|GC 5|

217 59 58
                                    

TERROR

~~~+~~~

Napalingon kami sa likod matapos may tumawag sa amin. Papalapit ngayon si Aeren wearing her usual expressionless face. Ang girl version ni cousin. Sometimes, maiisip kong kambal sila. Parehong pinaglihi ng walang espresyon.

"Tawag kayo ni Thal," pambungad na sabi ni Aeren paglapit nito sa amin. Nagkatinginan muna kami ni Kleon.

"Bakit, Aeren? Kakasabi lang naman ni Thal kanina na maari kaming humiwalay sa inyo," sabi ni Kleon kay Aeren. Agad tumalikod ang huli at humakbang pabalik sa dinaanan niya.

"Inutosan niya lang ako. 'Wag nang maraming satsat."

Parang may dumaan na yelo mula sa balakang ko papunta sa likod ng aking leeg. Napakalamig ng kanyang pagkakasabi no'n.

Nawala ang kilabot sa sistema ko at napatawa ng mahina nang dumapo ang paningin ko kay Kleon. Lumukot kasi ang mukha niya na para bang natatae na ewan. Noong napatingnin ito sa akin ay ngumiwi lang ako sa kanya. Pairap na tumakbo siya papunta kay Aeren para makahabol ito. Lakad takbo naman ang ginawa ko para makahabol sa kanilang dalawa. Nakasabay na ako sa paglalakad sa kanila at palihim na napatawa kasi sa pagkakaakbay ni Kleon kay Aeren habang ang huli naman ay hindi na maipinta ang mukha.

"Mga bata!" wika ni auntie. Kasama nito si Uncle Shide at isang lalaking kasing edad lang nila. Nasaan kaya iyong sina Kleoness at Nhero?

"Auntie." Sambit ko na lang. Napatingin kaagad ako sa tabi ko dahil nakarinig ako ng daing. Parang nasaktan o nagdadalawang isip tumae. Mga gano'ng tunog. Pigil na ngiti ang nagawa ko matapos kong makitang nakahawak si Kleon sa tiyan niya at namimilipit sa sakit. Hula ko siniko ni Aeren na ngayon ay parang wala lang na nakatingin sa harap.

"Umayos nga kayo!" sabi ni auntie. Napatayo ng diretso si Kleon kaya napatingin na ako sa harap. Tiningnan ko ang mukha ng kasama nilang lalaki. Ang mga mata naman niya ay kulay purple red. Hindi ako sigurado kasi baka reflection lang sa ilaw. Tapos iyong ilong niya hindi naman gaano katangos sakto lang. Nadaanan ko ng tingin si auntie at doon napakunot ang noo ko. Parang magkahawig sila.

"'Wag mo naman ganyanin sila Thal," natatawang saad ng lalaki. Napatingin naman si auntie sa huli.

"Wala naman akong ginawa huh." Sagot naman nito. Napatingin ako kay Uncle Shide at noong nahuli niya akong nakatitig sa kanya ay ngumiti ito.

"Excuse me. Aeren and Kleon, tara. Bigyan natin ng panahon ang mag-anak," sabi ni Uncle Shide. Napatango ang dalawa at matapos nilang tumango ay umalis na sila ng tuluyan. Bahagyang naguluhan naman ako sa sinabi ni uncle pero mag-anak naman talaga kami ni auntie.

Pagkatapos nilang lumayo ay nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan naming tatlo. I don't know. I really don't know! Kung nasa disyerto lang kami parang may dumaang malakas na hangin sa gitna namin at may bush na pabilog ang dumaan. Napalunok ako.

"Seriously, are we doing a staring competition here?" Amuzed na tanong ng lalaki.

"No. Blythe, is just scared to you."

"Scared?" Natatawang tanong nito. "Why would she be scared to me? I don't look a monster right?"

"No, psycho is the perfect word," natatawang sabi naman ni auntie. Napailing na lang iyong lalaki. Napatingin ulit ito sa akin at ngayon nakakailang na ang ginawa nitong pagtitig.

"Just as what you said, Thalia. She sure is gorgeous." Nakangiti at nakahawak pa sa baba. Opening a topic to tell or should I say complementing me in an indirect matter.

"Nasa genes iyan."

Sisingit na sana ako kasi parang wala ako sa harapan nila kung mag-usap, e.

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon