Third Person's POV
Madaling araw na at naglalakad si Vedaclee sa may kalsada.
"Hooo!" Giniginaw siya dahil malamig ang hangin lalo na at nakadress lang siya na walang sleeve. Kinuha niya ang cellphone niya at wala paring signal.
Sapaglalakad niya ay may biglang huminto na sasakyan sa gilid niya at mabilis naman niyang nailabas ang baril niya at tinututukan ito.
Bumaba ang window ng kotse at may babaeng nakangiti sa kanya.
"Hi, Miss Vedaclee Fuentes?" Bati nito na nakataas ang kamay. "Di ako kaaway."
"Prove it" sabi ni Vedaclee.
"I'm Megan Santiago, daughter of Agent Major Felix Santiago. My Father is a close friend of your late Grandfather. Your sister Veatrice hire me to find you." Sabi ng babae. Nakatitig lang saglit si Vedaclee sa babae at parang kinikilatis ito ng mabuti. Maya maya lang naman binaba na niya ang baril.
"I believe you." Sabi ni Vedaclee at sumakay na sa kotse. Tinaas naman ang window at nawala na ang lamig ni Vedaclee.
"Is my sister okey?" Tanong ni Vedaclee.
"Yes she is, but now na kasama na kita. You should call her para maging panatag na ang loob non." Sabay bigay ng phone niya kay Vedaclee.
Agad naman tinawagan ni Vedaclee ang kapatid. Pagkatapos ng tawag ay binaba na niya ito at binalik sa babae ang phone at nagmaneho lang ito.
"Di pa tayo pwedeng bumalik" sabi ng babae.
"Bakit?"
"Dahil sa ngayon walang mga police na mapagkakatiwalaan. Lahat sila tingin saiyo ay kriminal."
Bumuntong hininga naman si Vedaclee at tumango.
"Malayo rin pala ang narating mo."
"Oo dahil halos araw araw may naghahabol sa akin." Napatingin ang babae sa kanya.
"Mga police?" Umiling si Vedaclee.
"Hindi sila mga police." Sabi ni Vedaclee.
"Matagal ka naming natrace. At alam mo ba na ang sabi sa balita. Baka raw patay kana dahil nga may nakakita sa jacket mo na palutang lutang sa tubig. Nakapark rin ang kotse mo sa may bridge na maraming tama ng bala at andoon rin ang high heels mo."
"That is my plan. Pamukhain na tumalon ako doon sa bridge. Eh di rin naman ako tanga na tatalon talaga sa mataas na bridge na iyon noh." Sabi ni Vedaclee.
Napasmirk ang babae. "Tama nga ang kapatid mo. You're clever pero nag alala lang siya saiyo. Lalo na nung tumawag ka sa kanya pero nawala rin bigla. I'm just making sure na ayos ka."
"Oo eh, hindi ko alam kung sa signal o sira lang talaga cellphone ko."
"Daan muna ako sa isang store para makakain ka. Hintayin mo ako rito sa loob ng kotse." Sabi ng babae at pinark ang kotse at bumaba na siya. Pumikit naman si Vedaclee at bumuntong hininga.
-----
Jude's POV
Nakauwi ako rito sa Condo ko galing kina Arellano. Nakaligo na rin ako, nagbihis na rin ako. Nilock ko na ang condo ko at bumaba na agad. Kakasakay ko lang sa kotse ko ng tumawag si Veatrice.
"Hello Veatrice. Taga saan pala yang Charles na iyon. Pupuntahan ko---"
[No need Jude. Tumawag si Veda sa akin.]
"Really? Okey lang ba siya? Asan siya?" Tanong ko at sinabi naman ni Veatrice sa akin ang probinsiya at address kung asan si Vedaclee.
Ang layo ng narating niya.
[Jude mag iingat ka ha. Sabi ni Veda may mga lalaki na naghahabol sa kanya. Hindi ito mga police.]
"Oo Veatrice. Salamat. Pupuntahan ko na siya." Then inend ko na ang tawag.
Napangiti naman ako. I know buhay pa siya. Tama ako. Masamang damo kaya ang girlfriend ko hahah. Nagmaneho na ako. Binilin ko lang ang Lions Bar kay Benj isa sa mga pinagkakatiwalaan kong empleyado. I decided to open it again dahil kawawa naman ang mga empleyado ko wala silang trabaho.
Kailangan ko ng mapuntahan si Vedaclee.
"I'm coming Bhe" nakangiting sambit ko.