|GC 17|

48 22 25
                                    

TRIPPIN'

~~~~+~~~~

May naririnig akong bulungan. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata ngunit nakakasilaw na liwanag lang ang bumungad sa akin dahilan upang ako'y pumikit ulit.

"She looks exactly like Eames Zia Vhon."

"Our direct descendant."

"Our pride my dear sister."

"Indeed."

M-mama. Boses iyon ni mama. Bakit ko naririnig si mama? Sino iyong kausap niya? Naguguluhan ako. Gusto kong dumilat pero 'di kagaya kanina ay hindi ko na maidilat ang mga mata ko. Gusto kong dumilat. Gusto kong makita si mama. Napaiyak na ako. Hindi ko na rin makontrol ang paghinga ko.

"Mama!" Sabay bangon. Hinahabol man ang paghinga ay lumingon ako sa paligid. Pamilyar ang paligid. Doon ko natanto ang lahat. Nasa kwarto lang pala ako. Nadismaya ako. Akala ko... Ako'y napabuntong hininga. Akala lang pala. May naramdaman akong dumaloy sa pisngi ko. Hinawakan ko iyon at naramdamang basa iyon. Niyakap ko ang tuhod ko at yumuko. Sinandal ang ulo sa aking tuhod. Pinabayaan ko nalang ring dumaloy pa ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko.

Lumabas na ako sa kuwarto. Nahimas-himasan na rin ako mula sa kakaiyak ko kanina. Napaginipan ko na naman si mama. Ang nakakapagtaka lang ay ganoong eksena palagi ang napapanaginipan ko. Simula pa noong bata ako ganoon na ganoon talaga. Napakamot ako sa aking noo. Masyado lang siguro akong nag-iisip. Wala naman sigurong ibig sabihin iyon.

Napahawak naman ako kaagad sa aking tiyan matapos itong tumunog. Nagugutom ako. Naalala ko wala pa akong kain simula pa kaninang umaga. Hindi nga ako sigurado kung gabi pa ba o madaling araw na.

"Blythe! Gising ka na," sabi ni Shiyo. Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Uhm, oo? Gising na nga ako."

"Kidding. Alam ko 'no. Alangan namang nagse-sleep walk ka. Are you hungry? Ako rin. Samahan na kita sa kusina," sabi niya sabay hatak sa akin.

"Bakit ang energetic mo ngayon Shiyo? May nangyari ba kanina?"

"Nope."

"Then why?"

"May ginawa lang akong kalokohan sa kapatid ko. Kung ano iyon ay malalaman mo rin mamaya. Ilang minuto lang naman ay susugod iyon sa akin. Maging alerto ka ah. Gagawin kitang human shield pag may itatapon iyon sa akin."

"A-Ano?!"

"Joke!" Pumasok na kami sa kusina. Nadatnan naming nasa harapan ng stove si Yally. Naamoy ko rin ang bango ng niluluto niya. Nakakatakam na.

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon