|GC 20|

57 24 11
                                    

A FRIEND OR A FOE

~~~~+~~~~

Natapos naming mag-almusal ay nagpaalam si Nhero. Sabi niya aalis na muna siya. Gagawin na niya kasi ang kanyang trabaho. Dahilan para maiwan kaming tatlo rito. Nagkumpolan kami sa harap ng salaming pinto para sa veranda. Nasa kaliwa makikita kaagad ang Mirage. Magandang lugar ika nga para sa aming may plano para pumasok.

"Kailangan na nating pag-usapan ang mangyayari. Mahirap na kung mas maging malala ang paghinala ni Nhero. Kilala ko ang taong iyon. Aalamin at aalamin niya ang sa tingin niya ay misteryo para sa kanya," sabi ni Kleon. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ganoon ba kapursigido si Nhero pagsakaling may nakabinbing tanong na hindi masagot? Natakot tuloy ako.

"Oo nga kaya ano na? Tanong naman ni Kleon. Napahawak si Kleoness sa baba niya habang si Kleon naman ay tinatapik ang kanyang sentido habang nakakrus ang dalawang braso. Binalik ko ang aking paningin sa harap upang tumingin sa gusali. Tinitigan ko ang nakaukit na pangalan nang biglang may maalala ako.

"Paano kung tanggapin ko ang inaalok ni Raven?"

Napatingin silang dalawa sa akin at nag-isip sandali. 'Di nagtagal ay magkasabay silang napatango.
"Maari..." sabi ni Kleon. Hinawakan naman ako ni Kleoness. Mahigpit niyang kinulong ang kanang kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"But be careful. Ikaw lang ang pupunta roon. Ikaw lang mag-isa. Please mag-ingat ka," sabi niya. Napalunok ako ng laway. Iyon nga. Ako lang mag-isa.

"Makakaya ko ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanila. Naramdaman kong may kamay na pumatong sa balikat ko dahilan para lingonin ko si Kleon.

"Makakaya mo." Ngumiti siya. "Hindi man kami kasama sa loob pero tutulongan ka namin. Habang kinukuha mo ang loob ni Raven, kami naman ni Kleoness ang mangangalap ng impormasyon tungkol sa kanya at aaralin ang gusali."

"Tama, ngayon may pupuntahan tayo. Dapat may kagamitan tayo para magawa natin ang lahat ng pinaplano natin."

Magkasabay nila akong binitawan. Binigyan ng makahulugang tingin ni Kleoness si Kleon. Pansin ko namang natanto nito ang gustong ipahiwatig ni Kleoness. Umalis ito ng walang paalam kaya sinundan ko lang siya ng tingin.

"Arcane Cabaret," sabi ni Kleoness. Kinuha nito ang atensyon ko at nakitang may kausap ito sa electube. Ulo hanggang dibdib lang ang makikita sa holographic image. Kitang-kita ang pagkaliwanag ng mukha nito at pagsilay ng kanyang ngiti.

"Kle! Anong maipaglilingkod ko sa 'yo?" Tanong nito. Nginitian naman siya ni Kleoness.

"Akala ko hindi mo na ako matatandaan, Ai. Ang tagal na kasi no'n," sabi naman niya.

"Paano naman iyon mangyayari? May utang pa ang kapatid mo sa akin." Tumawa siya.
Nakakunot man ang noo ni Kleoness ay may ngiti pa rin ito sa labi.

"Meron ba?"

"Wala. Joke lang! Nga pala, bibisita ba kayo sa cabaret ko?" Tanong na naman niya. Tumango si Kleoness. Lumingon siya sa akin kaya napalingon din sa akin anh babae. Kapansin-pansin ang kanyang mga mata. Maitim kasi ang paligid nito may piercing din siya sa labi. Nakabob cut ang kanang bahagi ng buhok nito habang ang isa naman ay panglalaki ang gupit.

"May iba pa kaming kasama. Sana pagsabihan mo ang mga taohan mo baka kasi maulit ang nangyari noon."

"Oh, hello!" sabi niya sabay kaway. Kiming nginitian ko siya habang kinakawayan na rin. Humarap ito ulit kay Kleoness. "Maasahan. See you later!"

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon