleoness sa akin.
"Che! Nang dahil sa inyo nabangga ako ang pintong iyon."
"Kasalanan talaga namin?" Natatawang tanong ni Kleoness.
"Oo, kasalanan niyo. Nakakadistract kaya pagmumukha niyo!" Bulyaw ko. Agad namang inangkla ni Kleoness ang kanyang braso sa leeg ko at kinutosan ako. Todo hiyaw naman ako dahil sa sakit. Nagmakaawa rin na tumigil na siya. Sa tabi naman ng mga mata ko ay napansin kong nakangisi si Yallie habang nakatingin sa amin.
Kapwa kami napatigil ni Kleoness dahil sa isang tili. Napatingin kami sa direksyon kung saan iyon nanggagaling at saglit lang ang mga paninda ng isang stall ay nagsiliparan sa ere.
"Magnanakaw! Dakpin niyo! Tulong! Tulong!" Sigaw ng isang ale. Tinutukoy nito ang isang mamang tumatakbo papunta sa direskyon namin. Hindi kaagad kami nakagalaw ni Kleoness matapos nito kaming banggain. Sa ikalawang pagkakataon ay kumirot na naman ang bandang puwetan ko. Ang kawawa kong pang-upo! Ang malas naman nito sa araw na ito. Gusto ko na lang maiyak sa sakit! Pambihirang buhay naman, o.
Napatingin ako kay Kleoness para tingnan ang kalagayan niya. Napansin ko naman ang isang kamay niya ay nakahawak sa kanyang dibdib samantalang ang isa pa ay unti-unting napakuyom. Sinuntok nito ang sahig at tumayo kaagad saka hinabol ang taong bumangga sa amin.
"Kleoness! Sandali lang!" Sigaw ko. Dali-dali naman akong tumayo at hinabol din si Kleoness. Sa likod naman ay narinig kong tinawag kami ni Yallie. Hindi ko na nagawang lumingon. Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Ano bang nangyayari kay Kleoness?
BINABASA MO ANG
Goth City
FantasíaIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...