15🎭

37 1 0
                                    

Jude's POV





Nakabihis na ako ng Lions jogging pants at varsity jacket. Palabas na sana ng pinto ng makita ko siyang palapit rito kaya huminto ako.

"Si Captain niyo?" Tanong niya sa akin. Ang cold niya sa akin. Haist. Kasalanan ko naman eh.

"Captain" tawag ko kay Captain. Napatingin siya sa akin.

"What is it?" tanong niya. Sumilip si Vedaclee kaya tumayo si Captain at naglakad patungo sa gawi namin.

"Captain, pinabibigay ni V." Sabay bigay niya ng supot ng makalapit si Captain.

"May meeting pa kasi siya but she will be here during the game, don't worry."

"Is that sure?"

"Oo naman, si  V pa may isang salita yun. At tinutupad niya yun. Actually I'm on the way na rin doon."

Nakatingin lang ako sa kanya. "Andito ka naman during the game diba?" Tanong ko sa kanya but she just ignore me.

" Alis na ako Captain." Sabi niya na hindi man lang pinansin ang tanong ko. Tumango naman si Captain.

"Captain hatid ko lang siya sa parking" Captain nodded. Tsaka sinundan ko na siya.

"Wait!" Sigaw ko. Mabilis siyang naglakad.

"VEDACLEE!" sigaw habang hinahabol ko siya.

Nakarating kami sa parking area at tumakbo na ako ng mabilis at hinarang siya.

"Bhe" sabi ko sa harap niya. Tinignan niya ako ng malamig.

"Galit kaba? O naiinis ka?" Tanong ko sa kanya.

"Umalis ka diyan" sabi niya pero nakaharang parin ako.

"Bhe, galit kaba kasi one week ako na wala sa tabi mo."

"Alis" sabi niya.

May kasalanan ako sa kanya kasi napagsalitaan ko siya ng hindi maganda. Tsaka, inaamin ko naman na gusto ko na itong malditang sadista na ito. Liligawan ko na nga eh dahil may blessing na galing kay Veatrice, kapatid niya na pwede ko siyang ligawan. Kaso, one week akong hindi nakapagbigay ng oras sa kanya. Aside sa whole day ang pus-pusang practice namin para sa Championship ay pumupunta pa ako sa bar para asikasuhin ito and always akong pagod.

"Bhe naman. One week straight at whole day pa kami lagi nagpa-practice. Alam ko naman na miss mo na----" di niya ako pinatapos sa sasabihin ko ng suntukin niya ang kaliwang braso ko.

"Bhe naman!" sabay himas sa braso ko. Paano na ako makakapag shoot nito mamaya. Oy wag greenminded. What I mean is may laro kami mamaya dahil ngayon ang Championship.

"PRACTICE? ONE WEEK PRACTICE? TALAGA?!" galit niyang sabi.

"Oo bhe itanung mo pa kay Captain." Sabi ko. Sinuntok niya ako ulit at this time sa kabila na naman.

"BA'T MO KASAMA YUNG BABAENG YUN HA!?" tanong niya sa akin.

"Aray ko bhe! At sinong babae?" Takang tanong ko. Sinuntok niya ulit ako.

"BHE HA, ANG SAKIT NA! MAY LARO PA AKO MAMAYA." ang sakit na kasi ng braso ko.

"KAILANGAN KO PA BANG EH MENTION ANG NAME NIYA HA?"

"Ba't ba ang sungit mo? Sino ba kasi yang sinasabi mong babae ha?" Tanong ko. Ayaw naman diretsahin.

"YUNG BABAE NA PUMUNTA SA BAR MO. ANDOON KAYO SA LABAS AT NIYAKAP MO PA!" sabi niya at sinuntok ulit ang braso ko. Ang brutal talaga ng babaeng ito. Pasalamat siya gusto ko siya.

My Saddest GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon