|GC 11|

125 49 32
                                    

UNREQUITED

~~~~+~~~~


Pagpasok namin sa loob ng The Bysshe ay bumungad sa amin ang nakangiting si uncle Bysshenin. Halos mawala ang kanyang mga mata dahil sa lawak ng kanyang pagngiti at kitang-kita na ang gilagid nito.

"Blythe, my dear!" Sabay hawak sa magsingbraso ko at hinatak iyon. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig kaya halos maubusan ako ng hangin nang sa wakas ay kumalas na siya. Saglit lang 'yon pero parang tinakpan ang ilong ko ng ilang oras kaya hingal na hingal ako. Tinawanan naman ako ng mga kaibigan ko pati na rin ng aking mga pinsan. Napansin ko ring nagpipigil ng tawa ang mga staff ng The Bysshe. Uminit tuloy ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya.

"Dad! Halatang hindi ka nasasabik sa bisita natin ngayon," natatawang wika ni Shiyo. Tumango naman ang kanyang kapatid na siya namang ikinatawa ng dalawang kambal.

"Hindi nga." Sagot ni uncle. Napakagat na lamang ako sa labi ko. Medyo maloko rin pala 'tong si uncle. Makakapahinga na rin ako ng maluwag. Kanina pa kasi ako kinakabahan. No'ng magkakilala kami sa event dahil kay auntie ay wala ako sa tamang wisyo. Not to mention ang mga kaganapang ewan ko kung nagkataon lang ba o ano kaya hindi ko talaga masyadong napansin ang kanyang pag-uugali at kung paano niya ako kinausap. Tumatak lang kasi ang seryoso niyang ekspresyon sa utak ko. Hay nako. Kung sa tuwing nadi-distract talaga ako ay s-in-eset aside ko ang iba.

"Oh siya as much as I want to talk to you Blythe, my dear niece, and to you too," sabi nito sa dalawa kong kasama. "Pero base sa mga ayos niyo mukhang kaonting tulak na lang ay matutumba kaagad kayo kaya ipagbubukas na lang natin ang lahat. Ihatid niyo sila sa kanilang mga kuwarto." Utos ni uncle. Nakaharap ito kay Shiyo.

"Yes!" mahinang bulong naman ni Bix pero narinig ko kasi nasa tabi ko lang siya. Napalingon tuloy ako rito at nakita ang nakakamo nitong kamay sa bandang dibdib. Tuwang-tuwa yata ito sa hindi ko mawaring dahilan."Hindi ako kasama." Masaya ang mukha niya sa oras na iyon pero agad nawala kasi piningot ni Shiyo ang tainga ng kapatid.

"Tahimik! Sama ka 'no!" sabi ni Shiyo. Napanguso naman si Bix at nilagay ang isang kamay sa bewang. Binitawan naman ni Shiyo ang tainga nito at ibinaba ang kamay.

"Itigil niyo na nga ang paglalambingan diyan. Alis na kayo sa harapan ko at naaasiwa na ako sa mga pagmumukha niyo," sabi ni uncle ngunit may panakanakang tawa naman ang lumalabas sa kanya.

"Kapal ni Dad!" Bulong pero may diing sabi ni Bix. Marahas na napalingon si uncle sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.

"Ano?" Pabulyaw na tanong ni uncle. Dumaan naman sa mga mata ni Bix ang takot sa kaharap. Napatakip na lamang ako sa aking bibig upang hindi mapatawa. Ibinaling ko ang aking paningin nang may narinig akong hagikhik at nakita si Kleoness na nakangising-aso.

"W-Wala, dad! Alis na nga kami sa harapan mo at naaasiwa kayo sa pagmumukha namin." Dali-dali namang tumalikod si Bix at mabilis na humakbang papalayo sa amin. Hindi na namin mapigilan ang tawa at kusa na itong lumabas. Hindi man namin nakikita ang ekspresyon ni Bix ay halatang naaasar ito base kung paano kabigat ang bawat pagtapak nito sa sahig.

Sumunod naman kami kay Bix pagkatapos naming magpaalam kay uncle. Nakarating kami sa ikalawang palapag. Bix still leads the way to our respective rooms. Shiyo on other hand is busy chit chatting with Kleoness and Kleon. They look so comfortable with eachother. 'Di ko tuloy maiwasang isipin na ang close close nilang tatlo. Para silang magkakilala na mula pa pagkabata sa kung paano makipag-usap ang mga ito.

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon