GOOD DEED
~~~+~~~
Dumapo naman ang paningin ko sa isang taong nakatingin din pala sa akin. Noong nagtama ang paningin namin ay may sumilay na ngisi sa labi niya. Tumingin ako sa harap at napalunok ng laway. Bakit ganoon iyon makatingin? At kung makangisi parang minamaliit ako.
"Bagohan?"
Marahas na napatingin ako sa aking tabi. Napalaki ang mga mata ko matapos kong makita at makilalang iyon ang lalaking nginisihan ako kanina. Papaanong... kailan...
"Miss?" sabi nito at kumaway pa sa tapat ng mukha ko. Humakbang ako sa likod at kunot noo siyang tiningnan.
"Anong kailangan mo?"
"Sasali ka ba?"
"Ano naman ang sasalihan ko?" Naguguluhan kong tanong.
"Bago ka lang ba rito?"
"Bakit mo natanong?"
Tumaas ang isang kilay niya at napatawa. Nakakatawa ba ang sinabi ko? Hindi naman, a! Pinagloloko yata ako nito, e!
"You're amusing me. Nagtatanong ako sinasagot mo ako mg tanong."
Ako naman ang napataas ng kilay. Nakakahawa kasi siya. "E, ako lang ba? Ikaw din naman, a."
"Tch." Ngumisi ito. "See you soon. Sana sumali ka." Bago umalis ay nagawa pa nitong tapikin ang balikat ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakakapagtaka naman iyon. Sino ba iyon? Saka anong ibig niyang sabihin?
"I got your number. You better get ready."
"Ha?" Takang tanong ko habang ang babae naman ay inilagay na ang number sa may dibdib ko. Matapos niyang ilagay iyon ay hinawakan ko ito. "Ano ba ito?"
"You're contestant number 8."
"Contestant?"
"Ito'y isang underground fashion showdown. Kailangan ang mga contestant ay makakagawa ng isang obra gamit ang mga bagay na iyan." Sabay turo sa mahabang lamesa na nasa loob ng kulungan.
"A-Ano?" pasigaw kong sabi. Natamaan naman ako ng hiya matapos bumaling ang paningin ng mga tao rito sa akin. "Anong sinasabi mo riyan miss? Hindi ko magagawa ang sinasabi mo. Para saan? At bakit ko naman iyon gagawin?"
"Please! Please do it," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Mariing umiling ako.
"Hindi. Hindi ko magagawa iyan. H-Hindi ko kaya!" Nagdadaga na ang dibdib ko. Natatakot ako!
"Please!" May dinukot siya sa bulsa niya. Nilabas niya ang electube niya at pinakita sa akin ang isang litrato na nalapaskil doon.
"My sister. She badly wants to join but beause of an accident she can't make anymore dresses. This is her dream. Noon pa lang. Noong bata pa lang kami at ngayon nga nagawa niyang sumali ay nangyari pa ito kaya naghanap ako ng maisu-substitute niya. Pwede naman kasi iyon basta lang ang magsusukat sa obra ay ang original na sumali." Lumingon siya sa likod kaya sinunod ko ang tiningnan niya. Napanganga ako matapos kong makita na wala na itong kamay. Kitang-kita kasi iyon dahil sa bandages sa putol niyang kamay. May dressing pa sa bandang ulo niya. Sinenyasan ng kaharap kong babae ang babaeng nasa malayo na lumapit. Saglit lang ay nasa tabi na namin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/33789123-288-k173131.jpg)
BINABASA MO ANG
Goth City
FantasyIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...