24🎭

28 1 0
                                    

Vedaclee's POV






Naglalakad ako palabas sa isang convenient store para bumili ng pagkain ko. Naka fitted dress pa ako at nakahigh heels. Ito kasi ang suot ko ng may intendan akong meeting ng investor. Ang nadala ko lang ay isang leather jacket ko at ang maliit na sling bag ko na andito ang wallet, phone at shades ko.

Pabukas na ako ng kotse ko ng may bumaril at natamaan ang side mirror ng kotse ko.

"Shit!!!" I cursed at nagmadaling sumakay sa loob kotse ng ko. Nagmaneho na agad ako.

They keep on shooting at iniilag ko lang ang kotse ko. I grab the gun na nasa dashboard.

Binabaril ko rin sila. I check my phone and it's still charging. Lowbat na lowbat kasi yan eh. Kaya nung nakatawag ako kay Jude nakakabuwesit kay nadeadbat ako nun.

"I need to call V" sambit ko. Binabaril ko sila hanggang sa naubusan na ako ng bala.

"Shit! " I grab my other gun at tinignan ang bala. May lima pa ako. I don't need to waste it.

Nagmamaneho ako ng mabilis dahil hinahabol parin nila ako. Nang mapatingin ako sa speedometer. Di na aabot ito ng ilang kilometer dahil paaubos na rin ang gasolina ng kotse.

"Kung minamalas ka nga naman Vedaclee." inis kong sabi.

I look at the side mirror and I have to ditch them. Nagmaneho ako ng mas mabilis hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.  Nasa may bridge na ako ng wala umuurong na ang kotse.

Pinark ko ang kotse ko sa gilid. I grab my phone at inilagay sa sling bag. Dumungaw ako sa may tubig.

"Ano Vedaclee? Tatalon ka?" Tanong ko sa sarili ko. Umiiling ako.

Hinubad ko ang high heels ko pati ang leather jacket ko. Inapon ko ang leather jacket ko sa tubig at iniwan ang high heels sa bridge. Tumakbo na ako palayo roon. May nakita akong may malaking puno sa malayo. Nagtago ako roon tsaka sumilip ako.

Agad nakarating ang mga lalaking naghahabol sa akin. Chineck nila ang loob ng kotse ko at nakita nila ang high heels ko. Dumungaw rin sila sa may tubig at panigurado nakita nila ang leather jacket ko na nakalutang. I quickly hide ng sumakay na sila pabalik sa kotse nila at nagmaneho na at nakalampas na sila kung nasan ako nagtatago.

Buwesit! Feel na feel ko talaga na wanted ako.

Bumuntong hininga ako at inilagay ang baril sa loob ng sling bag ko. Tumingin-tingin ako sa paligid. Mga kakahuyan na ito rito. Naglalakad ako rito sa kakahuyan na nakapaa lang. Ang sakit nga ng paa ko eh.

Huminto muna ako sandali dahil sa masakit na talag ang paa ko. Baka naman ma contact ko na si V. Tinurn on ko ang cellphone ko mabuti may ilang percent na at dinial ang number ni V.

"Please! Please!" Mahinang sambit ko habang naghihintay sa pagring lang ito ng ring.

Can't be reach

"Haist!!!" Di ko ma contact si V. Ano ba 'tong cellphone ko? Sira na ba ito? Haist!!!. Makulimlim pa naman.

"Uulan yata ha" sambit ko habang nakatingala sa langit. Gutom na ako.
























------















Jude's POV











"AAAAHHHHHHHHHHH VEDAACLEEE" sigaw ko.  Habang nagbabasag rito sa Bar. May hawak akong bote nang alak. Giba rin ang ibang silya.

Ilang araw simula nung pina-close ko muna ang bar, pansamantala.

"Marco, tama na iyan." Pagpipigil nina Hilton at Anderson sa akin.

Tinignan ko sila. "BRO ANO BA!" Sigaw ko.

"Tigil na kasi" sabi ni Hilton. Pumigil rin sina Samson at Lawrence sa akin.

"SI VEDACLEE!" sigaw ko sabay tulak sa kanila at sinipa ang isang stool.

"Tabi" rinig kong sabi ni Captain kasabay non ang pagsuntok niya sa akin.  Nabitawan ko ang bote na hawak ko at napaupo ako sa sahig.

"Isang suntok pa?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya.

"HINDI KO PA NAHAHANAP SI  VEDACLEE, BRO. WANTED NA SIYA, GINAWA SIYANG SUSPECT AT PUTA KILLER DAW. TAPOS ANO NA NAMAN ITONG NEWS, ANG DAMING KUNG ANO ANONG SINASABI." bulyaw ko.

"Gago ka pagnaniwala ka sa fake news" sabi ni Hawkins. Umiiling ako.

"Puta  bro, ba't ako maniniwala? Alam ko ang totoo. Kilala ko ang babaeng mahal ko"  Sabi ko. Pinaupo naman ako nina Samson sa couch.

Bigla akong tumawa. "Hahah! Ang lakas ng trip ng ina ni Trixie ano? Hahahh! Galing gumawa ng kwento." Nagsipagtinginan silang mga Lions sa akin.

"Umayos ka." Sabay sabi ng mga Lions. Napangisi ako at tumango.

"Captain, hinahanap ko siya pero ayaw magpahanap. Iyong babaeng iyon talaga, Oo ang sakit sa ulo. Miss ko na siya eh." Kinapa niya ang phone ko sa bulsa ko. May tinayp siya sabay bigay sa akin ng phone ko.

"Andiyan na ang phone number ni Charles. Yung Secretary ni Vea. I'm sure pinatrabaho ni Vea na e-trace si Vedaclee. Diba ang dating phone mo nasa kay Charles." Kinuha ko ang phone ko.

"Yun naman pala bro eh. Umayos ka diyan at puntahan mo yang Charles." Sabi ni Chen.

"Wala kang magagawa kung dito ka lang maglalasing." Sabi ni Chua. Nagkamot ako sa buhok ko.

"Umayos ka bro. Miss mo na diba? Kaya umayos ka ang gago mo tignan oh" Sabi ni Arellano. Napangisi naman ako at napangisi rin sila.

"Na trace na siya ni Charles nung nakausap ko si Veatrice tapos yung balitang yun.... Gago... Di totoo yun." Sabi ko habang umiiling at yumuko.

Napaisip naman ako sa balita naiyon kanina.

Ayun sa mga police doon sa isang probinsiya ay natagpuan nila ang pares ng high heels at kotse. Ito ang kotse ni Miss Vedaclee Fuentes at may nakakita rin na leather jacket na pinaniniwalaan na suot ito ng suspect. Suspetsiya ng mga police ay tumalon ito at sa ngayon hinahanap pa nila ito kung buhay o patay na. Lalo na at sobrang lalim ang tubig rito at ang taas ng bridge. Kung makikita niyo ay mga tama ng baril ang kotse na pinagmamanehoan ng suspect.

Naghahanap na ako sa mga malapit na mga barangay o lugar rito sa amin. Di ko pa siya nakikita tapos yan na naman ang bubungad sa akin.

"Buhay si Vedaclee at mahahanap ko siya." Sambit ko sa utak ko. Nakapikit ako ngayon dahil sa tama na rin ng alak.

"Oo rin pala Insan. Anong sabi ni Vea tungkol sa news?" Rinig kong tanong ni Scherzinger.

"Tulog na siya ngayon ng tumawag ako." Sabi ni Captain.

"Kaya ni Veatrice labanan ang fake news na iyon." Sabi ko at tumingin sa kanila.

"Gising ka pa pala. Akala namin knockout kana." Sabi ni Lou.

"Hindi ako lashing" tumawa naman ang mga Lions.

Pagkatapos nila akong makausap at napakalma ay nagpasya na sila na umuwi na at kasama ako roon. Nilock nila ang Lions Bar at dinala na muna ako ni Arellano sa kanila.

"Diyan matulog kana. Bukas muna kontakin yung Charles na iyan." Sabi ni Arellano ng maihiga na niya ako sa kama. Andito ako ngayon sa isang guest room nila.

"Ge, thank you Bro. Good night" sabi ko sabay fist bump sa kanya at umalis na siya. Napatingin ako sa phone ko at sa kisame.

"Kailangan mahanap ko na siya. Bukas, maghahanap ako ulit. Buhay siya. "

My Saddest GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon