|GC 2|

257 62 65
                                    

ITEMS

~~~+~~~

"Hey. Are you okay?"  Napatingala ako at agad bumungad sa mukha ko ang isang paper cup. Tiningnan ko ang taong nagbigay at nakitang si Kleoness pala iyon. Napangiti ako at sabay ng pagkuha ko sa paper cup na may lamang gatas yata ay tumango rin ako. Tumabi naman siya sa akin at tiningnan ang paligid ng store.

Nga pala itong si Kleoness sabi ni auntie siya raw ang fraternal twin ni Kleon. Right. Kahit hindi naman talaga sila magkamukha may resemblance naman sila sa isa't isa. Katatapos lang namin mag-usap ni auntie at matapos niya akong pagsabihan ay nagpaalam siya saglit. Tinawag kasi siya ng anak niya, si Nhero. May costumer kasing kailangan ng assistance ni auntie. Importanteng costumer siguro nila iyon kasi kailangan pa talaga si auntie ang aasikaso. Napangiti ako habang inikot-ikot ang laman ng cup. Napakadedicated ni auntie sa trabaho kaya nakakapanglumo naman kung totoo talaga iyong balitang lumilipad ngayon. Tanungin ko kaya kay Kleoness? Pero ayaw ko namang maging chismosa baka mag-iba rin ang paningin sa akin nito. Ayaw ko naman no'n lalo na't napakagaan ng loob ko rito.

Napatingin ako sa kabilang bahagi ng store at doon nakita ko ang lalaking nagngangalang Nhero. May kausap siyang dalawang babaeng bibili yata pero kahit may ngiti sa labi niya hindi naman umaabot iyon sa kanyang mga mata. Sa madaling salita hindi iyon sincere para nga lang napilitan, e. Medyo cold type pala itong pinsan ko. Hindi halata sa maamo niyang mukha.

Napabuntong hininga ako. Mas maganda na rin ang init na nararamdanan ko rito sa gusali ni auntie kaysa roon sa bahay ni Auntie Anna. Sinabihan ko si auntie na pansamantala lang ako rito hindi niya ako pinayagan. Napatawa tuloy ako ng mahina. Dito na lang daw ako manatili. Sumang-ayon na rin ako kahit ayaw kong maging pabigat ni auntie kaya inalok ko ang aking sariling maging empleyado niya.

Sana magiging maganda ang buhay ko rito. Payapa at naramdaman ko namang feel at home ako kahit pa may ilang nagpapadiscourage sa akin na rumito manuluyan. Napabusangot ako. Kasi naman kahit kakilala ko pa nga lang nina Aeren at Nhero super cold na ng dalawa. Snobbish pa at kung kakausapin simpleng tango lang ang sagot o oo. Feel ko gano'n talaga ang dalawa, e, kasi maski sa ibang staff ni auntie gano'n din sila makisalamuha. Mabuti pa nga si Shide na kung tutuusin dapat ko palang tawaging uncle kasi siya ang magiging asawa at papa ni Nhero. Ugh! Ngayon ko lang nalaman na madami na pala akong hindi nalalaman kay auntie. Tapos ang magkambal na sina Kleon at Kleoness. Pacool effect pa 'yong lokong Kleon na 'yon kanina pero isip bata rin pala. Ang galing mang-alaska! Saka itong si Kleoness naman though may pagkamature mag-isip sumasabay naman sa trip ng kapatid niya. Kaya magkasundo ang dalawa, e.

"Blythe. Kleoness."

Lumingon ako at gano'n din ang ginawa ni Kleoness. 'Di kalayuan sa paanan ng hagdan nandoon si Kleon. Nakasandal sa hawakan ng hagdan. Muling tumingin si Kleoness sa akin habang nakangiti.

"Tara na sa taas. Seems like Kleon is done preparing your room," nakangiti niyang sabi. Napalaki ng kaonti ang mga mata ko.

"Ay teka nag-abala pa kayo?"

"It's your auntie's order. Tara na."

Tumango ako at pagkatapos tumayo na kaming dalawa. Itinapon ko muna ang cup sa malapit na trash bin at lumakad na. Nakita kong nagsimulang umakyat si Kleon sa baitang kaya sumunod na rin kami ni Kleoness. Hindi na ako umimik at tahimik lang na nakinig sa dalawang ito na nag-uusap.

May narinig akong tungkol sa isang triad o mas kilalang Phantom Clan ng nakakarami. Kilala ito sa lungsod kahit may kaya ka pa o wala dahil sa yaman nila. Pero sa katunayan ay sa mga masasamang gawain galing iyon kaso nagagawa nilang lusotan ang pulisya kasi sa kapangyarihan nilang manipulahin ang mga tao sa paligid. Hay! Bakit kaya ganoon? Kung may mabubuti may masasama rin? Kung gustong makamit ang kapayapaan dapat may isasakripisyo muna? Hindi talaga iyon mawawala at isang proweba sa sinasabi nilang habang buhay.

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon