|GC 19|

47 22 27
                                    

THE MIRAGE

~~~~+~~~~

Bumaba na kami sa sasakyan at nakatingin ngayon sa gusaling may nakalagay na The Mirage sa pinakatuktok nito. Gaya lang ng unang pagdating namin sa The Bysshe, namamangha ako habang tinititigan ito. May narinig akong pag-ungol kaya napatingin ako sa likod. Nahihirapang kinuha mag-isa ni Kleon ang mga bagahe namin habang si Kleoness naman ay kinakausap pa ang driver. Dali-dali akong tumulong kay Kleon. Limang bagahe lahat ang dala namin. Hindi naman mabigat pero pag-isang tao lang ang magdadala mahihirapan talaga. May mga gift kasing ibinigay si uncle. Hindi naman amin p'wedeng umayaw kaya wala kaming choice kundi dalhin ang lahat. Pagkatapos naming makuha ang lahat ay umalis naman ang sasakyan.

Nagkatinginan kaming tatlo. "So? Now what?" Tanong ni Kleon. Napakamot ng ulo nito. Napataas naman ako ng kilay.

"Let's stick to the plan. Let's search a place first around in this area before we'll do our investigation," sabi ni Kleoness. About the plan pinag-usapan namin ito kanina habang papunta rito. Sa loob ng sasakyan iyon pero hindi namin binanggit ang mga mahahalagang bagay. Baka kasi maghinala ang driver at magreport sa City Cop. Dahil wala kaming kilala sa The Mirage ay kailangang sariling sikap na kami simula ngayon. Maghahanap kami ng hotel or apartment kung saan kami pansamantalang tutuloy. Bago kami papasok sa The Mirage bilang costumer at subukang kumuha ng infos. Suntok sa buwan kasi we're looking for an item, forgotten item to be exact which they can't freely tell us about it kasi una't panghuli ay hindi na iyon magiging forgotten kung maalala nila. Kung sana damit ang hinahanap namin ay madaling-madali iyon.

Nagsimula naman kaming maglakad. Habang abala ang aming mga paa sa paghakbang ay tinitingnan namin ang paligid. Maraming mga gusali rito pero mas marami ang mga bahay. Pansin ko ring maraming mga taong naglalakad. Medyo busy din ang kalsada. Kunot noong napatingin ako kay Kleoness.

"Matanong lang bakit ang daming tao rito?"

"Oh you don't know?"

"Kaya nga siya nagtatanong Kleoness."

"I'm not talking to you so shut up!" Binitawan naman ni Kleon ang kamay niyang hawak hawak ang maleta at itinaas ang dalawang kamay as a sign of surrending himself. Napabungisngis tuloy ako.

"Anyways, may yearly event rito sa Goth City at nagkataong ngayong buwan pa saka dito sa lugar na ito niraraos. You heard about the dernier cri in her time?"

Napakunot ang noo ko. The Dernier Cri in her time? The newest fashion... Umiling ako bilang tugon sa sinabi ni Kleoness.

"To ease you from thinking so hard we're celebrating the Queen of Vogue," sabi ni Kleon. Napalaki naman ang mga mata ko pagkatapos.

"Ang prestigeous event ng Goth City?!"

"Yes!" Sagot ni Kleon. Para namang nagningning ang mga mata ko. Sa event na ito magpa-parade ang mga kilalang fashion designers, well known critiques, models and big bosses. Noon ko pa talaga gustong makita ang event na iyon pero hindi ako pinapahintulotan nina Auntie Anna kasi wala raw magbabantay ng bahay. As if, naman may papasok sa bahay namin. Mahigpit ang security no'n.

Nalalaman ko lang ang nangyayari sa mga bagay bagay dahil sa mga pagchi-chismisan lang din ng mga kaklase ko. Hinahangad ko talagang makapunta kahit isang beses lang pero ngayon matutuloy na!

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon