MISSING PIECES
~~~~+~~~~
"Blythe! Saan ka ba nanggaling?!" Bungad na tanong sa akin ni Kleoness sabay kalas nito mula sa pagkakayakap. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Pagkatapos ay kinabig niya ako pakaliwa't kanan. Nahilo tuloy ako.
"O-Oy! Dahan-dahan naman. Nahihilo na ako!"
"Sorry naman pero saan ka ba nanggaling ha?!" Singhal na naman niya sa akin.
"Chill ka nga lang muna. Pasok muna tayo sa loob."
Sa totoo'y nasa pintuan pa lang ako nang makita niya't ayun na nga dinakma ako kaagad ng yakap. Nako. Namiss yata ako kaagad. The thought about it simply made me happy.
"Ngiti-ngiti mo?" Tanong ni Kleoness.
"Nakakatuwa lang kasi parang namiss mo ko e," sabi ko sa pagitan ng mga tawa ko.
"I did missed you, you freak! At saka nag-alala na rin. Bigla ka kasing nawala akala namin kinidnap ka."
Miss? Ngayon lang sa buong buhay ko sinabihan ako ng ganyan. Kahit pala ganito ako may nangungulila pa rin sa akin kahit papaano. Niyakap ko tuloy si Kleoness. Hindi ko man siya tiningnan ay halatang nagulat ito sa ginawa ko. Nag-transform kasing bato ang katawan niya.
"Blythe, magugusot ang damit ko!" Reklamo niya nang bumalik ito sa sariling wisyo. Mahinang hinampas din ako nito sa likod. Imbes na kumalas ay mas lalo ko siyang niyakap. Napa-ungol naman ito.
"Pabayaan mo muna ako, Kleoness. Kahit ngayon lang." Narinig ko siyang tumawa at ilang sandali lang ay gumanti na rin ito ng yakap.
"You're weird."
I really need this. This certain feeling of someone embracing me. Letting me think that they're just beside me, supporting and protecting me just through this embrace. She's so warm.
Iyong lahat ng tumatakbo sa isip ko kanina at iyong pagod ng katawan. Muntik pa akong mawalan ng ulirat dahil sa nararamdaman ko pero dahil dito kahit papaano'y gumaan ang pinapasan ko.
"What's happening here?"
Kumalas kaming dalawa at tiningnan ang taong nagsalita no'n.
"Uncle! Hello po. Good afternoon." Bati ko rito.
"Blythe! Ikaw na bata ka pinag-alala mo kami! Where were you?!"
"U-Uncle, naglakad-lakad lang ako sa malapit." Natataranta kong sagot.
"At talagang umabot ka ng hapon 'no sa lakad-lakad mong 'yan."
"I got lost?" Bumingisngis na lang ako. Paano kasi wala akong masabi e.
"Ano? T-Teka nakatulog ka ba?"
Tumango ako. "Oo naman, uncle."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Totoo ba iyan?"
"Yes po! K-Kaninang madaling araw lang ako lumabas kasi gusto kong mamasyal sa paligid." Paliwanag ko. Natatakot ako sa klase ng tinging pinupukol ni uncle sa akin. Parang hindi siya naniniwala. Naghihinala kaya siya? Baka napansin niya ako kagabi na nakikinig sa usapan nila. Oh no.
![](https://img.wattpad.com/cover/33789123-288-k173131.jpg)
BINABASA MO ANG
Goth City
FantastikIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...