HER QUEST: THE BYSSHE
~~~~+~~~~
Napatingin ako sa litrato nila mom at dad bago ipinasok sa maliit kong backpack iyon. Dito rin nakalagay ang ibang bagay na maari kong magamit sa paglalakbay namin. Nakahingi na kami ni Kleon at Kleoness kina auntie Thal ng pahintulot na umalis muna kaso ang rason na sinabi namin ay magba-bakasyon lang kami. Hindi namin sinabi ang totoong rason kasi baka maging komplikado pa ang lahat. Though himala talagang pinayagan kami ni auntie kasi una mababawasan ang human power niya. Kahit na tumutulong sina uncle Shide ay malaking kawalan pa rin sina Kleon at Kleoness dahil naka-assign lang naman sa kanila ang isang department.
Marami pang gumugulo sa isip ko pero siguro magiging maayos ang lahat. Tiwala na lang. Napatalon ako sa gulat matapos may malakas na boses ang bumulabog sa kaninang tahimik kong kuwarto. I mean sa labas ng kuwarto ko pala. Marahas na napalingon ako habang nasa dibdib ang isang kamay kong sumasapo takot baka malaglag ang puso ko dahil sa kabang naramdaman.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at patakbong lumapit sa pinto. Inikot ko muna ang lock bago pinihit ang doorknob at binuksan iyon. Bumungad sa harapan ng mukha ko si Kleoness na may malaking ngisi sa mukha.
"Ready ka na?" Masiglang tanong niya. Napahilamos ako ng mukha sabay hinga ng malalim. Dang! That gave me a mini heart attack.
Tinalikuran ko siya at bumalik sa kama ko. "Kleoness naman. Dahan dahan naman nakakagulat ka, e."
"Well it's not my fault for being a scardy cat," sabi niya. Napatigil ako at kunot noong tiningnan siya. Napansin naman niya iyon kaya agad may sumilay na pilyong ngiti sa labi niya. Bumungisngis at itinaas ang isang kamay. Signaling me na 'wag ko na siyang tingnan ng ganoon. "Just kidding, Blythe. 'Di naman ito mabiro."
Bumuntong hininga ako pagkatapos ay pabalang na tumawa. Pagkalapit ko sa kama ay sinara ko ang bag ko at sabay ng pagtayo ay siyang pagsabit ko nito sa balikat. "Oh siya ready na ako. Let's go na!" masayang sabi ko.
Napalawak ang ngiti ni Kleoness at itinaas ang kanyang nakakamaong kanang kamay sa ere at ang isa naman ay nasa bewang. Napatawa ako. Lumabas na kami sa kuwarto at ilang hakbang pa lang ay nakita na namin si Kleon na nakasandal sa dingding malapit sa hagdan. May hawak siyang gadget. Alam ko kung ano ito kasi may mga ganyan ang mga kaklase ko pati na rin si Steph. Electube's very core is their means of communication but they have some useful additional features and it's using hologram technology. Napabaling ang paningin niya sa amin.
"Oy! Ang bagal niyo!" May nakasabit sa balikat ni Kleon na isang shoulder bag at malaking backpack.
"Lalayas ka ba?" Tanong ko pero parang hindi ako narinig. Bumaba na kasi kaagad sila. Napabusangot na lang tuloy ako. Aba! D-in-eadma ako.
Tumahimik na lang ako habang sumasabay sa kanilang bumaba. Pinuntahan namin si auntie para magpaalam na. Nakita namin siya sa tabi ng isang manequinn. Inaayos niya ang pagkakasuot nito sa isang lolita dress. Tinawag namin siya. Lumingon siya at dinaanan kaming lahat ng kanyang paningin.
"Teka. Lalayas ka ba Kleon?" Nagtataka ang anyo ni auntie na siya namang dahilan upang mapatawa ako. Napatingin sila sa akin kaso inismiran lang nila ako at balik ulit sa pagpalit ng tingin sa isa't isa ang tatlo.
"Para namang hindi mo pa kilala itong si Kleoness, Thal." Bakas sa boses ni Kleon ang pagkaasar. "Kapag aalis lang sa Thaliance parang saan na pupunta."
Sinapak naman ni Kleoness ang braso ni Kleon. "Tumigil ka nga!" Sigaw nito at binaling ang tingin si auntie. "Alis na kami baka abutan pa kami ng dilim," nakangiting pahayag ni Kleoness. Tumango naman si auntie at tumingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Goth City
FantasyIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...