|GC 1|

373 63 59
                                    

A NEW BEGINNING

~~~+~~~

Nanginginig na huminto ako sa harapan ng pinto. Kiniskis ko ang dalawang palad at inihipan iyon upang mawala ang lamig na nararamdaman ko. Basang-basa na ang buong katawan ko. Pati suot kong lolita dress na bandang tuhod ang haba at sapatos ay maari nang pigain. Bigla kasing bumuhos ang ulan na kani-kanina lang ay tirik na tirik ang araw at maalinsangan ang paligid dahil sa init. Hindi na talaga matantiya ang panahon ngayon pero medyo may kasalanan din naman ako kung bakit ako nabasa. Napanood ko sa balita bago ako umalis ng bahay na uulan. Hindi lang talaga ako nagdala ng payong.

Galing ako sa Black Market upang tingnan ang mga bagong disenyong damit at pati na rin ang mga suot ng mga tao. Walang may alam na pumupuslit ako ro'n. Bilang mamamayan ng syudad ng Goth ang mga likhang lolita dresses at kodona ang maipagmamalaki namin. Gustong-gusto ko kasing pagmasdan ang mga maliliit na detalye ng mga iyon. Kung paano dinadala ng nagsusuot at kasama na ang mga accessories na nagpapaganda lalo sa mga ito. Pinihit ko ang hawakan ng pinto't itinulak iyon.

"Oh!" Pambungad na bati ng pinsan ko nang makapasok ako. Saglit lang may tumama sa mukha ko na agad naman ding nahulog sa sahig. Kakarating ko pa nga lang tapos ito na mabubungadan ko. Tuluyan na lang akong pumasok at sinara ang pinto sa aking likuran.

"Wala ka talagang galang," mahina pero tiim baga kong sabi. Nakakainis talaga nitong pinsan ko. Mas matanda ako sa kanya pero wala man lang siyang pakialam ro'n. Kailan nga ba siya nagkaroon ng pakialam. Magmula no'ng lumipat ako rito? Ni hindi nga niya ako tinuring na magkadugo.

"Tss. Linisin mo na ito!" Napatingin ako sa kanya at sinundan kung saan siya nakaturo. Nagtaka naman kaagad ako habang tinitingnan ang mga sobreng kumalat sa sahig.

"Ikaw ang nagtapon tapos ako ang papalinisin ng kalat mo?"

Sumalubong naman ang dalawang kilay niya sa sinabi ko. "Boba! Sa iyo 'yan! Galing sa ibang tita mo na bulok. Ano? Gusto mo sunugin ko?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya at akma sana itong dadampotin. Dahil sa sinabi niyang 'yon ay dali-dali akong tumakbo at parang kidlat na kinuha ang mga sulat.

"Don't you dare."

I heard her snort and saw how her eyeballs rolled heavenwards. Tumalikod din siya at lumakad na paalis. Though I still heard her made a hissed sound "As if may paki ako riyan." Narinig ko pang sinabi niya.

Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ng mga letters at tiningnan din 'yon pagkatapos. Patakbong umakyat ako sa second floor at pumunta kaagad sa kuwarto ko. Pagkasara sa pinto ay sumandal ako rito't dumausdos paupo.

Nanghina ako. Magmula no'ng mamatay si mommy at kung sana hindi ako iniwan ni daddy sa kapatid niya na mama ng pinsang kong iyon ay hindi sana ako nakakaranas ng ganito. Umayos ako ng upo at pinunasan ang tubig na lumalandas sa pisngi ko. Tiningnan ko ang maliit at masikip kong kuwarto. Sa katunayan storage room ito ng mag-ina na pinagamit lang sa akin kasi sampid nga lang daw ako rito at walang karapatan na gamitin ang isang bakanteng kuwarto nila. Para lang daw sa mga bisita nila iyon, e. Wala naman akong magagawa noon kung hindi ang sumunod na lang sa sinabi nila kaysa matulog sa kusina o sa sala. Mabigat man ang loob ay tumayo ako at inilagay sa ibabaw ng kama ang mga sobre. Nagdesisyon akong magbihis na. Baka kasi magkasakit ako. Wala pa namang aalaga sa akin. Mabilis akong nagbihis at pinatuyo ang hanggang balikat kong buhok. Umupo ako sa harap ng bintana habang abala ang mga kamay ko sa pagpapatuyo ng buhok ko. Sa mga panahong ito naalala ko si daddy. Iniisip ko kung sakali kayang hindi namatay si mommy ay hindi ako iiwanan ni daddy at siguradong malayong-malayong mangyayari itong lahat. Walang mananakit sa akin. Hindi ako mahihirapan. Magiging masaya ako kapiling nilang dalawa.

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon