Jude's POV
Tumango ako. "Makikinig lang ako." Sabi ko. Huminga siya ng malalim at nagsalita na.
"My real name is Irish Ahn. Mga two year years old pa ako ng mamatay ang totoong Mommy ko. Sa kalungkutan ni Dad nakahanap siya ng iba at yun ang Mommy ni Trixie. They got married and then suddenly. Pinalayas nalang ako ni Dad kasi raw hindi raw niya ako tunay na anak." Ito rin ang sinabi ni Veatrice.
"Naging batang kalye ako for two years old ha. May isang matanda na babae na 'yon lang ang kasama-kasama ko. Kahit gutom na gutom ako. Kahit anong gawin ko na subukan ang kainin ang pagkain na tira-tira. Di ko masisikmura kaya tinitiis ko ang gutom. Sobrang payat ko non. Tiniis rin ang lamig ng gabi, ang init ng araw, ang matulog sa kariton, minsan sa gilid ng simbahan. May mga batang kalye rin na nambubully sa akin."
I'm just staring at her and hindi ko alam kung ano ang eh re-react ko.
"Paminsan-minsan pumupunta ako sa bahay namin kasama ko iyong si Lola. Nakikita ko na ang saya nila. Kahit sobrang bata ko pa at tutuusin two years years hanggang sa lumaki ako. Si Lola lang ang pamilya ko doon sa kalye. Kasamaang palad yung si Lola namatay na rin sa katandaan. Kaya mag isa na naman ako. Doon ko na naman naranasan ang sobrang hirap. Yung ikaw nalang mag isa na magsu-survive. May chance ako na makita at malapitan ang Ama ko pero di niya pinapansin. Parang di niya ako kilala, ganun. Hanggang sa nakita ako ni Mommy Emily ko. Muntikan niya kasi akong mabundol noon kasi nga parang gusto ko nalang magpakamatay."
Tumingin siya sa akin. "Siya ang nag ampon sa akin. Dinala niya ako sa mansion niya at doon ko nakilala sina V, Max at Noel. Sabay sabay kaming pinalaki. Halos lahat sabay kami sa lahat. Kaya nga sobrang close naming apat eh. Si Mommy Emily ko, binigay niya sa akin ang lahat, lahat lahat. Alam rin niya ang tungkol sa Ama ko kasi nasabi ko ko sa kanya. Kaya nga ang sabi niya, papalitan niya ang pangalan ko at pagkatao ko. Paglumaki na ako ay ipapakita ko sa kanya kung sino ang anak na inabandona niya." Medyo lumapit ako nh konti sa kanya. I wipe her tears.
"Lumaki ako na nakikita sa TV ang pamilya nila na ang saya. Si Trixie, di naman ako galit sa kanya eh. Naiinggit lang ako. Naiinggit ako kasi ako dapat 'yun eh. Ako dapat yung prinsesa ni Daddy."
Tumango ako. "Ba't mo naman siya sinasaktan kung di ka galit sa kanya? Aside sa inggit ka."
"Kasi nasasaktan rin siya dahil nasasaktan ang prinsesa niya. Ang inakala niya kasi. Di niya talaga ako tunay na anak. Kasi magkahiwalay sila ni Mommy noon. Kasi may ibang pangarap si Mommy. Ngunit nalaman nalang niya na nabuntis pala siya. Nalaman rin ni Dad kaya nagpakasal sila. Kaya nung inampon na ako ni Mommy Emily. Lahat ginawa ni Mom para imbestigahan ang Mom ni Trixie. Doon nalaman ko na kaya pala ako pinalayas ni Dad. Dahil sa pekeng DNA test kaya inakala ni Dad na anak ako sa ibang lalaki ni Mom. Na nabuntis daw si Mom ko, my biological Mom sa ibang lalaki nung nagkahiwalay sila ni Dad. Na kay Dad lang daw ito pina-angkin kasi ganyan ganito." Ngumiti siya ng pilit.
"Pero ang totoo. Si Trixie pala ang anak sa ibang lalaki. Hindi ikaw." Dugtong kong sabi. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng pilit.
"Ayos lang na hindi ka prinsesa ng Ama mo. Ikaw naman ang magiging Reyna ko." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Ang lungkot pala talaga niya. She's such a saddest girl.
"I love you Jude" sambit niya habang nakatitig sa akin. Natulala ako ng ilang sandali. Natauhan nalang ako ng yumakap siya sa akin. Napangiti naman ako. May rason pala talaga kung bakit ko itong minahal ang babaeng ito.
"Tahan na Bhe. Tahan na." Sabi ko dahil ngayon humagulgol na siya ng iyak. Niyakap rin siya habang hinahaplos ang buhok niya.
Hanggang sa nakatulog na siya. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Madumi kasi kaya di siya makakahiga. Nakahawak lang ang kamay ko sa kamay niya.
"Alam mo bhe. Noon ayaw kong mainvolve sa iyo. Pero nung nakiusap si Noel sa akin na kailangan mo ng kaibigan lalo na pag wala sina Noel. Di ko naiintindihan noon kung bakit? Ang tingin ko sa iyo ay sadista ka, maldita ka, at ang tigas ng ulo mo. Pero nung mas pinili kong maging malapit saiyo. Naiinvolve ako sa buhay mo. Nakikilala ko na ang totoong ugali mo. Siguro tingin nila saiyo. You're a saddist but the truth is your just s saddest." Sabi ko habang pinipisil ang kamay niya.
Panatag na ang loob ko na ngayon ay alam kong ayos siya at kasama ko. Tsaka ang ganda niya lalo ngayong iba ang kulay at kurte ng buhok niya. Bagay sa kanya.
-----
Trixie's POV
Andito ako ngayon sa kuwarto ni Mom. Naghahanap ako ng ibendinsiya. Dahan dahan lang ako dahil baka may mga maids na makakakita sa akin. Loyal na loyal pa naman sila kay Mom.
May nakita akong envelope na nakatago sa pinakailalim ng vanity ni Mom. Kinuha ko ito at nakarinig akong ingay. Shocks! Mabilis akong nagtago sa malaking kurtina na kulay itim. Narinig kong bumukas ang pinto.
Wag akong makita please.
"Kukunin ko lang ang mga labahan ni Ma'am."
"Kukunin ko rin tsaka itatapon ko pa 'tong mga basura." Rinig kong sabi ng dalawang maids. Maya maya lang ay sinarado na ang pinto. Agad akong naglakad patungo sa pinto. Sumilip ako saglit at ng maayos na ay lumabas na agad ako ng kuwarto ni Mom.