Jude's POV
"THE MORE YOU TEASE HER, THE MORE YOU GONNA LIKE HER." sigaw ni Lou kanina sa akin. Like ko na ba siya? Oo pala, di ko pa siya nakikita ulit ah. Baka may ginagawa na naman ba 'yun?
Tumatakbo ako ngayon ng mapapreno ako dahil bigla siyang lumabas ng pinto.
"Oopppps." Sabi ko and tumingin ako sa ibabaw at nakita ko ang sign na Dean's Office.
Dahil nga sa hinahanap ko siya kaya ito na punta ako rito. Actually halos libutin ko na ang buong campus eh at isa-isahin ang mga building department para lang makita siya, char. At ito na nga, andito nga siya.
Tinignan ko siya and tinignan niya ako habang nakataas ang isang kilay niya.
"Di kaba magpapadaan?" mataray na tanong niya sabay cross arm. Tinitigan ko siya saglit tsaka ko siya hinawakan sa wrist niya.
"Halika nga." sabay hila ko sa kanya.
"Ano ba!?" inis na sabi niya. Mabuti hindi ito sumigaw.
Hinila ko siya hanggang sa napunta kami sa gilid ng Business Building Department. Doon, binitawan ko naman siya.
"Anong ginagawa mo sa Dean's office?" takang tanong ko. May ginawa na naman ba ito?
"Bakit? Anong pakialam mo?" mataray niyang tanong.
"May ginawa ka na naman ba?"
"None." mabilis niyang sagot.
"Hmmm... Ma e-expell ka ba?" tanong ko.
"Di uso ang expell sa akin." taray na sabi niya.
"Eh ano?" takang tanong ko. Curious talaga ako eh.
"Usisero mo" sabi niya at maglalakad sana ng harangan ko siya.
"Dahil ba doon kay Trixie?" I asked. She pause while looking at me. She sigh and nod.
"Oo, now you know. Pwede ba umalis kana sa daanan. Nakaharang ka." sabay tulak sa akin ng mahina lang naman para maka-give way.
"Teka nga lang." Humarang ako ulit sa kanya. Huminto naman siya ulit at tinignan ako na nakataas ang kilay.
"What!?" sabay cross arm.
"Bakit ka pumunta sa Hospital kung nasaan si Trixie?" takang tanong ko. Tumaas naman ang kilay niya.