SELF DOUBT
~~~~+~~~~"Mamaya na ako magpapaliwanag. Kailangan na muna nating lumabas dito," sabi ni Nhero.
"Sina Kleoness, Nhero! Paano na sila?!"
"Kaya nila ang sarili nila."
"Pero--"
"Magtiwala ka sa akin." Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang sasabihin ko. Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo. May mga sumasabog sa paligid at malalakas na sigawan din ng mga tao ang tangi kong naririnig. Tinatakpan ko na lang ang tainga ko at nagsisimulang manubig ang aking mga mata. Ano ba ang nangyayari?
Biglang huminto si Nhero at huli na nang matanto kong niyakap niya ako para protektahan. Maimpit siyang napasigaw at kitang-kita ko kung paano gumuhit ang sakit sa natamaan niyang braso. Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Humarap siya sa lalaki at tinakbo ang layo niya rito. Pinaulanan naman siya ng kung anong laser na sa bawat pagtama no'n sa sahig ay umaapoy. Kaya gano'n na lang ang pag-aalala ko kay Nhero.
"Nhero!" Sigaw ko. Nakita kong nahawakan niya ang sandata ng lalaki at umilaw ulit ito. Palatandaang nakalabit na naman niya ang gatilyo. Natamaan ang kasama niya at nabutas ang tiyan. Napatingin ulit ako kay Nhero na ngayon ay hawak na ang sandata ng lalaki habang nakabulagta sa sahig ang kaaway. May humawak sa braso ko at inangat iyon.
"Dali na! Tayo!" sabi ni Kleoness. Agad akong sumunod sa kanya. Tumakbo kami papunta kay Nhero. Magkasabay na kami ngayong tumatakbo.
"Pumasok tayo ro'n!" Narinig kong sabi ni Kleon sa likod. Saglit akong lumingon sa kanya. Nakasunod pala sila Kleon at Ai sa amin. Humarap ulit ako. May malakas na pagsabog na naman kaya mas lalo naming binilisan ang pagtakbo. Itinapat ni Nhero ng kamay niya kaya bumukas ng pinto. Nang makapasok ay akala ko makakapagpahinga na ako ng maluwag kaso nakita kong nasa labas pa rin si Ai. Nasa kanyang likod naman ang mga lalaking humahabol sa amin. Anong hinihintay niya? Huwag mong sabihing...
"Anong ginagawa mo Ai?! Pumasok ka na," sabi ko habang nangingilid ang mga luha. Tama, hindi ako komportable sa kanya noong una at ilang minuto lang kami magkasama pero alam kong hindi siya masamang tao. Manganganib ang buhay niya kung magpapaiwan siya.
"Kailangan ko kayong bigyan ng oras makatakas. Kleoness at Kleon, quits na tayo, a."
"Pambihira, Ai! Pumasok ka na!" Naiiyak namang sigaw ni Kleoness dito! Tumawa si Ai.
"Don't worry about me I'll only just face Phantom Clan's wrath anyway." Humarap siya sa akin. "Good luck keeper."
Sumara ang pinto pero hindi nakaligtas sa akin ang pagtama ng laser sa likod ni Ai. Napanganga pa siya pero nang makitang nakatingin pa kami sa kanya ay ngumisi ito. Tumalikod siya at sakto namang tuluyang sumara ang pinto. Mabilis na bumulasok paitaas ang kinatatayuan namin. Isang minuto ang lumipas ay huminto ito. Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Maliban sa nanginginig na naman ang tuhod ko ay bumabalik sa utak ko ang nangyari kanina. Anong mangyayari kay Ai? Anong mangyayari sa kanya?
Naramdaman kong may lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko pagkatapos. Tumingala ako at nakitang nagsisilabasan ang masaganang luha sa mga mata ni Kleoness. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. Tahimik lang kaming umiiyak.
****
Nakaupo ako mag-isa sa may veranda. Nakatingin lang sa langit. Napabuntong hininga ako. Ilang oras na rin mula no'ng nakauwi kami.
Si Ai... ano kayang mangyayari sa kanya? Kahit alam kong malabo pero sana nakaligtas siya.
Matapos naming mahimas-himasan ni Kleoness ay lumabas kami sa k'warto at umalis sa Arcane Cabaret. Nakakailang na nakatahimikan lang ang naghari sa aming apat habang papabalik dito. Walang nagsasalita sa amin. Ni banggitin ang nangyari kanina.

BINABASA MO ANG
Goth City
FantasiIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...