10 🎭

34 2 0
                                    

Jude's POV





Nakatambay ako rito sa Locker room ng Lions. Di lang naman kasi ito ordinary na locker room eh. May mini sala and mini kitchen kaya ayos rin dito tambayan. Maaga ako rito and ito nakatunganga lang.
















"Ang aga ah." Napatingin ako kay Samson na kakapasok lang.













"Pre." Nagfistbump kami at ayun nagbihis na siya ng practice attire.















"Kanina ka pa?" tanong niya. Tumango naman ako.














"Ba't hindi ka pa nagbibihis?" Tanong niya sabay upo.












Nag isip ako saglit then tinignan siya. "Pre, anong komento mo doon sa babae?"














Tinaasan niya ako ng kilay. "Babae?"














"Oo, yung inawat ko nung isang araw sa---"















Tumango siya. "Ah 'yun, bakit?"














"Anong judgement mo sa kanya?"















Kumunot ang noo niya. "Anong bang pinagsasabi mo?"














Ginulo ko ang buhok ko. Hindi pa naman ako nagtali ng buhok ko. "Haist, sagutin mo nalang kaya noh." inis na sabi ko. Nag isip naman siya.













"Hmmmmm. Matapang siya para sa personality mo. Ibang iba siya sa ugali mo. Maganda siya kaysa saiyo." Napatingin agad ako sa kanya at hinagisan siya ng T-shirt. Bakit siya napunta siya sa maganda? Ako? Maganda? Hahah ginawa pa akong bakla nito. Tch!


















"Hahhahhahahha tama naman ako ah." tawa lang siya ng tawa. Wala talaga 'tong seryoso kausap.













"Aba aba." Napatingin kami sa ibang Lions na nagsipagdatingan.















"Anong meron dito?" tanong ni Lawrence sabay upo sa tabi ko. Ang iba naman ay ayun nagbibihis na.












"Kayo ba, anong tingin niyo sa girl ni Marco?" tanong ni Samson sa mga Lions. Ito talagang si Samson. Anong girl ko?

















"Bakit Marco,  type mo siya?" tanong ni Arellano sa akin. Mukhang gets na niya agad ah.













"Hindii sa type ko na siya. Diba andoon naman kayo nung nangyari sa Cafeteria."

















"Oh tapos? ang astig nga niya eh." sabi ni Hilton sabay ngiti habang nagbibihis ng jersey.
















"Kaso diba---"














"Lahat naman tayo nacu-curious sa isang tao. Ang dapat gawin lang natin ay ang kilalanin ito." Napatingin ako kay Captain. Magtatanong sana ako sa kanya ng lumabas na siya.















"Narinig mo si Captain." sabay sabi nila sa akin at nagsipaglabasan na rin.
















"Oh bihis na." sabay hagis ni Anderson sa akin ng Jersey ko. Tumayo na ako at nagbihis.





















------














Vedaclee's POV








FCorp








Pumasok ako sa office ni V. Nadatnan ko siyang nakatingin sa labas ng bintana. Parang may iniisip ito.



















"V" Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. "About kay Trixie."















"Upo ka." Umupo naman ako sa single sofa na nasa tapat ng table niya. Tumayo siya at nilock ang pinto tsaka bumalik sa pagkakaupo niya sa swivel chair.

















"I feel guilty" pag amin ko. Oo, mainit ang dugo ko sa Trixie na iyon. Pero aware ako sa ginawa ko and may paki rin ako sa totoo lang, kahit ganito ang ugali ko noh.















"Well, sinadya mo naman yun, diba?" Tumango naman ako.













"Hindi dahil sa napikon ka or nagalit ka. Kundi dahil ayaw mo lang talaga sa kanya." sabi ni V. Nag iwas ako ng tingin. Totoo rin naman kasi.

















"Alam mo Veda. If you want revenge. Hindi sa kanya dapat." Tinignan ko siya.
















"What do you mean?" kumunot ang noo ko.
















"Alam naman natin na walang kasalanan si Trixie sa iyo. Kung titignan mo parang meron, kasi nga anak siya ng babaeng  kinamumuhian mo pero hindi Veda."
















"V--"














She raise her hand to sign me to stop talking. "Veda, kung gaganti ka. Doon sa babaeng iyon, sa Ina niya mismo. Hindi kay Trixie."
















"Pero kasi V , kung si Trixie ang sasaktan ko. Doble yung sakit na mararamdaman niya diba? Kasi I know how precious Trixie is."


















Tumango si V. "I get it, pero ang sabi mo diba? Guilty ka?" Nag iwas ako ng tingin ulit.

















"Kasi alam mo mismo na hindi dapat si Trixie ang paghihigantihan mo. Nadadamay lang siya rito. Ginawa mo lang iyang bridge para---"




















"V, Parang damay narin siya dito. And the fact that she can't even recognize me or remember me. I have the chance to---" sabi ko.



















Umiling si V at nagsalita na. "Di natin alam na bini-brainwash na yan ng ina niya. Kaya ikaw, tigilan mo na si Trixie. Nahospital na siya. Nasaktan na siya at---"
















Nag cross arm ako. "Buti nga siya eh. Nasaktan na nga pero andiyaan yung mga magulang niya para sa kanya. Ako nga inabandona." Sabi ko na may hinanakit na tono ko. Totoo naman kasi. Ang oo, inaamin ko na may inggit akong nararamdaman towards Trixie dahil may rason din naman.














"Inabandona ka man ng magulang mo. Suwerte mo parin at napunta ka kay Mommy natin, diba?" sabi ni V. Bumuntong hininga naman ako at napangiti. Nang maalala si Mommy Emily. I can't thank her enough to adopt me and raise me like her own daughter.

















"Yeah and I'm very thankful of that." sabi ko habang nakayuko. I miss her. I miss my/our Mommy Emily.















"Kaya nga 'yan nalang muna ang pagtuonan mo ng pansin. Kaysa kung ano-ano ang pinagkaaksiyaan mo ng panahon." sabi ni V sa akin.



















Huminga ako ng malalim tsaka tumango. She's right. "Thanks and I'm sorry V." sabay tingin sa kanya.














Ngumiti siya. "Ano nga ba ang magagawa ko eh kapatid kita. Kaya ang masasabi ko lang naman lagi ay ayos na iyon. " Ngumiti ako s kanya and ngumiti rin siya sa akin sabay nag apir kami.




My Saddest GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon