Trixie's POV
Nagmamaneho ako ngayon patungo sa Lions Bar. Nagtatanung ako kung saan nakatira si Jude dahil may sasabihin ako sa kanya. Mabuti napakiusapan ko ang Benj na iyon na emergency lang talaga at sobrang importante ang sasabihin ko.
Kaso ilang balik ko sa Lions Bar. Laging wala si Jude roon but nakita naman nung Benj na importante lang talaga ang pakay ko kaya sinabi na rin sa akin kung nasaan si Jude.
Andito ako ngayon nakaharap ng pinto ng Condo ni Jude. Tumingin-tingin ako sa paligid baka may makakilala sa akin o makakita. Kanina nga pagpark ko, sobrang careful ko dahil alam niyo naman ang taga media. Nakakalat kung saan saan. Kakatok sana ako ng....
"Trixie?" Napalingon ako kay Jude napalapit sa akin. "What are you doing here?" Takang tanong niya sabay tingin tingin sa paligid.
"I know everything and whose fault it is." Sabi ko. Tinignan niya ako saglit tsaka tumingin siya ulit sa paligid and tumango.
"Pasok. Sa loob tayo mag uusap." Sabi niya at pumasok na kami.
"Umupo ka muna. Mabuti at andito rin siya." Sabi niya.
"Si Vedaclee?" Tanong ko. Tumango naman siya.
"Sandali lang." Sabi niya at naglakad ito tsaka pumasok siya sa kuwarto. Umupo na rin ako at maya maya lang ay lumabas na silang dalawa. Inaamin ko na kinakabahan ako di dahil sa baka masaktan niya ako kundi dahil guilty ako sa nangyari sa kanya. Tumayo agad ako ng makita ko siya. Nakatingin lang siya sa akin na hindi ko maipaliwanag.
"Sorry" diretso na pahingi ko ng tawad at nag bow.
"Before I accept your apology. Anong sinabi mong you know everything and whose fault it is?" tanong ni Jude.
Tumango ako. Umupo kami at magkatabi silang dalawa sa sofa and ako rito sa single sofa.
"Ang nagplanong patayin si Dad ay si Mom at si Greg." sabi ko.
"Greg?" Kumunot ang noo ni Vedaclee.
"Greg Romero" sabi ko. Na shock siya at umigting ang panga niya.
"I just know it nung isang linggo lang. Nakita ko sila sa bahay namin and narinig ko ang pinag uusapan nila. My Mom and Greg plan to kill Dad."
Nag smirk si Vedaclee and tumingin sa akin na nakataas ang kilay.
"But ako nasali? Teka, alam ba ng Mom mo na ako yung batang babae na inagawan at kinuhanan niya ng Ama?" galit niyang asta.
Yumuko ako at umiling. "No, hindi ka nakilala ni Mom. Nasali ka lang kasi your the last person na kasama ni Dad non. Then Mom just accused you being Dad's mistress and created a story to convince na ikaw ang pumatay kay Dad. I'm so sorry rin kasi---." Sabi ko at tumulo ang luha.
"Bhe" pinapakalma siya ni Jude bago pa siya mag react.
"Vedaclee, I'm so sorry kung nabanggit ko ang name mo. That time nung makita ko si Dad na patay na. And that evening na nasa office kayo. Nakita ko kayong nag aaway. Then---"
"Nag aaway kami dahil saiyo." diretsong sabi niya. Bumuntong hininga siya at nagpipigil sa galit. "I have a meeting to attend that day and sa hotel na ganap ang meeting na iyon. Doon ko rin nakita ang Dad mo."
Umiling ako. "No, Dad natin." Sabi ko. Umiwas siya ng tingin.
"Di ko kinaya ng makita siya and I followed him sa company niya. I had a chance na maconfront siya. I confessed infront of him na ako ang nanakit saiyo."
She looked me and give me a fake smile.
" He's mad because ikaw ba naman prinsesa niya sasaktan lang. Pero nung nagpakilala ako. Kung sino ako. Natahimik siya at di makapaniwala. That time na nagkasagutan kami dahil sinabi ko sa kanya kung ano ang ginawa ng Mom mo sa akin. She deceived him and mas lalo siyang nagalit nung sinabi ko na ikaw ang anak sa ibang lalaki at hindi ako. Oo grave iyong sagutan namin that time. After that evening naghiwalay na kami ng daanan. The last thing he said bago siya umalis. Sabi niya eh ko-confront niya ang Mom mo pag uwi niya. Hanggang sa kinaumagahan. Nabalitaan ko nalang na patay na siya at ako pa ang naging prime suspect."Yumuko ako at lumuhod. "I'm very sorry. Sorry talaga." umiiyak ako. Sobra akong nasaktan dahil sa nalaman ko. Nasaktan rin ako dahil nakasakit rin ako ng inosenteng tao.
