|GC 13|

97 38 13
                                    

Failed Escape

~~~+~~~

Tahimik lang ako sa oras na iyon hanggang sa nakapunta kami sa ikalawang palapag.

"I think Bix already told you about mom's death," Shiyo said. Mahina akong tumango.

"Is it really true? N-Nagsuicide si auntie?" Halos bulong kong tanong sa kanya. Sensitibo ang topic na pinag-uusapan namin at nag-aalala ako kay Shiyo.

Hindi siya sumagot bagkus ay huminto siya sa isang pintuan na may kakaibang kulay sa iba pang mga pintong naririto. Pinagbuksan niya ako nito't saka bumaling siya ng tingin sa akin. Humakbang ako papasok pero nasa pintuan pa nga lang ako'y gano'n na lang ako namangha sa loob ng kuwarto.

"Dito kami gumagawa ng mga damit, Blythe."

"N-Napansin ko nga," mahinang sabi ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang mga aparatong nakita ko lang din kay auntie Thalia. Tapos ang sahig, dingding at kisame ang lahat ay gawa sa mababasaging bagay. Nakakatakot gumawa pa ng isang hakbang baka kasi masira't mahulog ako sa kawalan.

"Blythe, tara!"

Napatingin ako sa harapan ko't nakita si Shiyo na nakakalayo na pala sa akin. Napatingin ako sa sahig at pikit matang umiling.

"I can't! Nakakatakot! Ayaw kong mahulog," sabi ko.

"This are not real glass it's just a painting! In fact, all of it! Well except the window over there." Pagkatapos niyang ituro ang bintana sa may kanan ay bigla-bigla siyang tumalon. Malakas na kalabog ang kanyang nilikha matapos tumama sa sahih ang kanyang mga paa pero walang nangyari.

"See? It's just a painting. An illusion, okay? Kaya tara na may ipapakita ako sa iyo 'di ba?" nakangiti niyang sabi. Painting? Tinitigan ko lalo ang sahig. Hala! Oo nga 'no! Grabe! Ang galing! Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya. Sigurado naman kasi akong wala talagang mangyayari dahil sa ginawa niya kanina. Sapat na pruweba na iyon.

Nahanap ko na lang ang sarili kong  nasa harapan na naman ng isang mural. Ngunit hindi kagaya no'ng nasa ibabang palapag. Mas nazoom in ang babae. Iyong bandang kalahati ng katawan lang ang nakaguhit rito hindi kagaya sa ibaba na buong katawan niya tapos gano'n pa rin nasa likod niya ang patay na puno at nasa paligid ang mga mayayabong na puno. Pagtingin ko sa bandang pisngi ng babae ay napalaki ang mga mata ko.

"May krystal!" May kalakasang sambit ko. Tear-like shape siya tapos sa tabi may mga triangle hallow. Tatlo iyon. Tiningnan ko lalo ito at napansin kong magd-diamond shape ito 'pag ang hallow sa tabi ay malalagyan. Hinawakan ko iyon.

"Iyang mga parasukat na iyan ay lalagyan nitong mga Item namin," sabi ni Shiyo. Tiningnan ko siya at nakitang nakahawak siya sa k'wentas niyang may pendant na krystal. Maliit lamang iyon kaya hindi klaro.

"Me and my brother and also dad is allowed here. Personal workplace kung baga. Walang nakakapasok dito..." Huminto siya't napatingin sa akin. "Ikaw pa lang pala." Napatango ako. I'm trully honored.

"Sa burol na iyan at sa mismong puno natagpuan ang malamig na bangkay ni mommy. Hindi lingid sa kaalaman namin ang medical condition niya. She's suffering from a terminal cancer for almost two years already. Then one day we saw a note on her vanity table saying that she's sorry and she finally wants to end her and our suffering or at least lift our burden." Nagsimulang manubig ang mga mata ni Shiyo. Pasimple man niyang kinukurap ang kanyang mga mata ay hindi pa rin iyon nakatakas sa akin. "Hindi ko alam kung bakit naisip ni mom iyon. Kahit kailan hindi siya naging pabigat sa amin. Ang gusto lamang namin ay makasama siya sa nalalabi niyang oras."

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon