26🎭

26 1 0
                                    

Third Person's POV








Nagbabarilan ngayon sina Vedaclee at si Megan kalaban nila yung mga lalaking humahabol kay Vedaclee.

"Kahit saan ba matutuntun tayo?" Inis na tanong ni Vedaclee.

"Pumasok ka sa kotse. May extrang sapatos ako roon." sabi ni Megan.

"ANO?" Sigaw ni Vedaclee at binaril ang isang lalaki.

"DI KO ALAM IF MAGKASIZE TAYO BASTA UMALIS KA. PUMASOK KA SA KOTSE." Sigaw ni Megan. Habang nakikipagbarilan si Megan ay pasimply namang pumasok si Vedaclee sa loob ng kotse. Nakita niya ang extrang sapatos ni Megan at madaling sinuot ito.

Maya maya lang ay pumasok na rin sa loob ng kotse si Megan at nagmaneho na.

"Hahanap ako nang pwede mong pagbabaan." Sabi ni Megan at hinahabol sila ng mga lalaki.

"Why? Iiwan mo ako?"

"Kailangan. Dapat makababa ka ng hindi sila nakakaalam at tumakas ka agad. Here." Sabay bigay ng isang bracelet.

"Ano naman to?"

"Tracker yan para malalaman ko kung nasaan ka." Sinuot naman ni Vedaclee ang bracelet.

Nakikipagbarilan si Vedaclee habang nagmamaneho si Megan. Nag U-turn sila at napabrake naman ang mga kalaban dahil may isang pang kotse na huminto at may kotse rin na huminto sa likod nito.

Tumingin tingin si Megan sa paligid. Nang hindi pa ito nakasunod ay nagmaneho siya at huminto sa isang eskinita.

"Tumakas ka na. Ililigaw ko sila. Here" Sabi ni Megan tsaka binigyan ng baril si Vedaclee. Tumango naman siya at bumaba. Umalis naman agad si Megan. Tumakbo na si Vedaclee sa isang side ng kalsada habang tumatakbo siya ay di niya namalayan ang kotseng palapit at napaliko ito sa gawi niya at napabrake.

"Shit!" She cursed at tatakbo sana.

Napabrake ng kotse si Jude at agad agad na bumaba.

"Bhe" tawag niya na parang nagulat ng makita si Vedaclee. Sa skyblue na kulay na buhok ni Vedaclee ay naging kulay brown ito tsaka pinutulan rin. Lumingon si Vedaclee sa kanya.

"Jude?" gulat na tanong niya.

"Sakay." agad namang sumakay si Vedaclee. Sumakay na rin si Jude.
Lumingon si Vedaclee para e-check kung walang nakakita sa kanya o nakasunod. Nagmaneho na si Jude at tahimik lang sila.

Malayo na ang kanilang narating hanggang sa nakakita sila ng isang maliit na kubo sa di kalayuan ng karsada.

"Dito na muna tayo." Sabi ni Jude at bumaba na. Agad namang sumunod si Vedaclee sa kanya. Chineck ni Jude ang loob ng kubo at wala naman itong tao.

"Wala na sigurong nakatira rito." Sabi ni Jude.

"Sino pa ba naman ang titira rito eh. Tignan mo oh giba giba na." Sabi ni Vedaclee. Ngumiti naman si Jude.

"Ang importante may pagtataguan ka muna."

Kumunot ang noo ni Vedaclee. "Teka? Bakit, aalis ka rin?"

"Bibili ng pagkain. Nagugutom na ako eh. Kanina pa ako paikot ikot kakahanap saiyo. Dito ka muna ha."

"Pero--"

"Kung sasama ka. Baka may makakita pa saiyo. Pasok kana babalik rin agad ako." Sabi ni Jude tsaka sumakay na sa kotse niya. Pumasok naman sa loob ng kubo si Vedaclee. Tanging nakita lang niya ay isang kahoy na higaan. Ang tanging ilaw lang nila ay yung maliit na emergency flashlight ni Jude.












