Third Person's POV
Dumating na ang araw ng unang trial sa kaso laban kay Vedaclee. Kusa siyang sumuko.
Nagsimulang magsalita si Vedaclee.
"I have a meeting that time. Sa isang hotel at doon nagkita kami ni Mr. Ahn."
Si Trixie naman ang tinanong. "Sinabi mo na nakita mo si Miss Fuentes at si Mr. Ahn na nasa loob ng office nito at nag aaway silang dalawa?"
Tumango si Trixie. "Yes and ang tanging narinig ko lang ay sinabi ni Miss Fuentes na walang kwentang ama si Dad. And that time I didn't know what it means o ano talaga ang dahilan ng pinag awayan nila. I just overheard them."
Ngayon naman ang nagsalita ay ang Mom ni Trixie. "Sa tinagal na namin ng asawa ko. Napag-alaman ko nalang na may kabit siya pala.." sabay iyak nito. "She also stole money from my husband." sabay turo kay Vedaclee.
Si Vedaclee na naman ngayon ang nasa harap.
"Totoo ba na may relasyon kayo ni Mr. Gibson Ahn?" tanong ng abogado ng Mom ni Trixie.
"Hindi totoo na kabit ako ni Mr. Gibson Ahn dahil may boyfriend ako." Sabay tingin niya kay Jude. Ngumiti naman si Jude sa kanya.
"Matagal naba kayo ng boyfriend mo Miss Fuentes?"
"Ilang months palang." sagot ni Vedaclee.
"Habang kayo ba ng boyfriend mo ay nakikipagkita ka kay Mr. Gibson Ahn?"
Tumaas naman ang kilay ni Vedaclee at nag smirk. "As I've said, hindi ako kabit ni Mr. Gibson Ahn."
Tumango ito. "Ikaw ay isang bilyonarya. Ano ang masasabi mo na may akusasyon na ang yaman mo ay galing kay Mr. Gibson Ahn?"
Nag smirk si Vedacle. "Ang tanong diyan, bakit ako magkakaroon ng yaman na galing kay Mr. Ahn? Sa totoo lang kasi, hindi ako ang mayaman eh dahil ang totoong mayaman ay ang Mommy Emily ko, yung umampon sa akin."
Natapos ang unang trial sa araw na ito. Nasa labas na sila ng trial court ng lumapit ang Mom ni Trixie kay Vedaclee.
"Sumuko ka na nga then magsisinungaling ka pa? Ang kapal rin ng mukha mo." Malditang asta nito. Hinawakan ni Jude ang kamay ni Vedaclee.
"Mom nasa court pa tayo, ano ba?" Angal ni Trixie sa Mom niya.
"Sorry" she mouthed. Pasimply namang tumango si Jude kay Trixie.
"The only thing I can say is in the end. I will surely win." Sabi ni Vedaclee na nakangiti. Ngumiti naman ang Mom ni Trixie.
"Let's see." Paghahamon nito at umalis na.
"See you sa susunod na trial. Pasensya na Vedaclee. " Sabi ni Trixie sabay hawak sa kamay ni Vedaclee. Tumango lang ito sa kanya tsaka siya sumunod na sa Mom niya.
Hindi nakakulong si Vedaclee pero nasa under security siya ng mga authoridad at nasali na rin si Jude dahil hindi ito lumalabay kay Vedaclee.
"Miss Vedaclee. Don't worry may laban tayo." Pag aasure ng abogado sa kanya.
"Thank you Attorney."
"Tatawagan lang kita kung may kailangan ako."
"Sige po." nagshakehands sila tsaka umalis na ito.
"Uwi na tayo." Sabi ni Jude. Sumakay na sila sa kotse at nagmaneho. Nakasunod sa kanila ang isang police car.
May nagbabantay rin na mga police sa labas ng condo ni Jude. Pero ayos lang kay Jude basta kasama niya at alam niyang ayos si Vedaclee.