Seconds na nakayuko lang ako at tahimik lang ng... "Sorry rin" sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at pinaupo niya ulit ako. Ngumiti si Jude sa kanya. Bumuntong hininga siya and she look at me, hindi na iyong galit ang expression niya.
"I apologize the way that I treated you. The accident that I've caused on you. I did that not because I hate you."
"You don't hate me?" tanong ko na hindi makapaniwala.
Umiling siya. "No, I just envy you. Kasi naman ang dapat sa akin. Nasa iyo na eh. Kinuha sa akin ang dapat na sa akin. Tapos ikaw, wala ang suwerte mo. Nag saya mo habang ako---." Umiiyak siya sa harap ko. Yumuko naman ako habang tumutulo ang luha ko.
"Sinasaktan kita di dahil ayaw ko saiyo o dahil, wala lang, gusto ko lang. Sinasaktan kita kasi that way, nasasaktan rin sila."
"Sorry di ko alam." umiiling habang nakayuko.
"Kasi wala naman tayong chance na magkita eh. No, nagkita pala tayu but wala lang para sa iyo. Because you didn't know I existed. Tsaka hindi tayo nagkaroon ng chance na magkakilanlan." Tumango ako. I really didn't know her or her existed. Alam ko lang talaga that I'm the only daughter, a real daughter and I have a complete and happy family.
"Trixie, may mga tao na kinasuhan ang Mom mo ng scam at fraud. Gagamitin rin namin yan laban sa Mom mo. Captain said, na kukunan niya ng mana ang Mom mo. Because of what we know is may mana na matatanggap ang Mom mo, ayos lang ba ito?" Sabi ni Jude. Tumango naman ako.
"Good" sabi ni Jude. Natahimik kami saglit ng...
"Napag desisyonan ko na sumuko." Napatingin kami kay Vedaclee. Umiling ako.
"Bhe, di mo nasabi yan sa akin. Why are you thinking that idea?" sabay hawak ni Jude sa kamay niya.
"Sorry, pero ito ang laban na kailangan kong ipanalo. Kailangan kong linisin ang pangalan ko. Ikaw na rin ang nagsabi na inosente ako, alam ko sa sarili ko na inosente ako kaya Jude. Ayos lang." Umiiling si Jude tsaka napayuko at hinihilot ang sentido niya.
"Susuportahan kita Vedaclee. I'll stand with you as a witness." Sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Eh yung Mom mo?"
"Yes, Mom ko parin siya. Whatever happen she's still my Mom but after I knew, everything about what her doings. Di ko naman makakaya na wag bigyan ng justice si Dad. Vedaclee, minahal ako ni Dad kahit di pala ako tunay na anak niya. Kaya bibigyan ko rin siya ng Justice." Sabi ko. Tinignan niya ako sa mata. I hold her hand and nag smile ako sa kanya.
"Sige, kung yan ang desisyon mo." sabi ni Vedaclee.
----
Nakauwi na ako sa amin. Nadatnan ko na tumatakbo palabas ng bahay ang mga maids.
"Anong nangyayari?" takang tanong ko.
"Ma'am ang Mommy niyo ho nagwawala."
Agad akong pumasok sa loob at lahat ng gamit ay puro sira na. Umakyat ako sa hagdan ng makarinig ako ng pagbabasag. Nakita ko si Mom na nasa kuwarto niya.
"MOM!" sigaw ko
Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "MGA WALANG HIYA! SOMEBODY FILE AGAINST ME. I'M A SCAMMER AND FRAUD? HAHAHHAH!!! THEY CLOSE THE BUSINESS. THEY TOOK MY ACCESS IN THE BANK. ALL MY CARDS ARE CLOSED. THERE A COSTUMER THAT WANTS A REFUND AND THEY WANT ME TO DOUBLE IT. ARRRGHHHHHH!!!!!" nagwawala na si Mom.
Ito ba ang sinabi ni Jude sa akin. Well, pasensya na. I can't comfort her dahil nasusuka ako sa kanya.
Tumalikod na ako. Naglakad ako pababa ng hagdanan. Umalis ako roon sa bahay. Gustuhin ko mang samahan si Mom ay di ko naman masisikmura na siyang nagpapatay kay Dad tsaka nagsinungaling rin siya sa akin, buong buhay ko.