Jude's POV
Kakauwi lang naming Lions galing sa Alaska. Well, except kay Captain dahil pinuntahan niya sa London si Veatrice. Speaking of Veatrice. Sa hindi pa siya nakaalis noon ay binilinan niya ako na bantayan ang makulit at sadistang kapatid niya.
Ito ako nagmamaneho patungo sa mansion nila. Naghintay lang ako sa labas ng gate nila. Maya maya lang ay may kotseng dumating. Huminto ito at binaba ang bintana.
Si Noel pala. Binaba ko ein naman ang bintana ng kotse ko.
"Si Clee ba pinunta mo?" Tanong niya sa akin. Tumango ako.
"Wala siya rito. Nasa may park siya malapit sa University. Puntahan mo mainit ang ulo non." Sabi niya at bumusina. May bumukas naman sa gate at pumasok na siya sa loob.
Inistart ko na ang engine at nagmaneho na. Nakarating ako sa Park at andito nga siya. Wala naman kasing ibang tao rito ngayon sa park kaya mabilis ko lang siya natanaw. Nagpark ako sa di kalayuan at bumaba na.
Habang naglalakad ako ay natatanaw ko naman ang mukha niya. Sabi ni Noel mainit raw ang ulo. Tingin ko sa expression ng mukha niya. Mukhang hindi naman.
"Andito ka para magmuni-muni? o dahil namimiss mo ako? Andito na ako." Biro kong sabi sabay upo sa tabi niya. Tinignan niya ako na nakataas ang kilay.
"Bakit naman kita mamimiss?"
"Aray ha. Ilang araw rin tayo hindi nagkita noh. Pumunta rin ako sa Alaska at dalawang araw kami roon. Di mo lang ba ako namimiss. Ouch!" Pag iinarte ko sabay hawak pa sa dibdib ko.
"Tssss!!! Ang tahimik kanina eh." Sabi niya.
"Umingay ng dumating ako? Heheh! Ayaw mo non, ang saya. Bakit ka nga pala andito?" Tanong ko
"Ikaw muna, bakit ka andito? Di naman siguro coincidence ang na pumunta ka rin dito dahil gusto mo lang tapos nakita mo ako rito."
Ngumiti ako. "Binilin ka sa akin ng kapatid mo." Sabi ko. She roll her eyes on me.
"Wala si Veatrice dahil nasa ibang bansa siya, busy raw. Si Noel mukhang busy siya at nung isang pinsan mo di ko rin nakikita malamang busy rin yun. Eh ikaw, hmmmmm" I look at her na parang ini-scam siya.
"Chill ka lang eh." Sabi ko. Tinignan niya ako ng masama.
"Woah! Bhe! Ito ba ang sinasabi ni Noel na mainit ang ulo mo?"
"Ah, so si Noel ang nagsabi sa iyo na andito ako?"
Ngumiti ako. "Heheh! Naghintay ako sa labas ng mansion niyo. Nakita ko si Noel kaya sinabi niya sa akin. Eh wala naman akong ibang pinunta sa mansion niyo kundi ikaw."
Umirap siya. "Tsk! Wag mo na akong bantayan." Sabi niya at nag cross arm.
"Well, gusto ko rin naman eh" nakangiting sabi ko.
"Tsss" umiiling naman siya.
"So, ano nga. Di ka busy?" Tanong ko.
"Ano bang sa tingin mo?" Nakataas ang kilay niya. Umiling ako kahit kailan talaga hays!
"Ano ba ang gusto mong gawin?" Tanong ko sa kanya. Tinignan naman niya ako na parang nangungusap.
"Free ako ngayon. So ano?" Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Busy sina Noel dahil sila ang bahala sa company habang wala si V nasa ibang bansa. Ako naman ito. Chill haist! Di naman kasi ako mahilig sa business na iyan eh." Sabi niya. Ngumiti naman ako.
Alam ko na rin ang sekreto nila. They are billionaire's daughter. Sobrang nagulat nga ako eh. Akala ko talaga na ordinary student lang sila na nag aaral pero nung malaman ko at sinabi ni Captain sa akin. Nahiya ako bigla sa yaman nila.