|GC 15|

76 27 20
                                    

Lost Soul

~~~+~~~

Dinaanan ng sasakyang lulan ko ang black market. May iilan nang nakabukas na tindahan. May mga tao na ring namamalengke. Naraanan namin ang eskinita kung saan kami huling pumasok ni Kleoness na naging dahilan upang mapahamak siya. Naiinis ako habang naalala ang mukha ng magnanakaw. Kawawa man pero mabuti na lang din at nangyari ang bagay na iyon. Sigurado kasing maraming kapu-p'werwisyo iyon sa hinaharap. Biglang sumulpot sa utak ko naman ang lalaking dumating sa panahong iyon. May suot na kapa at maskara sa mukha. Sino kaya iyon? Bakit niya kami tinulungan? Saan kaya siya nanggaling? Kakampi nga ba ni Veronica ang lalaking iyon? But why warned me?

Paikot-ikot man ang mga katanungang iyon sa aking utak at bumabagabag man ito sa akin pero wala naman akong makuhang kasagutan.

Napatingin ako sa labas ng bintana at sa tabi may nakita akong statue na gawa sa bato. Nakarating na kami sa heart ng Black Market. The statue of the Queen of Vogue. Ang sabi siya ang ina ng kung anong meron kami ngayon, particularly in fashion. Hinahangaan ang kanyang pagkatao kahit na iilan lamang ang may sapat na kaalaman tungkol sa kanyang pagkatao. All we know is that she is the one who introduced to us people about lolita fashion and kodona. Other than that, we don't know anything. The higher ups aren't careless giving some information 'bout her. Wala ring nakatalang database tungkol sa pagkatao niya sa electube or computer.

Tinitigan ko ito. Nakasuot ng eleganteng goth lolita dress. Nakatungo man ay mapapansin ang malawa na pagkurba ng kanyang labi. Nakalahad ang kamay niya sa magkabilang gilid. I don't know but the sight of her send a throbbing pain in my heart. Totoong nakangiti siya ngunit parang malungkot iyon... o masyado lang ako nag-iisip.

Nakalabas na kami sa Black Market, iilang metro pa ang tinakbo ng sasakyan at hindi na rin patag ang daan. Medyo mabato na rin banda rito bago kami nakarating sa may ilog. Hindi kami makakapunta sa burol kung hindi namin iyon tatawirin. Not to mention, after the lake we should go through this forest. Which is kinda creepy cause it's still dark.

"Kuya, a-ayos na ako rito. Ihinto niyo na lang po ang sasakyan."

Natatakot ako sa lugar pero sapat na itong pag-aabala ko sa kanya. Ang hiyang kanina pa dapat na mararamdaman ko'y ngayon lang din sumuot sa buto ko.

"Pinagbilinan ako ni Madame Leya, hija, na ihatid ka sa lugar na iyong pupuntahan."

"Pero po mukhang hindi tayo makakatawid nito. Parang mababaw lang naman ang ilog. Tatawirin ko na lang po," sabi ko rito sa nagmamaneho. May bahid man ng katandaan ang kanyang mukha'y magara naman ito kung dalhin ang damit.

Nagpatuloy lamang ito sa pagmaneho sa tabi ng ilog hanggang sa may namataan ako sa malayo. Agad akong napakapit sa inuupuan nito sabay turo sa harap. "Kuya, may bridge yata banda roon."

Hindi naman ako nagkamali. Medyo madilim ngunit masisigurado ko namang gawa sa semento ang naturang tulay. Ibinaba ko ang bintana at dumungaw sa labas ng bintana nang gamitin namin ito upang tumawid. Sumalubong naman sa akin ang malakas na hangin. Naging magulo ang buhok ko kaya hinawakan ko iyon at inipit sa likod ng aking tenga. Tiningnan ko ang tumatakbong tubig papunta kung saan. Gabi pa nga pero kumikislap iyon dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Napangiti naman ako matapos kong makita ang repleksyon ko sa tubig.

Matapos naming makaraan sa ilog ay umupo na ako ng maayos. Pumapasok na kami sa isang kagubatan. Ilang metro na lang siguro ay mararating na namin ang burol na nasa mural.

****

Bumaba na ako sa sasakyan. Bumungad sa akin ang napakagandang tanawin. Nagpaalam naman ako sa kasama ko na ako na lamang ang umakyat. Sumang-ayon naman ito at sabi niya maghihintay lang siya sa loob ng sasakyan. Wala naman akong sinayang na oras. Agad na akong nagsimulang lumakad.

Goth CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon