IMMINENT
~~~+~~~
Buong byahe tahimik lang ako, kami na nasa loob ng sasakyan. Tensyunado silang lahat. Siguro nga nadala na sila sa nangyaring panloloob ng mga kawatan noon sa Thaliance. Well, isang mahalagang bagay nga naman ang nawala.
Pagkarating namin sa Thaliance at pagpasok namin ay siya namang pagwala ng pulang ilaw na pa-on at off sa loob ng gusali saka sa pulseras ni auntie. Inutos sa amin ni Uncle Shide na hanapin kung saan planong pumasok ang gustong manloob. Hindi na kami nagbihis pa agad naming tiningnan ang mga bintana. Wala namang indication na kinulikot ang front door kaya iyong back door at mga bintana lang ang option namin. Matiyaga naming inikot ang ikalawang palapag ni Kleoness. Magkasama naman sila Kleon at Aeren sa ikatlong palapag. Solo flight naman si Nhero na tingnan ang pinto ng rooftop. Baka raw roon pero napakaweird naman kung iyon nga. Sobrang effort kasi ang masasayang. Saka napapagitnaan kami ng mga gusaling nasa ikalawang palapag lang ang taas kaya paano?
Sina Uncle Shide at Auntie Thalia ay pinapahinga na lang muna namin sa may receiving slash guest room sa store.
"Sa tingin mo ano kaya ang motibo ng taong manloloob?" Tanong ni Kleoness sa akin. Pababa na kami noon pabalik sa guest room para sabihan kay auntie na all clear ang second floor. Napatingin ako sa likod at nakitang nakasunod si Nhero pababa. Humarap at tumingin ulit ako kay Kleoness.
"Uhm. Ewan?" nagdadalawang isip kong sabi. Napangiti na lang ako matapos bumuntong hininga si Kleoness. Kasi naman wala akong maisip. Iyong mga item ng mga designer? Pera? Titulo ng lupa at gusali? Ewan!
Dumiretso kami sa guest room at nadatnan sina Uncle Shide na binibigyan ng tasa ng kape ba o gatas si auntie. Kinuha naman ito ng huli ang tasa at ngumiti sa amin.
"Wala namang problema ang second floor, Auntie," sabi ko. Napatango si auntie tapos tumingin kay Nhero.
"Same per-- "
"So maybe nasa third floor sila. Tara! Puntahan natin ang dalawa," singit ni auntie sa sasabihin ni Nhero at tumayo na. Still hawak hawak ang tasa. Umuna siyang lumakad palabas kasunod kaming lahat sa kanya. Papaakyat kaming lahat pero wala pa lang kami nakarating sa pinakatuktok ay bumungad sa amin ang nag-aalalang pagmumukha ni Aeren.
"What happened dear?" tanong agad ni auntie. Bakas ang pag-aalala nito sa boses pa lang niya.
"Sa... sa kwarto ng kambal. May mga palatandaang gustong bumukas sa bintana nila," sabi nito. Pagkatapos sabihin ni Aeren iyon ay agad na lang tumakbo si Kleoness papunta sa kuwarto nila. Walang choice naman kami kung hindi sumunod. Doon nakita namin si Kleon na inililinis ang mga bubog na nasa lapag. Parang hindi simpleng pagbubukas lang ng bintana ang ginawa. May hugis bilog na sakto lang para ipasok ang isang kamay o braso yata sa tabi lang ng lock sa bintana ni Kleon. Sa hula ko lang at sa sinabi ni Kleoness, may nakainstall na security system so maybe sa paghawak yata ng lock nag-trigger ng threat ang system tapos sa pagkataranta ay nabitawan ang salaming bilog at nalaglag sa lapag. Agad ring umalis kaagad ang taong iyon pero ang galing naman niya. Nagmala-spider kaya siya? Kasi ang taas na ng ikatlong palapag tapos wala namang pwedeng maapakan sa labas.
"May nakita akong rope traces sa taas," biglang sabi ni Nhero. Nakuha niya ang atensyon naming lahat. "Iyon sana ang sasabihin ko sa inyo kanina." Pagpatuloy pa niya. Napatingin ako kay auntie pero walang emosyon siyang tumingin sa aming lahat. Nawala ang auntie kong kilala na palangiti at pure puti ang kanyang aura. Parang naging gloomy or in between sa bright at gloomy.
"Pwede na kayong bumalik sa kanya-kanyang k'warto niyo," flat toned niyang wika. Magsasalita sana ako kaso napatigil kasi may naramdaman akong kamay na nakapatong sa balikat ko. Pasimpleng nilingon ko iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/33789123-288-k173131.jpg)
BINABASA MO ANG
Goth City
FantasyIsang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang...