Jude's POV
Nakapasok na kami sa loob ng Cafeteria. Nagpaparaan ang mga studyante na nakaharang sa daanan namin. Dinala ko siya sa Lions lunch spot.
"Dude, ano yan kidnapping?" Tanong ni Anderson habang nakatingin sa babaeng ito.
"Hmmm hmm hmm." Nagpupumiglas siya. Nakatakip ang palad ko sa bibig niya. Ang ingay kasi nito.
"Bhe, di kita maintindihan okey." sabay smile sa kanya. Pinandilatan niya ako.
"Hhmmmm hmmm hmmm hmmmm" for sure inis na inis na ito. Napangiti lang ako.
"I love you ba sinabi mo?" Nakangiting sabi ko. Kumunot naman ang noo niya. Pikon na siya haha.
"Ahhahahah pambihira ang ugok mo talaga." Sabi ni Hilton ng makarating siya.
"Tumigil ka! Saan na?" Yung tinext ko sa kanya kanina.
"Ito na oh. Ano ba gagawin mo rito?" Sabay bigay niya sa akin ng tali. Tinignan ko naman siya na nagtataka siya habang nakatingin sa babaeng ito.
"May pagkagagamitan lang ako. Para may babaeng mag behave." Sabi ko at tumingin sa babaeng ito. Nag rolled eyes siya. Maldita talaga.
"Alam mo Marco, di ko alam na bukod sa mga inumin. Di namin alam, mahilig karin pala sa babae. Parang kagabi lang ha may babae sa club kang natitipohan. Ngayon mukhang iba na naman yata" sabi ni Arellano na kararating lang din.
Tumingin ako sa babaeng ito at tinaasan niya ako ng kilay.
Tinignan ko sila. "Manahimik kayo. Iisang babae lang ang natitipuhan ko at siya iyon." Inalis ko ang palad ko na nakatakip sa bibig niya para naman makita rin nila ang buong mukha niya.
"Oo siya iyon diba?" Di makapaniwalang ang Lions.
"Ganda noh?" nakangiting sabi ko sa kanila. Nagstart na akong talian ang babaeng ito sa upuan.
"Ouch." Pinandilatan niya ako ng mata.
"Nasaktan ka? Sorry." Concern na sabi ko.
"Yan gagapusin tapos pagnasaktan maaawa. Bakit kailangan mo pang gapusin?." Tanong ni Lou na kakarating lang din.
"Oo nga pwede mo naman yan paupuin ng maayos." Sabi ni Chua na kasunod niya. Nagpupumiglas siya.
"Alam niyo di kasi ito magbebehave eh. Kaya kailangan gapusin." Tinignan niya ako ng masama.
"ALAM MO NAKAKABUWISIT KA TALAGA LALAKI KA. PATI NA YANG BUHOK MO. NAGMUMUKHA KANG BABAE. BAKLA KA SIGURO NOH?" Ako bakla? Porket mahaba ang buhok bakla agad?