Third Person's POV
At the Trial Court
Nakaupo si Vedaclee katabi ang Attorney niya. Nasa likod naman sina Jude at iba pang Lions. Sa kabilang side naman ay andoon ang Mom ni Trixie katabi ang Abogado rin niya.
Nagsimula na sila at umupo si Trixie sa harap. Tumayo ang Abogado ng Mom niya.
"Miss Trixie Ahn, nag aaral ka sa isang prestiyusong unibersidad, ang Lex University. Tama?"
"Tama po."
"Kung saan nag aaral rin ang suspect natin na si Miss Fuentes at pareho rin kayo ng year at kurso. May naging interaksyon ba kayong dalawa?" Tanong nito.
Tumingin si Trixie kay Vedaclee. Tumango si Vedaclee sa kanya.
"Di naging maganda ang interaksyon namin lalo na nung simula. Ngunit, kahit ganun di naman nagkaroon ng pangyayari na may ginawa siyang di maganda sa akin." Napatingin si Vedaclee sa kanya at umiling. Ngumiti ng konti si Trixie sa kanya.
"Ano itong nalaman ko na minsan na kayong nag away sa unibersidad?"
Bumuntong hininga si Trixie. "Ganito kasi iyon. Tinagurian ako na Queen of bullying. Binubully ko yung mga di ko gusto na ma-encounter. May time na nainis siya sa akin kaya nag away lang kami. Nagkasgutan lang, yun lang naman. Tapos hindi na kami nagkaka interact ulit."
Tumingin si Vedaclee kay Jude saglit at tumingin kay Trixie.
Umupo na ang Abogado ng Mom ni Trixie and this time tumayo naman ang Abogado ni Vedaclee.
"Miss Trixie Ahn, you're a queen of bullying. As what you've said or they say pero but nagtransfer ka ng ibang school. The fact na this is your last year and ga-graduate kana?"
Tumayo ang Abogado ng Mom ni Trixie. "Objection your honor."
"Sustain, sit down Attorney Gallo. Please proceed Attorney Abayan."
"Thank you your honor." Umupo naman ang Abogado ng Mom ni Trixie.
"Is it true Miss Trixie? Kung ikaw ang Queen of Bullying sa University but ka nagtransfer? Nag transfer ka kung kailan malapit na ang graduation. Why?"
Bumuntong hininga si Trixie. "I been hospitalized about a month dahil sa injury ko. Naaksidente ako nung nahulog ako sa hagdaan."
"Aksidente?"
"Yes, it is an accident. I'm a clumsy person kaya nga ako prini-prinsesa dahil nga sobrang clumsy ko." nakangiting sabi niya.
Pagkatapos ni Trixie ay si Jude naman ang tinanong.
"Boyfriend ka ng suspect?"
"Yes"
"Wala ka bang sekretong alam niya na hindi pa niya nasasabi sa iyo?" Tanong ng Abogado ng Mom ni Trixie. Tumayo ang Abogado ni Vedaclee.
"Excuse me, your honor. It's very irrelevant. Kahit na mag nobya at nobyo sila they have also a privacy."
Tumango ang Judge. Ang Judge ay si Judge Jose De Jesus. " It's true but we need to find the truth. Proceed Attorney Gallo." Ngumiti naman ang Attorney at umupo na ang Attorney ni Vedaclee.
Ngumiti naman si Jude sabay wink kay Vedaclee. "She doesn't have a secret kasi alam ko naman lahat lahat tungkol sa kanya."
"What can you say about the affair between your girlfriend and the victim?"
Ngumiti si Jude at umiling. "My girlfriend didn't had an affair. Kahit kanino, wala, loyal yan sa akin." Napangiti at napailing naman ang ibang Lions.
"May panahon lang na hindi kami magkasama dahil siya nasa company nila at ako nasa Bar ko na pag aari ko. And isa pa mayaman ang angkan ng girlfriend ko kung sinasabi niyong kabit siya sa biktima. Walang sense eh kasi ang yaman ng angkan ng girlfriend ko tapos kakabit lang siya para yumaman lalo. Ano yun?" Umiling si Jude.
"Mr. Marco, ilang months palang kayo ni Miss Fuentes. How can you say that she is really loyal to you?"
"Your honor, it's irrelevant."
"Sustain."
Nag smirk si Jude. "I don't think di na kailangan ng girlfriend ko na kumabit para yumaman lalo. Kasi di naman sa paghahambog pero mas mayaman pa ang girlfriend ko doon sa biktima. Mas mayaman nga ang girlfriend ko kaysa sa akin eh. And your asking me about my girlfriend's loyalty? Easy, aside sa ako lang ang minahal niya. Ako lang din ang pinagkatiwalaan niya. I love her as much she loves me. I love you bhe." Sabi ni Jude na proud na proud. Nag rolled eyes naman si Vedaclee at tumingin sa mga Lions na nasa likuran niya nakaupo.
"Mababatukan ko 'tong kaibigan niyo eh." Napangiti naman ang Lions.
-----
Kasalukuyang nagbreak muna para makakain muna silang lahat. Whole day ang trial nila ngayon.
Andito sila sa malapitan lang na restaurant. Hindi kasama nina Vedaclee ang security na nakabantay sa kanila dahil kasama rin naman nina Vedaclee ang Attorney niya.
Kumakain na sila. "Alam mo gago ka talaga. Parang hindi ka seryoso kanina sumagot" sabi ni Drake kay Jude.
"Eh nainis ako eh. Dinidiin na kabit ang girlfriend ko. Tsaka nainis ako doon sa balita na sinabi ng Mom ni Trixie na kumabit raw si Vedaclee para yumaman."
"Oo nakita ko nga yung balita na iyon. Na ang yaman raw ng Company nina Vedaclee ay yaman ng mga Ahn." Sabi ni Jasper.
"Haha kaya mo sinabi kanina nga mas mayaman pa ang girlfriend mo kaysa saiyo." Natatawang sabi ni Shone. Napatawa naman ng mahina si Vedaclee at ang Attorney.
"Eh totoo naman eh. Pero ayos naman ang sagot ko Attorney diba?"
Ngumiti at tumango naman ang Attorney. "Ayos lang iyon Mr. Marco. Miss Vedaclee bakit nagsisinungaling si Miss Trixie whole trial?" Tanong nito. Napatingin ang mga Lions sa Attorney.
"Alin doon Attorney?" Tanong ni Drake.
"Nasabi ni Miss Vedaclee sa akin na may ginawa siyang di mabuti kay Trixie noon lalo na nung mga interaction nila. Nag sinungaling siya nung sinabi niyang aksidente lang siyang nahulog sa hagdanan"
"Oo tama, tanda ko nga pero Marco pinakiusapan mo pa ako na kumuha ng lubid noon." Sabi ni Drake.
"Oo tapos tinali mo si Vedaclee sa silya para di makaalis." Dugtong na sabi ni Jasper.
Napatingin si Jude kay Vedaclee. "Bhe" sabay ngiti. Nag rolled eyes si Vedaclee at tumingin sa Attorney niya.
"Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling si Trixie pero ang alam ko ang sinabi niya na sa akin siya nakasuporta."
"Hmmm siguro kahit siya gusto rin malinisan ang pangalan mo Vedaclee" sabi ni Shone.
"Yeah but she don't have to lie."
"Oh siya, tapusin na natin tong pagkain at babalik pa tayo." Sabi ni Jude
"Miss Vedaclee let's have a word mamaya" sabi ng Attorney. Tumango naman si Vedaclee.