----









Matapos nang bumili ng pagkain si Jude ay bumalik rin agad siya sa kubo. Pumasok siya at nakita niyang nakaupo habang nakasandal ang ulo ni Vedaclee sa kahoy na pader habang nakapikit ito.

Dahan dahan niyang nilagay ang pagkain nila sa ibabaw ng kahoy na higaan.

"Bhe" gising niya kay Vedaclee. Agad namang nagising ito.

"Nakabalik kana agad"

"Oo, baka kasi nagugutom ka na rin. Ito na kain na tayo." Sabi ni Jude at umupo na rin. Pinagbubuksan niya ang mga pagkain na napamili niya. Umayos namang ng pagkakaupo si Vedaclee. Kumakain na sila ng tahimik. Pagkatapos ay lumabas muna si Jude para eh park ang kotse niya sa malayo doon sa may puno para di ito makita.

Pagkabalik niya ay nakita niyang nakatayo si Vedaclee.

"Bakit bhe?" Takang tanong ni Jude. Bumuntong hininga si Vedaclee.

"Tignan mo naman ang suot ko." Sabi ni Vedaclee. Tumitig naman si Jude kay Vedaclee. Tingin ulo hanggang paa.

"Ang sexy mo bhe. Baka magahasa kita." Nakangiting sabi ni Jude. Pinakita naman ni Vedaclee ang baril niya.

"Kumakain kaba ng bala?" tanong nito.

Ngumiti naman si Jude. "Biro lang bhe." Hinubad naman ni Jude ang sweatshirt na suot niya.

"Hoy! Bat naghuhubad ka?" Takang tanong ni Vedaclee sabay tagilid niya.

"Para isuot mo. May tshirt naman ako na suot pa oh. Tignan mo." Sabi ni Jude. Dahan dahan namang tumingin si Vedaclee sa kanya.

"See?"

"Tch, akin na." Binigay naman kay Vedaclee ang sweat shirt.

"Salamat" sinuot naman agad ni Vedaclee ang sweatshirt. Umupo naman si Jude.

"Bhe" tawag niya. Tumingin si Vedaclee sa kanya at umupo rin ito sa kabilang side.

"Jude kung tatanungin mo ako--"

"Bhe, ano ba kasi ang nangyari. Yung totoong nangyari?" Seryosos at takang tanong ni Jude. Hinawakan ni Jude ang kamay ni Vedaclee.

"Bhe, boyfriend mo ako. Kaya nga nung balitaan ko sobra akong nawala at nag alala saiyo. Paano ba naman kasi. Ang saya saya pa natin. Parang kailan lang sinagot mo ako tapos mababalitaan ko nalang na yan."

"Sorry" mahinang sabi ni Vedaclee.

"Bhe, sabihin mo naman sa akin ang nangyari. Alam ko naman na hindi mo magagawa yun. Ama mo man siya o hindi." 

Kumunot ang noo ni Vedaclee. "Teka, alam mo?"

Tumango si Jude. "Oo at alam na rin ni Trixie ang totoo. Nasabi sa amin ni Veatrice." Umiiwas ng tingin si Vedaclee.

"Bhe, ano ba kasi ang nangyari? Di talaga kita titigilan. Sabi ni Trixie, nagkasagutan raw kayo ng Ama mo tapos kinaumagahan. Yun na natagpuan na siyang patay sa loob ng kotse niya."

"Di ko 'yan masasagot Jude pero ang masasabi ko lang wala akong kasalanan." sabi nito. Nakatitig lang si Vedaclee kay Jude.

"I know." Sabi ni Jude. Huminga nga malalim si Vedaclee.

"Boyfriend kita and I think kailangan mong malaman ang totoong pagkatao ko." Sabi ni Vedaclee. Napatitig naman si Jude kay Vedaclee.

My Saddest GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon